"Si-si-sino ka?!" nanginginig kong kinuha and kutsilyo at itinutok sa kanya. He just looked innocently to the knife. Lumapit pa siya saakin kaya mas lalo kong hinigpitan and pagkakahawak ko para na din sa kaligtasan ko.
"You created me" parang hindi siya natatakot sa kutsilyong hawak-hawak ko. Mas lalo pa siyang lumapit kaya napapaatras pa ako. Atsaka anong pinagsasabi niya na ginawa ko siya. Nasisiraan na ba siya ng ulo?.
"Huwag kang lalapit! Hindi ako nagbibiro, masasaksak kits cge ka!" nanginginig kong sabi. Pinipilit kong magtapang-tapangan kahit na sobrang aatakihin na ata ako sa puso dito.
"Babe!, don't be so childish. Pinagluto na nga kita eh." he said innocently. Teka sino ba siya? anong babe ? Pinanlakihan ko siya ng mata at kunot noo ko siyang tinitigan. His face is so familiar to me. Pero hindi ko siya kilala.
Lumapit pa siya saakin at mas lalo kong itinutok sa kanya yung kutsilyong hawak ko.
"Babe ako to, si Chain." Nalaki ang mga mata ko. Si... si... Chain? Tama ba and narinig ko?. No it can't be. Hindi maari. Sa sobrang busy ng utak ko sa pagdedeny, inagaw niya saakin yung kutsilyo at hinatak ako at iniupo sa upuan. Sa harapan ko at mga putaheng paborito ko. Umupo siya sa harapan ko at ngumiti na katulad na katulad ng ngiti no Chain. Hindi to maaari.
"Say aaaahh" tinitigan ko lang siya habang isinusubo niya saakin yung kutsarang may pagkain. Kahit saang anggulo ko tignan, kamukha niya nga si Chain pero imposible talaga.
"Babe naman eh, niluto ko ito para sa iyo. Sana naman kumain ka kahit konti lang" nag pout pa siya. Who can resist him? kung ganito siya kagwapo. Automatic naman along napa 'aaah' kahit na hindi ko pa ma-identify ang nangyayari. Nadala ako sa kagwapuhan niya kaya pinagbigyan ko siya sa hiling niya.
"Sino ka ba talaga?" a smile formed in his kissable lips.
"I'm your boyfriend. You wished that last night remember?"
Napanganga ako sa sinabi niya. Pinisil ko yung mukha niya kung totoo nga siya o nananaginip lang ako. Pero totoo talaga eh. Hindi din ito panaginip lang. Hala nababaliw na ako.
"See? I'm real" napanganga nalang ako sa sobrang daming kababalaghan and nangyayari saakin ngayon.
"Hindi ko maintindihan"
"Basta alam ko, napunta ako dito para maging perfect boyfriend mo"
"Perfect Boyfriend?" *faints*
Once upon a time, I'm just an ordinary girl until this so unexplainable specie entered my life.
♡♡♡♡♡♡♡
Oct. 29, 2014
BINABASA MO ANG
My Own Boyfriend
FantasyI can't believe it happened, that I'm the one who created my own boyfriend.