Part 3

5.9K 146 2
                                    

NAALIMPUNGATAN si Joel sa tunog ng lagaslas ng tubig. Hindi na sana niya papansinin dahil puyat siya kagabi at gustong makabawi dahil inilibre niya ang mga supervisor. Kapag natatapos ang month-end report at lumagpas sila sa sales goal ay inililibre talaga niya ang mga tauhan.

Pero patuloy sa pagtulo ang tubig sa banyo. At parang ang lakas-lakas ng pressure dahil umaabot sa kanyang mga tainga ang tunog samantalang nasa magkabilang dulo ang bathroom at kama.

Pumikit siya para lang mapadilat uli nang mahimasmasan. Who could be in his shower? Sarili niya ang kuwarto. O mas tamang sabihing sarili niya ang bahay. Paano magkakaroon ng ibang tao roon at sa mismong banyo pa niya?

Napabalikwas siya, uncaring if he was as naked as a newborn baby. Salubong ang mga kilay na tinungo niya ang banyo.

"I must be dreaming," mahinang sabi niya.

May naliligo nga sa shower. At hindi kailangang buksan ang smoked glass na dibisyon ng toilet and bath para malamang babae ang naroroon. From that distance, he could see the woman was sexy. She had a well-shaped butt and immense breasts. At parang may tiyempo ang bawat paghagod ng mga kamay sa sariling katawan habang nagsasabon.

Mariing ipinikit ni Joel ang mga mata, inisip na pinaglalaruan lang siya ng imahinasyon at dala lang iyon ng hangover. Muli siyang dumilat para lang makitang totoo ang imahen.

Mayamaya ay tumigil ang babae sa ginagawa nang siguro ay maramdamang hindi ito nag-iisa. Isinungaw ng babae ang ulo sa sliding door. "Good morning, Joel. Wanna join me?"

He was shocked. At na-realize na hindi siya nananaginip lang. May naliligo nga sa shower at babae pa. Babaeng ubod ng sexy at maganda kahit gulo-gulo ang buhok na may bula pa ng shampoo.

Nawala sa pagkakasungaw ang babae. Muling tumapat sa dutsa at mabilis na nagbanlaw. Tumutulo pa ang tubig sa buong katawan nang humakbang ito palapit sa kanya.

And like him, wala rin itong pakialam kahit nakahubo't hubad. After all, she had the guts to use his bathroom. Nalanghap niya ang preskong amoy nito. She also used his soap and shampoo.

"Ako pa ba ang magpapaligo sa iyo, Joel?" tanong ng babae, nang-aakit ang boses.

Joel cleared his throat. Malinaw na imbitasyon ang hubad nitong katawan na nakahain sa kanyang paningin. Iniiwas niya roon ang tingin. Pero mahirap itago ang reaksiyon ng sariling katawan. Pilya ang ngiting sumilay sa mga labi ng babae nang bumaba ang tingin doon.

"What are you doing here?" tanong ni Joel. Gusto niyang mainis sa pagbabagong nangyayari sa katawan pero naisip din na dapat pa nga siyang matuwa. Palatandaan lang iyon na normal siyang lalaki.

Who wouldn't get aroused when there was a nude woman in front of him? At huwag nang idagdag pa roon na dati niya itong girlfriend. And they even had a fair share of wild tumbles in bed for countless nights. And days. Depende kung anong oras ito makakalibre sa hospital shift. Nurse si Vinia sa district hospital sa San Esteban.

"Silly question." Mahina pero sexy rin ang tawang pinakawalan ni Vinia, tiwalang dumantay ang kamay sa balat niya. At sa mismong bahagi pa na parang naghahanap ng laban! "Gamutin natin ito. Grabe ang pamamaga."

Nagpatangay na si Joel nang hatakin siya ng dalaga pabalik sa shower. She was wilder than he could ever imagine. Bale-wala yata rito kung bagong gising siya at hindi pa nakakapagmumog man lang. It seemed like she could eat him alive. At sa halip na mint mouthwash ang magamit ay may sabon pa yata ang tubig na ipinangmumog niya.

They barely made it under the shower. Ni walang nakaalalang dapat isara ang shower kapag wala nang gumagamit. Basa ang mga katawang ibinagsak nila ang mga sarili sa kama. There, he got his satisfaction for the day.

Class Pictures Series 1 - My Lover, My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon