First Day High

756 5 6
                                    

NAGLAKAD si Alden papasok ng University of Verona - Manila. May tatlong oras din ang naging commute niya mula sa bahay nila sa Sta. Rosa para makarating sa university na iyon sa Taft Avenue, Manila.

First day ng classes, at kakaunti ang kasabay niyang naglalakad papasok ng gate ng eskwelahan. Puro mga kotse at SUVs ang sunod-sunod na pumapasok sa Gate 3, ang pinakamalapit na gate mula sa LRT station na pinagbabaan niya.

Maraming puno ang nakalinya sa gilid ng walkway ng university. Maririnig pa rin ang huni ng mga ibon kasabay ng tunog ng mga tambutso ng sasakyan. Isa iyon sa mga nagustuhan niya sa UV-Manila dahil parang hindi rin siya masyadong napalayo sa Laguna.

Noong narating na niya ang fountain na kanyang pananda sa BVN Building kung saan naka-schedule ang first class niya ng 7:30AM, nakatingala siyang naglakad patawid ng kalsada. Sa fourth floor daw noon ang--

Isang malakas na busina ang nagpahinto sa kanya sa paglalakad. Frakk! Hindi niya napansin ang kotse na paparating! Huminto siya sa paglalakad at hinayaan itong pumarada sa tabi ng kalsada.

Wala sa loob na napatingin siya sa bumukas na pinto ng kotse. Bumaba roon ang isang babae na nakasuot ng itim na v-neck shirt, jeans, at Chuck Taylor sneakers. May makulay na messenger bag na nakasukbit sa balikat nito. She wore aviator sunglasses with dark lens kaya hindi niya masyadong kita ang buong mukha nito. Mas napansin niya ang mahaba at itim nitong buhok, at may bangs din na hinahangin ng mga oras na iyon, na para bang nasa loob sila ng isang pelikula at naka-slowmo lahat ng nangyayari--

Tapos nakita niyang may hawak pala ang babae na mini-rechargeable fan. Kaya naman pala mukhang may pa-wind FX ang buhok nito--

Tumingin ito sa direksyon niya. "CLOUD!" sigaw nito.

Kumunot ang noo ni Alden. Napagkamalan ba siya nito na ibang tao? Sasagot sana siya pabalik ng, "Hindi ako si 'Cloud,' schoolmate!" Pero sumigaw ulit ang babae ng pangalang itinawag nito sa kanya, at saka lang niya nakita ang isang golden retriever na tumatakbo papunta sa direksyon niya.

Dumamba ang aso sa kanya, kumakawag ang buntot. Naamoy malamang ang naiwang amoy ng alaga niyang Siberian Husky na si Globie na kung makakapit sa kanya kaninang madaling-araw eh parang ayaw na siyang paalisin ng bahay. Inihatid pa siya nito ng tanaw sa may gate nila at panay ang tahol habang papalayo ang tricycle na sinakyan niya papalabas ng village nila.

He was shot back to present time when the golden retriever barked loudly, pagkatapos ay tumakbo ito papaikot sa kanya.

"Cloud, baby!" sigaw ulit ng babaeng amo nito na naglalakad papunta sa direksyon niya. Hindi ito ganun katangkad, hanggang dibdib lang niya ito siguro. Nakita niyang ipinasok nito ang hawak na rechargable mini fan sa messenger bag nito. "Cloud! Stop that, baby!"

Saka lang ibinalik ni Alden ang tingin sa aso... Na nakataas na ang isang paa at iniihan ang puting rubber shoes niya! "What the--" Napaurong siya palayo sa aso. Eksaktong dinampot naman ng amo nito ang leash ng aso at hinila ito palayo sa kanya.

"OMG, I'm sooooo sorry!" bulalas nito, sabay tanggal ng shades na suot.

Alden found himself staring at the most expressive, brownest eyes he had ever seen in his entire life. "Ahm," wala siyang maisip na isagot dito. He instinctively ran his hand through his hair. Sasabihin ba niya ang totoo na bagong bili at bagong suot lang niya ang sapatos na inihian ng aso nito?

"I'm so sorry for what my baby did! His yaya kasi just got the flu and couldn't join us in dropping me off today..." sabi nito habang naghahalungkat ng kung ano sa messenger bag nito. Pagkatapos ay inilabas nito ang cellphone gamit ang kanang kamay nito, habang ang kaliwa naman ay hawak pa rin ang tali ng aso nito.

