Kabanata 8
Lunch
Sigurado ba tong si Sir na uupo lang ako dito buong magdamag? Dalawang oras na din ang nakalipas nang maubos niya yung pagkaing inihanda ko.
Tinignan kong muli ang aking relo. It's already 11:15. Hay malapit nang mag lunch wala naman din akong ginawa buong umaga.
At saka tinapay lang ang kinain ko kanina kaya gutom na gutom na talaga ako. Bat kasi ang tagal mag alas dose.
And speaking of hunger, biglang tumunog ang tiyan ko. At kung sinuswerte ka ba naman, narinig ng mabait kong boss ang tunog na iyon.
Akward akong napatingin kung nasaan si Sir. Kunot ang noo siyang tumingin sakin.
"Did you eat breakfast, Miss Villanueva?" agad niyang tanong.
"I did, sir" sagot ko. Mukhang hindi siya kumbinsado.
Muli namang tumunog ang tiyan ko. Ang galing nga eh, ang ganda ng timing ng tiyan ko no?
"Did you really eat breakfast?" muli niyang tanong.
Ang tanong na iyon ay parang kapag hindi ko siya binigyan ng magandang sagot ay magagalit siya.
"Well...... I ate a bread" mahina kong sagot. Sapat na para marinig niya.
Agad siyang tumayo at iniwan ang ginagawa niyang trabaho. Kaagad niyang kinuha ang kamay ko at naglakad papalabas ng opisina niya. Naabutan pa namin si Whitney na papasok sana sa kaniyang opisina. Kunot noo ang kaniyang expresyong nakatingin samin.
Aba di ko alam at ano na namang nangyari kay sir at bigla nalang akong hinila.
Pumasok siya ng elevator at pinindot ang 1st floor.
"Uhm sir, san tayo pupunta?" taka kong tanong.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Are you starving yourself, Miss Villanueva?" tanong niya.
"Hindi naman, sir" sagot ko naman. Bat ko naman ginugutom ang sarili ko? May trabaho na ako kaya kailangan malakas ako.
"Then bakit tinapay lang ang breakfast mo?" tanong niya.
Wait, yun yung problema niya? Dahil tinapay lang ang kinain ko kaya bad mood siya ngayon? Malay ko ba na malapit na akong ma late kaya hindi na ako nakapagluto.
At saka siguro nasanay ako ng matagal magising since isang buwan akong walang trabaho. Naghihirap kaya ako sa loob ng isang buwan na iyon.
"Kasi sir malapit na akong ma late kanina kaya wala na akong time para kumain" sagot ko.
"Then wake up early. You're already skinny, you know that?" aniya.
"Eh sir, nagda-diet ako eh" akward kong sagot. Totoo naman na nagda-diet ako ah.
Minsan lang talaga pag may makita akong masarap na pagkain hindi ko mapigilan ang sarili ko na bumili. Kaya minsan, sira talaga diet ko.
"Why are you even dieting? Eat more" ang awtoridad naman ng pagkakasabi niya.
"Sir--" bago pa ako makapagsalita ay nagsalita pa siya.
"It's an order" aniya bago bumukas ang elevator at muli akong hinila.
Nakatingin samin ang mga tao at staff ng building. Nakakailang naman to. Bat pa kasi ako hinihila ni sir eh kaya ko namang mag lakad.
Nang malapit na kami sa main door ay nag bow muna ang guard bago kami pinagbuksan ng pinto.
YOU ARE READING
Taming Mr. Billionaire
RomanceWhat will you do if you have a rude, selfish, super strict, and short-tempered boss like Dave Sebastian Saavedra? Well, if he isn't handsome, some will willingly quit their jobs. But unfortunately, Dave Sebastian Saavedra has them all. Money, Popul...