Matatalim, malalalim at madidilim na salita ang patuloy kong dinadaanan na parang bula
Bula, tila nabulag sa ilusyon ng pag ibig
Binalewala ang lahat ng basag, lahat ng sugat, lahat ng punit at lahat ng sakit at ang mas malala pa ay hinayaan kitang gawin mo ito ng paulit ulitPaulit ulit na tila wala ng direksyon ang aking mga yapak
Tila dilim na lamang ang bumabalot sa mapupungay na mata na punong puno ng mga luha.
Lumuluhang mata ang tila naghahanap sa kanyang liwanag na dati'y kusa itong iilaw sa mga panahong ang mata'y hindi na makilala.
Mga yakap na nanlalamig, at mga halik na wala nang init.Isang tao na akala ko'y bubuo sa pagkatao kong basag basag at kulang kulang
Ang sya rin palang magwawasak at lilisanin akong kulang at tila mabububog sa dilim ng kalangitan.Ang liwanag na aking pinanghahawakan ay napundi.
Liwanag na akala ko'y magbibigay saya, magbibigay ng init at tila aking magiging katuwang sa dilim at sakit ng mundo.
Ngunit, hindi ko inaakalang ang liwanag pala na ito ang unti unting sisira at unti unting babasag sa aking pagkatao.Mga salitang matatalim na patuloy kong kinapitan dahil paulit ulit kong sinabi sa aking sarili na mahal kita.
Mahal kita kahit ang sakit sakit mo nang mahalin.
Mahal kita kahit na sa lahat ng sakit,lahat ng galit at mga luha, pinili pa din kita
Kahit ilang beses mo na kong tinapak tapakan at dinurog, mahal pa din kitaYung dating liwanag mo na ngayon ay tila nakulong sa pag aari ng ibang tao, ibang ikaw.
Sa mga mata mo na lagi kong itinatanong kung ano na ang nangyari sa mahal ko.
Pero bakit sa lahat ng to ay nagawa pa din kitang mahalin at piliin ng paulit ulit?Iyon ang nakakawasak, at iyon ang di ko maintindihan. Nakakatawa nalang dahil ginagawa mo nalang pala akong tanga.