Kabanata 4

423 26 0
                                    

Kabanata 4

Hate

Nagligpit na ako ng mga gamit ko dahil malapit na kasi magfive. Maganda na yung ready kesa ma-late na naman ako. Nakakainis nga yang si Sir Saavedra eh, kahit kailan hindi ko maintindihan.

Kahit wala pang alasingko ay nauna na akong pumunta sa office ni sir. Hindi naman siguro yon magagalit kapag maaga akong punta.

Nang malapit na ako sa office niya ay nakita ko naman si Whitney na parang kabadong kabado at hindi mapakali sa harap ng pinto ni Sir. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?

Ng mapansin niya ako ay agad niya naman akong tinarayan. Aba! Ako pa ang tinatarayan niya, wala pa nga akong ginagawa sa kaniya eh parang pinapatay niya na ako sa isipan niya.

"What are you doing here?" taas kilay nitong tanong sa akin.

"Pinapatawag kasi ako ni Sir" sagot ko at akmang kakatok na ng pinto ng bigla niya akong kabigin.

"Lumayas ka nga dito. Kailangan ko pang kausapin si sir. Mamaya ka na lang" mataray nyang saad at walang katok na pumasok ito.

Hindi ko siya pinansin at pumasok na din ako. Naabutan ko pang nagbu-butones si Sir Saavedra ng kaniyang suit.

"Sir/sir" sabay naming tawag ni Whitney.

Nabaling naman sa amin ni Whitney ang atensyon ni sir at kunot noong nakating kay Whitney.

"What are you doing here, Whitney?" tanong ni sir.

"E diba sir may ibinigay akong invitation sa inyo kahapon galing sa Romualdez Company. Nakalagay po kasi duon na kailangan kasama ng bawat imbitadong companya ang mga secretarya nila. And well, dahil ako ang secretarya ninyo ay responsibildad ko po iyon" saad ni Whitney at saka umayos ng tayo na parang proud na proud siya dahil siya ang secretarya ng companyang ito. Tss.

"Who said that you're coming with me?" tanong ni sir sa kaniya.

"The Romualdez Company, sir. I am your secretary so it's my job to come with you" sagot nito.

"You're not coming with me. I already assign an employee to come with me" saad nito.

Napaawang naman ang bibig ni Whitney dahil sa sinabi ni sir. Parang hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Bakit pa kasi siya pumunta dito kung hindi naman pala siya ang kasama. Yan tuloy napahiya.

"Sir! I am your secretary! I should be the one to come with you!" giit pa nito.

"I already change my mind since yesterday. Hindi ko alam na binasa mo yung invitation na dapat ay ako lang ang nagbasa. Kung gusto kong ikaw ang kasama ko para sa debut ng Romualdez company ay dapat kahapon pa lang ay sinabihan na kita. Pero hindi ikaw ang gusto kong kasama. I don't care about that invitation, I should be the one who decide who will I come with and obviously that is  not you" seryoso niyang saad at saka bumaling sa akin.

"Then who!?" tanong ni Whitney na mangiyak iyak na.

"The girl beside you" simple niyang saad at lumapit sa akin.

"What?!" gulat na tanong ni Whitney.

"Sir! She's just an employee! She doesn't have the right to come with you! It should be me not her!" giit niya.

Napabuntong hininga naman si sir naparang naiinis na kay Withney. "Just leave, Whitney. Kung ayaw mong tanggalan kita ng trabaho" inis niyang wika.

Hindi makapaniwalang humarap sa akin si Whitney at tinignan ako ng matalim. Parang sinasabing 'hindi pa tayo tapos' bago padabog na lumabas ng office ni sir.

Taming Mr. Billionaire Where stories live. Discover now