1. Mr. Loverboy

6 2 0
                                    

South POV

"GISING NA MGA PIPOLS!" Agad akong napaupo sa higaan ko ng marinig ang malakas na boses ni Shena sa doorframe ng kwarto 'ko!

"Ang aga aga sumisigaw ka! Nahiya yung manok sa 'yo Shena. Tsk." Inis na tinanggal ko ang laway sa aking labi at nagtungo na sa banyo.

"Manok niyo talaga 'ko. Magpasalamat kayo sakin at ang ganda ng attendance niyo!"

"Shena kumain ka nalang! Oh tinapay ng jowa mo." Rinig na rinig ko hanggang dito ang ingay nila sa labas ni Fritz, room mate namin. Kahit kailan talaga hindi matitigil ang bunganga ng babaeng yun.

"Bilisan mo naman dyan South!"

"Hay nako. Eh halos dati madulas na yan sa cr kakamadali kapag may date sila ni West. SIZ I KNOW." Napangisi nalang ako at pinakinggan silang magusap sa labas.

Gising na kaya si West? Shet! 'Di ko siya nabati ng goodmorning. Nagmadali na ako at ang unang unang ginawa ko pagkalabas ng cr ay agad na nagtext kay West.

To: Unknown Number

Goodmorning, I love you <3

Sent!

Hindi ko muna babaguhin ang pangalan ni West at baka kapag tumawag siya sa akin habang magkasama kami ni Ghost, eh mahuli kami.

We know it's wrong, very much wrong. I can't resist Ghost, but I love West.

I'll try to fix everything. I'll act cold towards Ghost and I'll show him we just can't make anything work after what I witnessed yesterday. We can't make anything work if I still love West at nagpapakarupok siya kay Naomi.

Nagulat ako ng biglang may kamay na bumilog sa aking beywang kaya pinaghahampas ko siya ng kamay ko. "SINO KA?!" Agad niyang nakuha ang kamay ko at hinalikan iyon.

WAIT... pagkalingon ko, agad kong nakita ang nakangiti at nakaayos na boyfriend ko. "West! Mahilig ka parin manggulat! Tsk." Inirapan ko nalang siya. Kinabahan ako sa totoo lang.

"Sorry na, babydarling. I just want to spend more time with you..." marahan niya akong hinarap sakanya at binuhat kaya napakapit ako sa leeg niya. "Gumaan ka ata. Kumakain ka ba ng maayos?" He asked at pinagmasdan ako kung magsisinungaling ba ko o hindi.

Gumaan ba 'ko? Bakit feeling ko naman tumataba ako?

"Kumakain kaya ako! Tska di ka ba nabibigatan sa 'kin?" Umikot pa siya! Eh nakakahilo kaya!

"Ya! Papasok pa tayo!" Sabi ko sabay palo sa balikat niya at nagpout. Ayan napapala ng mahaharot!

Paluin mo kaya sarili mo? Haha!

Heh. Manahimik ka dyan. Ngumiti lang siya sa akin at niyakap ako habang buhat buhat parin niya ko. "Mm... ayoko muna pumasok..."

"Aba'y bakit? Masama ba pakiramdam mo? Uy ibaba mo na kasi ako, babydarling 'ko..." kinapa ko naman yung ulo at leeg niya, di naman mainit. Sinasabi ko na nga ba eh! Inaartehan lang ako nitong lalaking to!

"It's not that." Sasagot pa sana ako ng inupo niya ako sa desk 'ko. Nagkatitigan kami so I'm sure there is a problem. Kapag nananahimik yan, may problema siya. "Is something bothering you?"

Napalunok siya bago sumagot, "You."

"Me? Bakit naman!" Bigla niya nalang tinakpan ang mata niya habang namumula ang tenga. "Y-Yung suot mo." Anong problema niya sa suot 'k----

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

South's Fear of Heart Breaks: Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon