CHAPTER TWO
Sophie's POV
***********************************************
Sa wakas. Last day of finals na ngayon.
2:39 na ng madaling araw pero di pa ko natutulog.
Ala una pa naman ng hapon yung exam namin.
Binabasa ko yung mga notes ko sa Zoology nang biglang tumunog ang aking phone.
“Facebook?”
May nagchat sakin sa Facebook Messenger.
Galing kay John Richards
“John Richards?”
Teka, parang familiar.
John Richards…. Figures.
Kasama ko ito sa press noong high school.
Pero di naman kami close nun masyado.
Ahead siguro ito sa akin ng two years.
At ang alam ko, pumasok ito sa Seminary School.
(Author’s Note: Bold words means their convo on Facebook.)
John Richards: Hi!
Nakakatawa. Di naman kami close nito. Pero sige na nga, kahit papano kilala ko naman.
Me: HAHA XD Hello.
John Richards: Kilala mo si Jessie Franco di ba?
Jessie Franco? Schoolmate ko rin ito. Ahead sa aking ng one year.
Teka, balita ko pumasok din ito sa seminary.
Me: Yep.
John Richards: Ahh… Ba’t gising ka pa?
Ba’t ba siya nagtatanong kung kilala ko si Jessie Franco?
Actually medyo close kami pero sandal lang naman iyon.
Noong isang birthday ko kasi, sinama siya ng friend ko sa bahay kaya ayun.
Hindi naman siguro…. OMG!
Me: Why? May nangyari ba sa kanya? Patay na ba siya?
John Richards: Oo eh.
Loko. Parang binibiro ako ng isang ito. Patulan ko nga.
Me: Ah… R.I.P Franco.
John Richards: Biglaan kasi masyado.
Me: HAHAHAHA XD
Gago! Pag iyon natuluyan wala akong kasalanan ah!
John Richards: Hahaha… Actually, magkasama kami ngayon.
Huh? At this hour? Talaga lang huh?
Ano naman kayang ginagawa nitong dalawang ito ng ganito kaaga.
Me: Aww… ano naman kayang ginagawa ninyo sa ngayong oras ng umaga?
Baka kaya, HAHAHAHA XD Uyyy….
John Richards: You know na uy ;-)
Aba? May wink smiley pa. Baka nasa Xavier Seminary School nga itong dalawa.
Me: Nasa Xavier ba kayo ngayon?
John Richards: Secret. Hahaha.
Loko. Ma-send nga ng snapchat ng music video ng Pare Mahal Mo Raw Ako.
John Richards: Hahaha… Gusto ko
Huh? Ano raw?
Me: Ang ano?
John Richards: Ikaw :)
Loko. Landi naman ng isang ito. Ganun ba talaga ang mga lalaki?
Me: Bolero.
John Richards: Hahaha. Goodnight na daw sabi ni Franco.
Me: Geh. Nanayt.
John Richards: I love you raw.
Buang. Landi mo naman kuya.
Me: Push mo pa.
After 3 minutes.
Wala pa ring reply? Aba! May gana pa siya mang seen zoned?
At bakit ko naman hinihintay ang reply niya?
If I know, niloloko lang ako ng mga iyon.
Aishh! Makatulog na nga lang at exam ko pa bukas!
*************************CHAPTER TWO******************************