So pwedeng pa-rant lang sandali? Nakakadisappoint kasi. Alam mo 'yung pinaghirapan mo 'yung isang bagay? Tapos hindi rin nila gagamitin? Oo, binigyan nga nila ng credits nung una pero nung pinalitan na nila, tinanggal na nila 'yung credits? Anong kalokohan 'yun? Tapos magrerequest sila ng bago pero sasabihin nila hindi na nila gagawin 'yung storya? Hindi ba dapa't inuuna mo muna 'yung storya bago 'yung cover? Ano 'to, katangahan lang?
Hindi ako marunong magalit. Medyo na-down lang ako sa ginawa niya. Hindi naman ako humihingi ng maraming payments sa mga book covers, eh. Simple lang 'yung gusto ko, credits. Credits para malaman nila na ako yung nagpagod at nagpuyat at nagbuhos ng oras para sa aklat nila, 'yung cover. Oo, I hate to say pero people do judge books with its cover. Kaya kayo nagrerequest kasi gusto niyo mapangakit 'yung cover diba? Pero tinatapon niyo lang na parang sinasabi niyo minamani lang ng editors ang paggagawa.
Pero may mga sari sarili kaming buhay pero pinili naming unahin ang covers niyo kaysa sa dapat naming gawin kasi alam naming maaappreciate niyo. Pero mali pala ako, hindi pala palagi ganun. Pero it's okay. Kung sino ka man, sana malaman mong ikaw 'yun. Sana you understand na hindi madali. Hindi talaga. Wag ka magaalala, di ako galit.
Sorry disappointed ako.