The Thorn

12 0 0
                                    


"WALA KA NG GINAWANG TAMA SA BAHAY NA TO!"

"TEODORO NAMAN MALILIIT PA YUNG MGA ANAK MO MAAWA KA NAMAN!"


Araw man o gabi, bangayan lang lagi ng magulang ko ang naririnig ko sa tuwing uuwi ako galing eskwela

Nakakasawa na...

"THEO BUMABA KA NA DYAN! ANG TAMAD TAMAD MO TALAGANG BATA KA!" bumalikwas ako ng bangon sa aking higaan at tumakbo pababa.

"Aray ko tay! Nasasaktan po ako!" ingil ko ng pingutin nya ang aking tenga


"IKAW TA-TANGA TANGA KANG BATA KA! INUTIL! TAMAD! WALA KANG IBANG GINAWA KUNG HINDI MAGLARO SA LABAS! WALA KANG PAKINABANG!" at piningot pa nya ako ng malakas

Pinipigil ko ang aking sarili na huwag umiyak "ANO IIYAK KA?! TAPOS MAGSUSUMBONG KA SA MGA TIYAHIN MO KUNG ANO ANG MGA PINAGAGAGAWA KO SAYO?! SIGE LUMAYAS KA NA SA PAMAMAHAY KO!" at binitawan nya ang aking tenga at tinulak ako sanhi para matumba ako. Narinig ko ang iyak ng aking kapatid.


"Pakainin mo na nga yung kapatid mo ng may magawa ka sa buhay mo!" at iniwan nya akong tulala.


Ganto ba magmahal ang magulang sa anak? Bakit parang hindi ko ramdam na mahal nila kami? Diba ang pagmamahal ay masaya at para kang nasa langit? Bakit ganito ang nararanasan namin, bakit parang nasa impyerno kami?


Hinanap ko si inay pero wala sya dito, siguro ay nasa sugalan muli ito.


Narinig ko ang  iyak ng aking kapitid kaya dali dali akong tumayo at pumuntang kusina ngunit ganoon na lamang ang pagkadismaya ko sa nakita ko. Isang pirasong galunggong at kanin na kasya lamang sa akin ang nasa hapag kainan.


"Di bale ng ako ang magutom wag lang ang kapatid ko" at kinuha ko ang galunggong at kanin at kumuha lang ng konting gatas na hiningi ko pa sa kapitbahay namin


"Baby oh, kain ka na masarap yan" habang karga karga ko ang bunso kong kapatid na si Thea. "Napaka ganda mong bata thea paglaki mo siguro maraming manliligaw sayo" sabi ko habang sinusubuan ko siya ng pagkain. "Hayaan mo kapag malaki na ako at kaya na kitang ialis sa impyerno na ito gagawin ko kahit ano pang mangyari kahit ikamatay ko pa iaalis kita dito baby" ngumiti ako at magiliw na ngumiti ang kapatid ko. "Gusto mo yun?" tumawa ako habang unti unting may luha na pumapatak sa aking mata. "Lagi mong tatandaan na love na love ka ni kuya ok baby?" sabi ko sabay halik sa matatambok at mamula mulang pisngi nya.


Pangako thea giginhawa din tayo...


"THEO UMUTANG KA NGA KAY MANANG ESTHER NG ALAK!" sigaw ni itay sa akin. Inakyat ko ang kapatid ko sa aking kwarto kung nasaan ang crib nya at nilapag ito at hinayaan maglaro.



"BILISAN MONG BATA KA KUNDI MALILINTIKAN KA SA AKIN!" dali dali akong lumabas ng bahay at tumakbo sa pinakamalapit na tindahan sa aming bahay.


"Oh theo bakit?" tanong ng matanda.


"Manang esther pautang po ng alak" sabi ko



"Nako hijo pasensya ka na ha? di pa kasi kayo nagbabayad sa iba nyo pang utang sa akin kaya di na kita mapapautang pa" sabi ni manang esther. Tama naman sya eh sobrang laki na ng utang namin sa tindahan nila baka malugi na ito kung sakali mang pagbibigyan niya parin kami.



"Ok lang po manang pasensya na ulit po, sa susunod po na pagraraket ko babayaran ko po ulit kayo" sabi ko at sabay alis. Hindi ko alam kung saan ako hahanap ng uutangan kong tindahan halos lahat dito ayaw magpautang sa amin dahil nga wala kaming pambayad at takot silang maningil kay tatay dahil gangster daw ito.