"Okay lang, no worries," sabi niya dito bago siya nagsimulang maglakad palayo. Siguro naman ay may tissue sa CR na pwede niyang ipampunas sa sapatos niya--

"WAITTT!!" sigaw ulit nito na nagpahinto sa kanya. "Why is Manong not even.." nilingon nito ang kotseng naka-hazard pa rin sa gilid ng kalsada. "Can you hold Cloud's leash for me?"

Kumunot ang noo niya. May ilan na ring kapwa nila estudyante ang dumadaan at pinagtitinginan sila.. At siya pa talaga ang gusto nitong utusan?

"Please?" pakiusap ulit nito.

Bumuntunghininga siya. He couldn't resist her puppy dog eyes, frakk it. Naglakad siya pabalik dito. Inilahad niya ang kamay at inabot ang tali ng golden retriever nito.

Nang malibre ang isa niyong kamay ay nagulat si Alden nang bigla ito lumuhod sa lupa! "W-what are you--" Iniumang nito ang cellphone sa paanan niya. Pini-picture-an ba nito ang sapatos niya? Was she about to post this in social media and make fun of him-- with 'Guys, ito nga pala yung lalaking napagkamalang poste ni Cloud' as caption?

He sighed. "For the 'Gram?" tanong niya rito.

Umiling ito, bago tumayo at pinagpag ang bandang tuhod ng pants na suot. "Adidas Stan Smith Boost, size 9?" sabi nito sa kanya.

"Size ten," he corrected her. But she's good; eksakto ang sinabi nitong model ng sapatos niya. "Bakit?"

Kinuha nitong muli ang tali ng aso nito mula sa kanya. He smelled faint scents of strawberry and vanilla from her.

"I'll ask my mom's personal assistant to buy you a new pair within the day. What's your IG account? Para I can DM you later when I have the shoes here na."

Umiling siya. "No need for that," sabi niya rito, sabay lakad palayo. Rich kids nga naman talaga. Lahat instant sa mga ito. Malamang original pa ang ipabili nito, samantalang Class A lang naman itong Adidas niya.

"Hey, please! Let me do this? I really feel guilty about it. Please?" Naglakad ito kasabay niya, habang hinihila ito ng aso nito sa ibang direksyon.

"Hindi na kailangan. Tissue lang ang katapat nito," tanggi niya ulit. Aaminin na ba niya ditong sa SM lang naman binili ang rubber shoes niya? And by 'SM' meaning... Sa Muslim?

"Please naman--" walang sabi-sabing kinuha nito ang suot niyang ID at tiningnan ang pangalan niya. "Alden del Rosario. Please, Alden, let me do this for you? It's the first day of classes and I want good karma points, or else my whole college life might turn out to be the crappiest four years of my life. And I won't allow that to happen." Tumahol ang aso nito, uma-agree yata sa sinasabi ng amo. "So can you just let me buy you a new pair of shoes? It's my baby's fault naman, and as his mom, it's partly my fault too. Please? Pretty, pretty please, Alden?"

There was something in the way she said his name that just got him to stop walking and stare at her. He sighed after a couple of seconds. "Sige, nasa library ako ng three to four PM."

"Yay! Thank you. What floor?"

"Floor?"

"Our library's up to eighth floor. What floor would you be at?"

Ah, hanggang eight floor pala ang library ng university nila. Hindi pa kasi siya nakakapunta doon. He shrugged. "Depende kung saan ako i-assign later." Nakita niya sa mukha nito na nagtataka ito sa sinabi niya kaya idinugtong na lang niya, "I'm a university scholar. I need to render service for the university six to seven hours per week."

"Oh, okay!" Tumango-tango ito. "See you later then, Alden!" Kumaway ito sa kanya at naglakad pabalik sa kotse nito, habang hila-hila pa rin ang aso nitong si Cloud.

He felt something tug in his chest. He nonchalantly fixed the hair strands that had fallen onto his forehead. "Ahmm.. schoolmate?"

Lumingon ito sa kanya.

"Ano nga pala'ng pangalan mo?"

Ngumiti ito sa kanya. "Kathryn. Kathryn Fabregas. But you can call Kath."

Tumango siya. "Bye, Kath."

Ngumiti itong muli. "Bye, Alden."

Walls Between Us (a KathDen fanfic)Where stories live. Discover now