Tulala pa rin ako. 1 hour and 10 minutes ang estimated time na nakatunganga ako dito sa kinauupuan ko ngayon. Dinadamdam ang sakit. Kung hindi lang siguro umuulan ay dinapuan na ako ng mga langaw at marami na akong kagat ng langgam sa pag-aakala nilang patay na ang nilalang na kanilang dinadapuan. Hindi ako gumagalaw, nakatingin lang sa kung saan. Saan ba talaga? Ewan. Kulang na lang humandusay na ako sa gilid ng daan. Anyway hindi naman ito highway at kaunti lang ang dumadaan. Malapit lang sa gubat. Kanina pa sana ako tumakbo palayo sa gubat at maligaw hanggang sa di na mahanap. Kung kaya ko lang. But I can't. Sa ngayon, huminga at umiyak lang ang kaya kong gawin. Even the wind doesn't have any effect on me. Im feeling totally numb. Siguro namanhid na sa lahat ng sakit na napagdaanan ko.
Bakit? Anong nangyari sa'yo? Sa'tin? May nagawa ba ko? Nagkulang? Nasobrahan? Saan? May mali ba? Sana sinabi mo para at least naayos natin. Masaya naman tayo ah... Dati.
. . . .
Ako si Ninessy, masayahin, clumsy, careless, baliw, shonga, kalog at higit sa lahat maganda (self-proclaim lang talaga ako. Pasensya) Ok. Real description. Uhm. Mirror please?
Eto na seryuso. Long hair na hanggang siko with blonde dye, mejo singkit ang mata, thick but not that long eye lashes, hindi rin gaanong matangos ang ilong, manipis at maliit ang mga labi ko, with prominent cleft chin, katamtaman ang puti ng kutis at CUTE. I mean 5feet tall and rephrase it, CUTE.
Masaya ako kung ano ako dahil yun ang pinaparamdam sa'kin ng boyfriend ko. Si Shan.
. . . .
"Do you still love me even when I look like this.?" Sabi ko kay Shan na nakadoling ang mga mata at nakahila sa tenga sabay nakalabas ang dila na mukhang abnormal.
"I do. And I always will even if you look like this" Sabay hawak niya sa taas ng butas ng ilong ko at hinila ito pataas. "Kung sasabihin kong minahal kita dahil maganda ka, balang araw tatanda ka rin at papangit ka. So iiwanan kita. Kaya naman hindi ako naghahanap ng rason para mahalin ka dahil ayaw kong maghanap ng rason para iwan ka. I don't want to leave. Ever"
That is one of the main reason na self-proclaim ako. Dahil bukod sa mama ko, mga kapatid ko at mga relatives namin na nagsasabing maganda ako, Si Shan ang lalaking pinakamamahal ko ang nagpapa-level up ng confidence ko. 1 year and 1 month na kami ni Shan. Since 3rd year high school pa kami mag-on. Marami na kaming napagdaanan. Nakipag-away ako sa classmate ko na dati niyang liniligawan, nag-absent sa klase para lang mabisita siya sa ospital, lumabas ng bahay kahit di pinapayagan, maligo sa ulan kahit may sakit at higit sa lahat magsakripisyo ng kahit na ano. Nagawa ko na lahat ng yan dahil kay Shan. Kaya naman kahit tila long distance ang drama namin eh kinakaya pa rin. Seminarian kasi si Baby. Kulong sila sa school. Walang cellphone, Thursday and sunday lang pwede humawak ng cellphone. Kaya kahit 3 km lang ang layo namin sa isa't isa, feeling ko na sa ibang bansa na siya. Atleast pwedeng makipagchat everyday pag na sa ibang bansa ka di ba? Pero iba sa'min ni Shan. Di ko ba alam. School rules daw. Pero hindi naging balakid yun sa amin. He has his full trust on me. Alam naman niya at alam ko na wala akong gagawing makakasira sa relasyon namin habang na sa loob siya at ako naman na sa labas at malaya. Free for temptations. Temptations are everywhere but I always keep in mind na merong masasaktan. Ganun ko siya kamahal. Kaya kong maghintay. Kaya hindi ko iniisip ang negative possibilities na anytime ay pwedeng mangyari. Mejo mahirap pero push pa rin!
Bakit pa ba kasi siya dun nag-aral? Siguro dahil sikat. Exclusive school eh. Sikat ang mga seminarista sa school namin. Mapadaan lang sila ay makakarinig ka na ng hiyawan. You can recognize when a guy is a seminirian. Iba sila magdala, malinis tignan at malakas ang charisma. At kapag nagka-boyfriend ka ng seminarista, syempre magiging sikat ka na rin. Maraming maiingit at maraming maiinsecure. Haay buhay! Hindi naman kasi ako dapat ang nandito eh. Hindi dapat ako ang naging girlfriend niya. Yung barkada ko dati ang liniligawan niya. Ako ang bridge nila. Dun kami nagkakilala. 2nd year summer noon...
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
Fiksi UmumBased on a true story. What if you've fallen inlove with the guy who courts your friend? And they even consider you as their bridge together. Magiging happy ending kaya? Lalo na't ang lalaking ito ay isang seminarista. Ibahin natin ang ating mga pan...