"Mabubugbog ako ni itay nito kapag wala akong alak na dala" buntong hiniga ko, sa bata kong edad na to ay dapat naglalaro lang ako sa labas at naglalaro ng games pero eto ako namomoblema na sa mga bagay bagay na hindi dapat pinopoblema ng mga katulad kong musmos pa lamang.



Habang naglalakad sa may kalsada, may nakita akong bungkos ng mga bata na nakapalibot sa isang batang babae "ABNORMAL! HAHAHAHAHAHAHA! TIGNAN NIYO SIYA ALIEN SYA!" dinuro ng mga bata ang batang babae at pinagtawanan.



"HOY!" tawag ko sa mga bata at nagsitinginan sila



"Takbo! Ayan yung anak ng mamamatay tao!" at nagsitakbuhan silang lahat lumapit ako sa batang babae.



"Ayos ka lang ba?" yumuko ako at tinitigan ko sya ng maigi. Ang puti at ang ganda ng kutis nya parang sa mga mayayaman at ang bango nya parang bagong ligo at ang buhok nya ay mahaba at malambot tignan. Mukhang mayaman ang batang babae.



Tumingin ito at laking gulat ko "B-bulag ka?" tanong ko ngunit ang mga mata nito ay nakatingin lamang, kakaiba ang mata nito ngayon lang ako nakakita ng katulad nito! "Ang ganda ng mga mata mo bata!" sabi ko, magkaibang kulay ito yung sa kanan ay kulay bughaw at sa kaliwa ay dilaw. "Hindi ka bulag tama ba?" tanong kong muli, umiling ito.



Ngumiti ito sa akin at nakita ko ang bungi bungi nitong ngipin pero kahit na bungi bungi ay maganda parin ito. "Bata anong pangalan mo?" tanong ko ngunit tumayo ito at kinuha ang kamay ko at inabot ang piraso ng kendi. "Sala--" biglang may itim na van ang pumarada sa aming harapan at "Rosie! naku ikaw talagang bata ka! pinagalala mo silang lahat!" isang matandang babae ang bumaba at lumapit sa bata "Naku ang dungis mo na! lagot tayo sa daddy mo kapag dumating kang madungis" sabi nya habang pinapagpagan ang bata.



"Teka lang po si--" hinabol ko sila ng lakad habang tinatangay ng ale yung bata. Humarap sa akin ang ale "Hoy batang madungis layuan mo ang alaga ko! ang dumi dumi mo at ang baho mo pa pwe!" sabi sa akin at mahina akong itinulak. Ang bata ay tumingin sa akin at kinawayan ako at muling ngumiti bago pumasok sa loob ng van.




Tinitigan ko ang kendi na binigay nung bata, ngumiti ako at ibinulsa ko "Ibibigay ko ito kay thea" nakangiti kong sabi at nagmadaling humanap ng uutangan na tindahan




"Nandito na po ako" sabi ko habang tinatanggal ang tsinelas. Nakapagtataka na sobrang tahimik ng kapaligiran. "Tay dala ko na po yung alak!" sigaw ko ngunit walang tumugon, baka busy. Umakyat ako ng hagdan, nakapagtataka talagang walang ingay. Sa tuwi kasing iniiwan ko si baby thea sa crib nya eh sa una lang hindi iiyak tapos iiyak din agad at magpapakarga. Dali dali akong tumakbo at binuksan ang ang kwarto.




"Hay salamat" sabi ko habang tinitigang mahimbing na natutulog ang kapatid ko. Lumapit ako at kakargahin ko sana ngunit





"T-THEA! THEA! THEA!" may umaagos na dugo mula sa kanyang tyan, kinarga ko ang bata at diniinan ang sugat nabasa ko sa isang libro na makatutulong ang pagiipit ng sugat. "ITAY SI THEA! ITAY!" bumaba ako hawak hawak parin si baby thea at hinanap si itay. Oh Diyos ko ilagtas mo po ang aking kapatid parang awa nyo na.



Ilang saglit na paghahanap nakita ko ang katawan ni itay sa banyo, laslas ang leeg at umaagos ang dugo sa kanyang katawan at may hawak na kutsilyo...




"Hind-di... p-pwede" unti unting pumatak ang aking luha at tinitigan ang kapatid kong wala ng buhay, niyakap ko ito ng mahigpit


"T-thea gumising ka please andito na si kuya..."

Thorns in RosesWhere stories live. Discover now