Habang si Milet ay nanonood ng Symphony of Lights mula sa Sky Terrace 428 sa rooftop ng The Peak Tower, ako naman ay ang mga taong nadoon ang pinapanood. Naghahanap ako ng Pinay. Naghahanap ako ng posibleng masaniban para maisagawa ko ang plano ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng Pinay na nakita ko sa paglilibot sa Hong Kong, wala ni isa sa kanila ang kapareho ko ng qi.
Qi raw ang tawag sa vital energy ng isang katawan, ayon sa isang Chinese wu o shaman na pinuntahan ko one month ago para ilapit ang problema ko.
Hindi ko nakakausap ang wu sa Tagalog dahil Chinese siya at hindi marunong mag-English. May nakilala akong isang kapwa ko kaluluwang Pinay na marunong magsalita ng Cantonese. Siya ang tumutulong sa akin sa pag-translate ng Cantonese. Siya ang tumutulong sa akin sa pag-translate sa wu ng bawat sasabihin ko. Nakilala ko si Milet habang gumagala ako at hinahanap kung sino akl. Isa siyang domestic helper sa Hong Kong at doon na siya namatay. Nasagasaan daw siya dahil sa kaka-selfie two months ago. Sa kanya ko nalaman na kapag pala namatay ang isang tao sa isang dayuhang bansa, hindi na ito makakabalik sa bansang pinagmulan. Iyon ang dahilan kung bakit ilang beses ko nang binabalya ang sarili ko sa border ng Hong Kong at Pilipinas pero hindi ako makadaan. May invisible na pader na nakaharang.
Ang sabi ni Milet, nalaman niya mula sa isang wu na hindi pala nakakaalis ang isang kaluluwa sa bansa kong saan siya namatay. Ang tanging paraan para makaalis sa isang bansa ay sumanib sa isang buhay na katawan ng tao. Kapag ang isang kaluluwa ay nakasanib sa isang buhay na katawan, malaya siyang makakapaglabas-masok sa kung ano-anong bansa. Hindi tulad ko, walang balak si Milet na bumalik sa Pilipinas kahit alan na niya kung sino siya. Wala na raw kasi siyang babalikan doon. Three months ago, nakipaghiwalay na siya sa asasa niyang nasa Pinas nang natuklasang may kabit pala ito. Habang si Milet ay nagpapaalila sa ibang bansa, ang hayup niyang asawa ay nagpapasarap sa piling ng iba. Ulila na si Milet kaya wala na siyang babalikan pa sa Pilipinas. Kaya walang pakialam si Milet sa paghahanap ng buhay na kayawan ng taong kapareho niya ng qi. Wala siyang dahilan para maghanap ng taong masasaniban. Hinihintay na lang niyang matapos ang mahigit ksang buwang extended stay ng isang kaluluwa sa mundo ng mga buhay at masaya na siyang magpapatangay sa liwanag.
Forty days. Bawat kaluluwa pala ay binobigyan ng forty days sa mundo ng mga buhay bago mapunto sa kabilang buhay kung saan forever nang mananatili roon. Apatnapung araw, para magawa ang mga bagay na gusto pang gawin bago kainin ng liwanag. Maraming kaluluwa na may unfinished business kaya pabor sa kanila ang pagbibigay ng extended stay. Tulad ko. Meron akong unfinished business. At iyon ang dahilan kung bakit nagpapakahirap akong maghanapa ng katawan na maykapareho ko ng qi.
Noong unang beses ko natagpuan ang satili na palakad-lakad sa Nathan Road, hindi ko pa alam kung sino ako. Pero nakita ko ang sarili ko. Ako iyong babaeng bangkay na natagpuang lumulutang-lutang sa tubig sa Victoria Harbour. Akin ang bangkay na dinala ng mga pulis sa morgue ng isang ospital. Nakita ko ang mukhanko sa salamin nang sundan ko kung saan dinala ang bangkay. In-autopsy ang bangkay at narinog ko na asphyxia due to inhalation of fluid into air passages o pagkalunod ang ikinamatay ko. Narinig ko na walang nakitang alcohol o drugs sa duho at sikmura ko. Ibig sabihin, mataas ang tsansang nasa matino akong pag-iisip bago malunod kaya posibleng aksidente raw ang pagkakahulog ko sa tubig. Wala akong bag o anumanh mapagkakakilanlan. Baka nalunod din at nasa ilalim na ng dagat. Ang tanging nasa katawan ko bukod sa damit ay ang kuwintas na may letrang JAF.
Sinubaybayan ko ang paghahanap ng mga pulis sa pagkakakilanlan sa akin. Hinahanap nila ang tinitirhan ko sa Hong Kong. Kinuha nila ang fingerprints ko pero walang records sa Hong Kong na may resident doon na nagtataglay ng ganoong fingerprint kaya nag-conclude sila na isa akong turista. Sa pang apat na araw, nakita ko ang isang Australyanang ginang na kinakausap ng pulis sa presinto tungkol sa akin. English ang salaysay ng Australian kaya naintindihan ko. Na-witness daw ng ginang ang ginawa kong pagtalon mula sa Chinese junk na Aqua Luna ang tawag pero dahil na-shock ang babae, nahimatay siya at wala nang nakapagsabi na may tumalon sa Aqua Luna hanggang sa magkamalay ang ginang.