Elliana
Sinundo ko muna si Ellias bago kami pumunta ni Bianca sa mansion ng mga Andrada.
"Ate, sabi ko naman kasi sayo mapeperfect ko 'yong quiz namin!" Tuwang-tuwa ito sabay lahad ng isang papel na naglalaman ng score niya sa quiz.
"Naks! Galing talaga ng kapatid ko. Mana sa ate niya." Kinabig ko ito palapit sakin saka ginulo ang buhok. Hindi talaga sayang ang pinapabaon ko sa kapatid ko.
Napaismid si Bianca. "Buti nalang Ellias hindi ka nagmana sa ate mo. Kundi mangangamote ka sa eskwelahan." Binatukan ko ito. Ilaglag pa ko sa kapatid ko.
"Tumigil ka nga Bianca. Kanino pa ba yan magmamana kung hindi sakin. Alangan naman sayo? Naalala ko pa nga na nangongopya ka sakin dati." Tinignan ko ito ng masama.
"Iyan ang isa sa pinagsisisihan kong desisyon sa buhay Elli. Kaya kita mo parehas tayong nangamote." Natawa ako. Aminado naman ako na hindi ako matalino. Masipag lang na estudyante. Ang tangi ko lang maipagmamalaki ay complete attendance ako lagi. Kaya swerte ako dahil matalino ang kapatid ko.
"Bunso, dahil perfect ka sa quiz niyo. Ito ang reward mo. Charan!" Sabay labas ng supot na ang laman ay banana cue at mango shake. Noong isang araw pa kasi niya ako kinukulit na bilhan siya nito.
"Dabest ka talaga ate!" Agad niya itong kinuha at nilantakan ang banana cue.
"Syempre naman! Nga pala Ellias, mauna ka ng umuwi sa bahay. Baka gabihin din ako kaya wag mong kalimutan ilock ang pinto. May delata pa sa cabinet iyon nalang ulamin mo. May lakad kasi kami ni Bianca ngayon." Bilin ko sakanya. May duplicate key naman ako kaya hindi niya na ako kailangan hintayin. Hanggat maari ay ayaw ko siyang iwan mag-isa. Pero kailangan ko rin kasi maghanap ng trabaho para may makain kami.
"Walang problema ate. Manonood lang ako ng t.v at magbabasa ng libro." Good. Buti nalang hindi sakit sa ulo ang kapatid ko.
Sumakay kami ni Bianca ng tricycle patungo sa mansion ng mga Andrada. Mga sampung minuto rin ang layo nito at kapag lalakarin baka matagalan pa kami.
Pagkadating namin ay nagulat ako ng makitang mahaba ang pila.
"Bianca, sa tingin mo matatangap ba tayo? Mukhang andami ng aplikante." Akala ko ba katulong ang hinahanap? Bakit parang mag-aapply sa opisina ang sadya nila dahil sa porma ng kanilang suot.
"Wala namang masamang magbakasali. Pangatlo ko na 'tong subok Elli. Sana matanggap na ako dahil kung hindi pa ako matatanggap suko na talaga ako." Base sa ekspresyon nito ay mukhang nawawalan na ito ng pag-asa.
"Ano?! Pangatlo mo na tapos hindi ka pa natanggap? Ba't ngayon mo lang sinabi e nagsasayang pala ako ng oras dito." Dismayado ako dahil kung si Bianca na tatlong beses ng sumubok ay hindi pa rin natatanggap. Paano pa kaya ako?Akmang aalis na ko ng hinawakan ni Bianca ang kamay ko.
"Hep! Dito ka lang Elli. Wag ka ng umalis tutal nandito na tayo wala namang masama kung susubukan mo."
"P-pero.." Sasagot na sana ako ng hinila nito ang kamay ko patungo sa pila ng mga aplikante.
Tinignan ko ang suot kong pantalon at t-shirt. Walang wala sa suot ng mga nag-aapply. Kala ko kasi okay lang kahit ganto ang suot tutal katulong naman ang aapplayan ko.
"Ba't di sinabi na kailangan pormal dapat ang suot Biaca?"
Nagreretouch ito ng make-up. "Hindi kasi simpleng katulong lang ang hinahanap nila Elli." Nagtaka ako.