"San yung Room 1 dito?" tanong ko sa guard na nasa bungad ng stairs. "Dito maam tapos pa kanan." sabi niya.
"Ahh.. okay po. " nakangit kong sabi sa kanya at umalis na. Nag hanap ako sa maraming ulo, crowded noon time na yun dahil nga unang araw ng pasukan at marami rin ang tulad kong nag hahanap ng rooms nila. Kasama ko ang uncle ko non na 2 years younger sa akin. Same course kami at clasemate din kami sa lahat ng subjects.
Nasa dulo nakami ng makita ko ang Room 1 at pumasuk ako. Marami na ang nasa loob ng room. Masyadong tahimik ang lahat dahil siguro first time. Para kasing isolation room young classroom namin kaya parang awkward kami lahat sa isa't isa. Naghanap ako ng upoan, saktong pumasok yung prof nami para sa subject na youn kaya dali-dali akong naka upo agad.
Marami sinabi ang prof namin non. Hindi ko na maalala pero alam mo na mga speech at kadalasan sinasabi nila pag unang klase. Hindi na nga kami nag Getting-To-Know-Each-Other kasi malalaki nadaw kami. Kami na daw mag pakilala sa sarili namin at dapat daw by the end of the month ay alam na namin at sure daw na kilala na namin ang isat-isa non. Madali lang yung unang guro kasi pinalabas din kami agad after nasabi niya lahat ang mga do's and dont's pag nag formal class session na siya.
Lunch break na noon! Kumain na kami ni Cloy-cloy (aucle ko), yan ang palayaw niya, doon sa sobrang mainit na kalenderya at tirik na tirik ang araw. Aynako sobrang init parang nasa oven ka, yun. Hindi magkamayaw ang pagpaypay ko sa bagong biling notebook noon. Hay! Panay pa inom ko ng tubig noon. Grabe!
1 o'clock na noong pagkatingin ko sa time ng cellphone ko noon. Nag decided na akong bumalik na kami agad sa school. Naka upo kami sa tapat ng room, naghihintay sa pag dating ng prof namin kasi sarado yung room. Nang biglang nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya tumayo ako at dretso sa C.R. At yes sucess sa pag wewe. Babalik na sana ako sa upoang inupoan ko kanina ng makita kong may naka upo na doon. kaya napatigil nalang ako sa tabi. Nasabi ko nalang "Pelde pulihan diay?" (Papalitan pag natalo?) Tinigna ko siya at busi siya sa MP3 portable gadget niya. Di ko siya kilala at hindi ko narin siya kinilala pa kasi na iinis na ako sa kanya, dahil lang sa upoan. Buti nalang din busy din ako noon, busy texting sa boyfiremd kong nasa Cebu. Na mi-miss ko na siya non. Hay!