Prologue

53 0 0
                                    



As we scanned the crowd, I immediately noticed a tall guy with a clean cut hair wearing a white polo shirt paired with black khaki shorts. Nakatalikod siya saamin pero kahit ganun, hindi mo mapigilang hulaan na gwapo siya.

Alam kong napansin din siya ng mga pinsan kong babae kasi narinig ko na dinedescribe nila yung guy.

Pinagpatuloy ko ang paghahanap ng mga possible gwapitos. Sight seeing, you could say. I found other handsome guys, pero sila yung mga tipong makikita mo sa malls, pasyalan, mga ganun. I stopped searching since wala naman akong mapapala sa pagtingin tingin sakanila.

As I drank my juice, nagulat nalang ako ng tinulak ako ng pinsan kong si Shey. I was taken aback. Nilapag ko juice ko at binalingan siya.

"Huy! Grabe ka Shey. Ginawa ko sayo?" I pouted at pinahid ang nabasa kong braso.

"We have a dare for you." she said, ignoring my complaint. She looks excited, yet mischievous. Lagi naman. I rolled my eyes.

"I didn't know we were playing spin the bottle," I sarcastically said. Umirap din sila pero natatawa rin sa remark ko. Since hindi naman ako kj, pumayag ako, "Sige, ano?"

Ang pinsan kong si Demiter na ang nagsagot, "Nakita mo naman yung lalaking nakawhite polo shirt diba?" Tinaas ko ang dalawang kilay ko as if to say I get who she means. Though marami namang ibang nakawhite polo shirt, alam ko agad na yung lalaking dinedescribe nila ang tinutukoy niya.
"Lapitan mo, akbayan," she even demonstrated, "at ibulong mo sa tenga niya ang mga katagang.. "Will you be my boyfriend?" bulong niya sa tenga ko. Lumayo siya at tumawa. Lalo na ng nakita niya ang ekspresyon ko.

Kahit na sinabi kong hindi ako kj, I cringed from her dare. Almost all my cousins know that I don't want those kinds of commitments. Why? Because I simply can't. I gave my cousin an incredulous look. She just stared back with a smile. Demi may be sweet, but she can be annoying as heck.

"Oh, so the dare queen finally backs out, eh?" sabi ng isa ko pang pinsan na si Einna. Umirap ako at tumayo. Bumungisngis naman sila. I clicked my tongue and stomped over to the guy.

Besides, I know he won't accept it anyway. What with a stranger asking him out. An unattractive one, may I add.

Lumingon ako sa mga pinsan ko na nagpipigil ng tawa.

Mga bruhang 'to.

Nang makalapit ako sakanya ay naaninag ko ang isang itim na bagay na nakasabit sa ibabaw ng tenga niya. I'm guessing he's four eyed since I don't think he's that dumb to wear sunglass in a dark place like this. Nakita ko rin ang silver pierce sa kaliwang tenga nito.

Lumingon lingon ako at narealize kong wala siyang kasama. Safe.

I took a deep breath and swung my arm over his shoulders. Natigilan ang lalaki pero di parin lumilingon. "Hi." Walang lingon. Good.

"Do you want to be my boyfriend?" diretsahan kong tanong para maturn off siya para agad siyang tumanggi. The dare was to ask him out, not to make him agree.

This time, gumalaw ang mata niya, his eyes resting on my direction, not really looking at me. No response. Good. This will all end perfectly fine.

"No? Well, ok-" natigilan ako ng hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa balikat niya. Pulled, even. Napalapit ako ng 'di oras.

I spoke too soon.

I frantically looked at his face.

Which was now turned to me.

Napaawang ang bibig ko.

Now this is one face that's rarely seen in malls. Yung mukha niya, tough, seryoso, mysterious. Pero pinapalambot ng konte ng eye glasses niya ang features ng mukha niya. Pero kahit madilim, no doubt, gwapo siya.

Nakakunot-noong pinasadahan niya ako ng tingin. Nawala iyon nang bumalik sa mukha ko ang mata niya.

'Di ako makaalis kasi hawak niya parin kamay ko. My eyes widened a fraction when he squeezed it.

Sumakit yung chest ko ng nagsmirk siya. (this happens when I see ultimately handsome guys) At mas lalong sumakit ito nang magsalita siya in a deep, rough voice.

"Okay."

ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon