CHAPTER 1
Sophia's POV
******************************************
“Sophie!"
May narinig akong tumatawag ng pangalan ko.
Paglingon ko ay nakita ko ang aking best friend.
“Oh? Amber.”
“Sabay na tayo sa pag-uwi. Siya nga pala, punta ako mamaya sa dorm niyo, sabay na tayo mag group study.”
“Sige. Punta ka na lang mamaya 8:30 ng gabi.”
Oo nga pala. Malapit na pala ang Finals namin.
Konting push na lang at matatapos na rin itong sem na ito.
Ang dali lang tumakbo ng oras.
Parang noong isang araw lang, kakapasok ko lang ng College.
Parang noong isang araw lang, Freshman pa ako.
Parang noong isang araw lang, akala ko na ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundo dahil kami pa ni Kevin.
Ang certified playboy ng campus na sobrang gwapo at may pamatay na katawan at six pack abs.
Ang buong akala ko na nagbago na siya.
Akala mahal niya ako.
Pero, akala ko lang iyon.
Marami nga ang namamatay sa maling akala.
Pero sa sitwasyon ko, di ako mamamatay. At mas lalong di ako magpapakamatay.
Neknek niya! Istoryahe.
Nasaktan ako, oo. Sobra. Pero di ito rason para sirain ko ang buhay ko.
Pero, di ko talaga maiwasan na malungkot pa rin.
Nabubuang na nga ako.
Pero kailangan kong magpatatag.
Kaya eto ako, nag-aaral ng mabuti.
“Girl, ok ka lang ba talaga?” tanong ni Amber.
“Oo naman. Ako pa. Mga lalaki na iyan sus…”
I lied.
“Ay… tama iyan friend! Di bale, after finals natin sembreak na. Malilimutan mo rin iyong lintek na Kevin na yun.”
Tama si Amber.
Malilimutan ko rin ang lahat ng ito sa Sembreak.
Sisiguraduhin kong susulitin ko ang bawat segundo ng sembreak para mag enjoy at para makalimot.
**************END OF CHAPTER 1***************