TPV 1:

2.4K 72 5
                                    

TPV 1:

 

Yvonne’s POV

 

8 pm na at ngayon pa lang ako uuwi. Kaninang 5 pa talaga ang uwian ko kaso may project kaming dapat tapusin ng partner ko kaya late na akong uuwi.

Andami niya kasing arte! Pwede naman sa bahay ko pero ayaw niya. At dahil mabait ako, kesa makipag-away, ay sinang-ayunan ko na lang ang gusto niya. Sa kabutihang palad ay natapos naman namin ang project, yun nga lang late na rin naming natapos.

Sabi ko pa naman kay Kuya Nestor na wag na akong sunduin. Ayoko kasing abalahin pa sila, tsaka hindi ko talaga inaakala na aabutin kami ng ganitong oras. Matawagan na nga lang sila.

Nilabas ko ang phone ko mula sa bulsa ng palda ko.

“Sh*t. Bakit ngayon ka pa na-dead bat?” Pano na yan?

*Sighs* No choice. Maglalakad na lang ako pauwi. Wala naman kasing dumadaan na tricycle dito eh. Kabisado ko naman ang daan kaya paniguradong hindi ako maliligaw.

Naglakad nga ako kahit madilim ang kalsada at malamig na ang simoy ng hangin. Maya-maya pa ay narating ko na din ang aming bahay. Pumunta na ako sa may gate.

“Ha? Bakit bukas to? Si Yaya Helen talaga. Nakalimutan na naman niya sigurong isara pagkatapos niyang magtapon ng basura. Hayss, pag tumatanda nga naman.” Pumasok na ako at isinara ang gate namin.

Hahawakan ko na sana ang door knob ng pinto nang bigla na lang itong bumukas ng kusa. Nakakapagtaka. Kung yung gate ay maiwanan ni Yaya ng bukas, pwes ang pinto ay hinding hindi niya kinakalimutang isara man lang! Merong mali dito. Kailangan kong malaman kung ano yun.

Matapang akong pumasok sa loob ng bahay. Gulo-gulo lahat ng gamit. Nanakawan kami? Kinuha ko ang telepono at akmang tatawag nang mga pulis ng biglang…

“AHHHHHHH!!!!!” Nagulat ako sa sumigaw. Si Yaya Helen yun ah! Wala na akong inaksayang oras at dali-daling hinanap kung saan nagmula ang boses niya.

 

Ferris’ POV:

“Ano tol, di ka pa kakain?” Tanong ni Kaizer, kaibigan ko, habang busing-busy siya sa pag-sipsip ng dugo ng isang matandang babae. Kadiri talaga tong isang to. Walang class pumili ng biktima.

“Ayoko. Ayokong bumaba sa standards mo tol. Kadiri ka, pati huklubang matanda eh pinatos mo! Dapat sa susunod mamili ka naman ng bibiktimahin. Yung kahit man lang presentable!” Dapat yung mga sexy at magandang babae ang mabingwit niyang pagkain! Yun masarap pa.

Mabilis niyang tinapos ang kinakain bago sumagot.

“Alam mo, walang pagkaing panget sa paningin ng nagugutom na bampira!”

“Ah, kaya pala ang panget mo rin. Panget taste mo eh.”

“Ewan ko sayo, tol! Bahala kang mamatay sa gutom dyan. Basta ako kakain pa!” Sabi niya habang nilalapitan ang isang matanda ring lalaki na nawalan ng malay kanina. Bakla ata eh kaya ang bilis hinimatay. Kadiri talaga.

“Sus, ano pang silbi ng mga blood bank tol? Kaya may ganun, hindi lang para sa mga tao kundi pati sa mga bampira. Mag-oorder na nga lang ako mamaya o baka maghanap na lang ako ng dalagang maganda para mapag-tripan ko pa bago ko kainin. *Smirks*”

“Mas kadiri ka pa rin tol! Pervert ka talaga.” I rolled my eyes at tsaka nag-gala gala sa ibang kwarto. Nandito kasi kami sa second floor. May patakbo takbo pa kasi yung matandang babae eh ang dali naman niyang mahuli.

That Perverted VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon