1st chapter

2 0 0
                                    

Faith POV

Nagising na lang ako sa isang eskinita madilim at nakakatakot.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot pinalis na ako sa pinaka masayang lugar...

Hindi ko alam kung paano babalik

Hindi ko alam kung anong mang yayari

Tumayo ako at nag lakad lakad gabing gabi na wala ng tao na makikita.

Patuloy lang ako sa pag lalakad sa kawalan hanggang sa.....

*******

Travis POV

Sobrang ingay ng paligid mga nag iinuman sayawan landian

Ito na lagi kong nakikita sa araw-araw nakakasawa na minsan na pauli ulit ang mga nang yayari sa buhay ko.

Bahay-school-Bar repeat till i die hahahhahah

"oyyy travis tingnan mo si angelica oh hayop kung tumingin sayo kala mong tigre na handa ka ng sungaban"

Tumingin naman ako sa tinuro ni andy tsk

Mukang mangkukulam ang putek tsk

"i don't care" sabi ko sabay tunga ng alak na iniinom ko

"maka I don't care toh dapat pre mag saya tayo abay lagi tayong nandito wala ka manlang maging chixs"
Sabi naman ni kith

"tigilan nyo nga ako uuwi na ako bahala kayo sa buhay nyo" sabi ko sabay tayo at lumabas na


Na ririnig ko pa ang pag tawag nila sa pangalan ko pero wala na akong pake

Nakakatamad na mabuhay ng ganito...

********

Faith POV

"ija" tawag sa akin ng isang ginang na mejo may katabaan at may edad na

"b-bakit po?"

"ikaw ikaw ikaw nga yung.."
Sabi nya habang nanlalaki pa ang kanyang mga mata

"a-ang alin po?" kinakabahan at nag tatakang tanong ko sa kanya


"ikaw yung babaeng napanaginipan ko"

"ano ho?"

"nakita kita sa panaginip ko may matutuluyan ka ba? Oh kaya magulang"

Tanong nya napanaginipan nya ako

"w-wala po"

"ikaw na siguro ang hulog ng langit para sa akin tandang tanda ko ang panaginip ko makikita kita dito pag katapos kong mag tinda ng balot at aampunin daw kita ewan ko kung maniniwala ka pero faith ba ang pangalan mo?" mahabang paliwanag nya sa akin

Pero ang nakapag tataka pano nya nalaman na faith ang pangalan ko

Hindi kaya ang panginoon na ang nag sabi sakanya hindi nya talaga kami kayang pabayaan

"oho faith ho ang pangalan ko"

Mag sasalita na sana ang ale ng biglang kumulo ang tiyan ko gutom na gutom na ako

"mukhang gutom kana tara sumama ka sa akin wag kang matakot"

Sumama naman ako sa kanya dahil tiwala ako na tinadhana ng Dyos na makilala ko ang aling ito

-----

Nang dumating na kami sa bahay ni aling wanda (sinabi nya kanina sa daan ang pangalan nya)

Isa lamang itong maliit na tahanan na may dalawang palapag na purong gawa sa kahoy mukhang matibay pa naman kahit sobrang luma na

"ija kumain ka na dito ibaba mo muna yang bag na dala mo"
Nag taka ako sa sinabi nya hanggang sa napansin ko na may dala nga akong bag

San to galing?

Kahit nag tataka ay pinag paliban ko muna gutom na gutom na kasi ako.

Binaba ko sa isang maliit na kawayang silya ang bag pack na dala ko

"kayo lang po ba dito?"
Nag tatakang tanong ko hindi kasi ako sigurado baka natutulog lang ang mga kasama nya dahil gabing-gabi na din

Umupo na ako at nag simulang mag lagay ng kanin at ulam habang hinihintay syang sumagot


Ngumiti sya sa akin na parang may pait

"oo ako lang, yung asawa ko namatay sya sa atake sa puso hindi na kami nag kaanak"

"ahh pasensya na po"

"ok lang ija alam mo ba na nung napanaginipan kita sobrang tuwa ko hindi ako mapakali iniisip ko na sana totoo ang panaginip ko dahil sa wakas ay makakasama na ako" nakita ko ang pag sulyap ng mga ngiti sa labi nya

"ganon po ba pasensya na po sa totoo lang ay wala na po akong magulang at pinalayas sa bahay ng tiyahin ko kaya nag pagala gala ako"


Pag gagawa ko ng kwento dahil hindi pwedeng sabihin ko sa kanya na hinulog ako galing langit



"nako ganon ba pwedeng pwede ka dito sa akin tumira para may makasama naman ako"
Masayang wika ng matanda


"t-talaga po parang nakakahiya naman po sa inyo"

"nako ineng gustong gusto ko talaga ng makakasama dito sobrang saya ko"


"salamat po" na kangiting turan ko

"oh sya kumain ka na at ilagay mo na lang jan sa lababo matutulog na ako sa itaas sa kaliwa may kwarto doon, iyon na ang kwarto mo dito naman sa baba ang kwarto ko medyo may karumihan lang dahil minsan ko lang malinis ang kwarto sa taas"

"ok lang po ako na pong bahala mag pahinga na po kayo"

"sige ija"

Pumasok na nga sya sa kwarto sa ibaba at ako ay nag patyloy sa pag kain.

Nang matapos ay hinugasan ko na ang pinagkain ko alam ko naman ang mga gantong bagay eh kaya nag kusa na ako

Aakyat na sana ako sa kwarto sa itaas ng maalala ko ang bag na dala ko

Kinuha ko ito at tuluyan ng umakyat sa kwarto

Maliit lang ang itaas may dalawang kwarto sa kaliwa at kanan ang isa ay kurtina lang ang harang samantalang ang isa naman ay gawa sa kahoy

Ang sa kaliwa ay kahoy na pintuan kaya pumasok na ako doon maliit lang ang kwarto may higaan isang maliit na electric fan at isang kabinet ma sobrang luma na

Walang kama at purong kahoy lang ang higaan kaya alam kong sobrang tigas

Nakakamiss tuloy mahiga sa ulap na sobrang lambot


Binaba ko sa sahig ang bag na dala ko


Tiningnan ko ang lumang kabinet nakita ko ang isang kulambo, unan, banig, at kumot kinuha ko lahat ito at inilatag.

Alam ko ito dahil minsan ay bumababa kami sa lupa at namamasyal mula noong panahon pa ng hapon lahat yon ay nakita nanamin.

Kaya marami na kaming alam hindi man kami nakikita ay lagi kaming nasa tabi lang at handang mag protekta at gumabay

Nakakamis ang mga gawain noon..

Pumasok na ako sa loob ng kulambo dala ang bag na hindi ko alam kung paano ko nadala.

Binuksan ko ito at tumabad saakin ang.....

Itutuloy......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon