Chapter 2- The Road

59 1 0
                                    

"Kumapit ka ng mahigpit" he warned me.

Malakas at malamig na hangin ang dumadampi sa aking mukha. Nakakapit ako sa likod ng motor syempre kasi nakakahiyang kumapit sa kanya. Ang bilis niyang magpatakbo. Plano pa yata akong idamay sa pagpapakamatay niya. Sa shortcut na lang daw kami dadaan para mas mabilis at para makahabol siya sa curfew niya. Uso rin pala yun sa mga lalaki?

Wala na kami sa highway. Wala na ring masyadong dumadaan na sasakyan. Siguro dahil alas dyes na ng gabi o sadyang takot lang silang dumaan sa kalsadang ito. Pakurba-kurba, walang masyadong bahay at ilaw. Masasabing accident prone area talaga kaya siguro takot ang mga motorista sa rutang ito. Pero ako? Sanay na rin ako dito. Dito rin kasi ang daanan ko pag nagra-rush ako o kaya pag may checkpoint sa highway. Underage at driving without license kasi eh.

Maya-maya'y hininto niya yung motor. Sa ilalim ng malaking puno at kung saan ay madilim.

"Linalamig ka ba?"

Hindi ako sumagot. Naramdaman siguro niyang nanginginig ako.

"Baba ka muna"

"Anong plano mo?!" Kinabahan na ko. Sabi ko na nga ba may mali dito. Hindi ako dapat nagtitiwala sa mga taong hindi ko lubosang kakilala.

"Basta baba!" Bumaba na siya pero nanatili ako dun sa motor na kinauupuan ko.

"Sisigaw na ko!"

"Eh di sumigaw ka"  Parelax niyang sabi.

Oo nga. Sino ba naman ang makakarinig sa akin pag sumigaw ako dito.

Bumaba na ko sa motor. May kinuha siya sa compartment na hindi ko maaninag. Kinabahan ako lalo.

"Aahhhh! Tulong!" Hindi ko na napigilan. Sumigaw na talaga ako.

Then suddenly, he was at my back, he hold me on my waist and put his arms on my mouth to stop me from screaming. Hindi na ko makapalag. Kinakabahan na talaga ako. Lord, kayo na po bahala sa'kin. I prayed silently.

"Wag ka ngang OA! Kinuha ko lang yung jacket"

Hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap niya ako sabay inayos yung jacket na kinuha niya mula sa compartment ng motor at sinabit sa balikat ko.

Jacket lang pala yung kinuha niya mula sa compartmemt. The Lord heard my prayer. He saved me! But I guess nothing can save me from embarrassment.

"Kanina ko pa kasi napapansing nanginginig ka na. Sabi kasing kumapit sa'kin eh"

Haayyy. Nakahinga na ako ng maluwag. Pero nakakahiya yung ginawa ko. Hindi na lang ako umimik. Bumalik na kami sa motor. Pagkaandar na pagkaandar ng makina ay bigla na niya itong pinatakbo.  Napahawak ako bigla sa braso niya para maiwasan yung muntik ko ng pagkahulog. Bumaba ng bumaba yung mga kamay ko hanggang sa nakayakap na ko ng tuluyan sa kanya. Oh, this warmness. Tama nga siya. Dapat kanina pa ko yumakap sa kanya para hindi ako masyadong lamigin. Unti unti kung sinanay yung katawan ko na nakadikit sa katawan niya. Until I was feeling relaxed and comfortable. Wala ng ilangan.

"Looks like you're enjoying" Pabiro niyang sabi. I can feel him smiling.

"Shut up. I'm giving both of us a favor" Then there, I can already feel him giggling.

Na sa harap na kami ng bahay.

"Thanks for the ride. And thanks for this" Inabot ko sa kanya yung jacket.

"No Ninessy. Thanks for the ride" nakangiti niyang sabi.

"Ha? Pero..." Nagsasalita pa lamang ako ngunit naglaho na siya na parang bula. Oo nga pala. May curfew siya.

Dumeretyo na ko sa kwarto at tinext siya agad.

"Drive safe. Txt ka pag nakauwi na ha?"

After 10 mins siguro nagreply na siya.

"Thanks for today Ninessy. Nag-enjoy ako. Sobra"

"No Shan. Thank you. Ikaw tong naabala sa paghahatid sa'kin eh"

"Ok lang. Besides, quits lang tayo dahil dun sa Ferry's wheel. Thanks for the ride :)"

"Oh sige na nga. Good night Shan. Nag-enjoy rin ako. Thanks for today :)"

   . . . .

Nahihirapan pa kong idilat ang aking mga mata. Kinapa ko yung cellphone ko. 8:43 am. Mag-aalas nuwebe na pala. 3 missed calls. 11 messages.

The message says "Sa bahay nila Julieanne guys. 2pm" galing kay Zennina. The following messages were from Julieanne and Jen telling me to please reply and answer their calls. Grabe. Lakwatya na naman ito.

The last 3 messages  were from Shan.

"Good morning pretty :)"

"Txt ka pagkagising mo ha?"

"Hoy Ninessy! Bangon na!"

Bigla akong napangiti. What has gotten into me? Hindi na pwede to. Hindi pwedeng mangyari to. Umayos ka Ninessy!

Una kong rineplyan si Shan. "Ano na namang kailangan mo at tinatawag mo na naman akong maganda? XD"

Then the girls, "Ok 2pm. See you there!"

Bumangon na ako para kumain. Nang may biglang tumawag.

Si Shan.

"Pretty ka naman talaga eh" Sabi niya sabay tawa.

"Gago ka ah. Umagang umaga!"

"Sige na nga. Good morning Ninessy!"

"What do you need?"

"Ok kaya kay Emcee pag ginawan ko siya ng poem? I mean, is it gonna work o baka masyadong cheesy?"

My heart stopped a beat. Bakit? Ewan ko rin. Madali lang akong ma-attract sa mga poets eh. Poet pala siya. He's sort of my ideal man.

"Oo naman. Sinong babae naman ang hindi maga-appreciate nyan"

"Sure ka ba?"

"Well, for me it would be super fine. Depende kasi yan sa interest ng mga girls"

"OK. Thanks pretty. Mag toothbrush ka na. Abot hanggang dito yung morning breath mo" sabay tawa.

Bago pa ko makasagot ay naibaba na niya yung phone. Nakakinis talaga yun!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon