KABANATA L

28 0 0
                                    

LOUIS' POV


"anong gagawin natin dito ?" parang bata niyang tanong


"una sa lahat Kambs, ayoko yung biro mo kanina" seryoso kong sabi


Kailangan kong bumwelo sa tanong ko mamaya at maghanda sa anong magiging sagot niya. Inakbayan niya naman ako


"alam kong corny ito bro, pero salamat dahil concern ka sa akin, salamat bro" inirapan ko siya


Corny nga..


"ayoko ng mawalan ng kapatid kaya ikaw umayos ka, ayusin mo yang katawan mo para humaba yang buhay mo"


Parang siya kasi yung male version ng namatay kong kapatid, sa mukha hindi, pero sa ugali oo, malambing silang dalawa, kaya agad na napamahal siya sa akin


Ayoko ng maulit yung naramdaman ko nung nawala yung kapatid ko na hindi ko naman pala talaga kapatid. Hindi ko na kakayanin. Importante na sila sa akin, mga kapatid ko at si ama. Kung hindi man mapunta si Monica sa akin, okay lang, andito naman pamilya ko.


"Pero Kambs, paano kung wala na talaga ?" seryosong tanong niya


"Hindi kami papayag, gagawa at gagawa kami ng paraan para gumaling ka, at tyaka isa pa huwag ka kasing matigas ang ulo" binatukan ko siya


"kaya pala tayo pumunta dito, dahil may kailangan tayong pag usapan" umupo ako sa malaking tipak ng bato


Tinabihan niya ako


"tungkol saan ?" curious niyang tanong


"tungkol kay Monica" tumayo siya't kumuha ng bato at binato niya yun sa dagat


"anong pag uusapan natin sa kanya ?" tanong niya habang hindi nakatingin sa akin, patuloy pa rin siyang nagtatapon ng bato sa dagat


"Nangako tayo sa isa't isa na hindi na tayo muli maiinlove diyan kay Monica, di ba ?" pauna kong tanong


Nagnod nod ito


"gusto ko lang maging  tapat ka sa akin Kambs dahil ang ayoko sa lahat yung niloloko at tinatraydor ako....... mahal mo ba siya ulit ?" gusto ko ng malaman ang totoo para hindi ako mukhang tanga ditong isip ng isip.Hindi kasi mawala sa isipan ko ung tanong niya kagabi na paano daw kung mahal pa niya si Monica ? Kaya nga umalis ako kasi nainis ako


Nawala tingin niya sa akin at nagtapon ulit ng bato sa dagat


Hindi niya ako sinagot. Inantay ko sagot niya. Wala siyang ginawa kundi magtapon ng bato.


Ilang minuto siyang nagtapon tapon dun. Nung tumagal, di na nakayanan ng dugo ko na kumulo sa tagal niyang sumagot

United LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon