Sabi nila kapag inlove ka lahat ng bagay sa paligid mo ay gumaganda. Yun bang parang ang perpekto ng lahat.
Well, hindi ako kokontra dyan. Anong magagawa ko? Eh Yan ang nararamdaman ko eh. Bakit? Obviously I'm inlove!
At kung itatanong nyo kung kanino, walang iba kundi sa nag-iisang visual ng SB19. Kay Justin.
But there's a problem.....
'Cause what we have is just a one sided love. Ako lang ang nagmamahal.
Pero sabi nga ng karamihan, kaakibat ng pagmamahal ang sakit. Pag nagmamahal ka hindi lang puso saya ang maaari mong maramdaman.
Lalo na kung kinasal lang kayo dahil sa isang kasunduan.
"Justin" I called him when I saw that he's walking down the stairs.
"What?" He asked me with a cold tone of voice while an annoyed expression is plastered on his face.
Bakit ang ibang tao kaya nyang ngitian?. One side of my brain asked.
Sinubukan kong salubungin ang malamig na mga mata nya.
"P-pwede b-bang makisabay s-sayo p-papuntang company ko? Madadaanan mo naman yon, sira lang kasi ang kotse ko" Kasi anong klaseng pagsisikap ko na huwag mautal ay hindi pa rin ako nagtagumpay. He just glanced at me.
"No" He firmly said at tuloy tuloy na lumakad.
"P-pero J-Justin a-asaw...." Before I can finish what I want to say ay muli na syang nagsalita.
"I said no, Eris Zeneiah!Hindi mo ba naiintindihan ang Ingles? Puwes tatagalugin ko. Hindi. Hindi ako papayag na sumabay ka sa akin. Kung isusumbat mo sakin ang pagiging mag-asawa natin, pakinggan mong mabuti 'tong sasabihin ko..." Lumakad sya palapit sa akin pagkatapos ay inilapit nya ang labi nya sa may tainga ko "Oo Eris mag-asawa tayo PERO SA PAPEL LANG 'YON KAYA HINDING HINDI KO GAGAWIN SAYO ANG GAWAIN NG ISANG TUNAY NA ASAWA" May diin ang mga huling salita nya pagkatapos ay umalis na sya sa aking harapan. Iniwan nya akong mag-isa at luhaan.
Kailan ba sya magkakaroon ng pakielam sakin? Kaian ba nya matatanggap na wala naman talaga akong kasalanan?
Napaupo nalang ako sa sofa. Napatingala ako sa kisame at tsaka napatanong sa sarili.
Is this the consequence of loving him?
Can I just run away?
****""""***********
A/N: Hi there guys! Sana po suportahan nyo 'tong story about Justin of SB19.
Ipapaalala ko lamang po na ang mga mababasa nyo po dito ay pawang bunga lamang ng mapaglaro kong imahinasyon.
[12/12/19]
#1 in tagalogfanfiction
#11 in tagalogfiction
#27 in taglishlovestory
BINABASA MO ANG
Loving Justin | FIN
FanfictionHe's an idol and I am one of their fans. Minahal ko sya ng higit pa sa pagmamahal na dapat maramdaman ng isang taga-hanga. I admit it. I fall for him. I love him. I am inlove with SB19 Justin! Hanggang sa ipagkasundo kami. We became a product of ar...