Isang storyang nabuo ng isang nilalang na nabibingi sa ingay ng videoke sa kanilang kapitbahay. Sana magustuhan niyo.
Heto na, babanat na!
---------------------------------------------
"Happy Birthday Neil!" Bati ni Jena sa akin habang hawak hawak ang isang platong punong puno ng pagkain. "Thank you sa pakain ha."
"Ang adik mo talaga. Thanks. Kain ka lang."
"Hay naku, kahit hindi mo naman sabihan yan kakain at kakain talaga yan." Sabi ni Amber na gf ni Jan na kabarkada ko.
"Sinabi mo pa hon."
"Sus! Parang hindi kayo sanay sa isang yan." Sabi naman ni Nordan.
"Pusta tayo mamaya babanat na yan sa videoke?" Banat ni Mikel. At nagtawanan kaming lahat.
Napatingin ako sa pinaguusapang babae na busy sa paglilibot sa buffet table. Si Jena, ang pinakamakulit isip bata at ang easy go lucky girl sa grupo namin. Actually maganda siya kung magaayos lang talaga siya pero ganyan na yan eh. Madalas naming asarin na tibo dahil sa kilos niya at pananamit. Pati na din sa mga laro at kinahihiligan niya. At kung tatanungin niyo kung gusto ko siya? Yes. She did catch my attention sa isang salosalo kila Mikel. Umiinom ang lahat samantalang siya ay bumabanat sa videoke na para bang nagcoconcert siya dahil nasa gitna at harap siya at nagrerequest ang mga bisita na kumanta siya. Maganda naman kasi talaga bosea niya. Akala ko talaga inupahan siya para magperform. Pero natawa ako sa ginawa niya kasi nung mapagod siya bigla niyang siningil ang parents ni Mikel ng talent fee daw niya. Libreng lunch sa restaurant ng mga ito for one month daw ang bayad. Tawa ng tawa naman sina tita at tito.
"Natulala ka na naman sa ganda ko." Banat ni Jena sa akin na hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala. Bigla siyang natawa na hindi ko alam ang dahilan. Ano ako instant clown niya?
"Tsk. Feeler. Sinong nagsabing maganda ka?"
"Nanay ko bakit? Kontra ka?"
"Sus, syempre nanay mo yun eh. Di mo halata di ka maganda? Wala nanliligaw sayo oh." Actually madami manliligaw yan. Nasusupla lang niya lagi. Ewan ko ba.
"Para namang nakakabusog mga yun. Hmmm sa bagay kapag idedate nila ako diba?"
"Baliw ka talaga noh?" Ngumiti lang siya sa akin. Maya maya bumanat na nga sa videoke.
Tumingin sa aking mata
Magtapat ng nadarama
Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Sa'yo lang ang puso ko
Tumingin siya sa akin na para bang ako yung pinagsasabihan eh. Langya naman oh. Ganun siya habang kumakanta. Sa akin ba talagasiya nakatingin? Tinignan ko naman ang mga kasama namin pero busy sila sa pag-inum. Parang hindi naman nila napapansin ang nangyayari.
"Oy, Neil kaw naman kumanta. Birthday mo eh." Sabi ni Mikel.
"Sagutin mo yung kanta ni Jena ha." Natatawang sabi naman ni Amber.
"Dapat makabagbag damdamin ha." Banat din ni Nordan. Yung iba naman natatawa lang. Tinignan ko si Jena. Seryoso lang nakatingin sa akin.
Wala akong nagawa kundi kantahin yung alam kong babagay para sa nararamdaman ko sa kanya. Ngumiti siya ng magumpisa ang kanta. Sana makuha niya gusto kong iparating. Hayyy.
Dahil simple lang ang pangarap ko
Mahalin ng katulad mo
Sana ay mapansin ko
Dahol simple lang ang pangarap ko
Magkng ikaw at ako
Ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo
Tumingin ako sa kanya. Sa monitor lang ng videoke siya nakatingin pero nakangiti. Napapangiti ako. Parang may aminang magaganap mamaya ah. Nakita ko siyang nagpindot ulit. At napangiti ako lalo sa title ng kanta na napili niya.
All about us by Aaron Carter.
Binigay ko sa kanya ang mic after ko kumanta. At nagpindot din ako ng kanta na pwede kong isagot sa kanta niya. Hindi ko alam kung assuming ako na ako yung pinapatamaan niya. Pero siguro sa ngayon, yun muna ang paniniwalaan ko.
All of Me by John Legend ang pinindot ko. Nakita ko siyang ngumiti. Nagtuloy lang ang palitan namin ng mga kanta. Wala namang angal ang mga kasama namin.
Sinundan niya ng Baby It's You ni Jojo yung kanta ko na sinagot ko naman ng Anghel sa Lupa ng Stonefree.
Maya maya, narinig ko na lang na nagatawanan ang mga kasama namin habang naghahanap ako ng kanta na isasagot sa Beautiful Soul na kinakanta niya.
"Anong tinatawanan niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Kayong dalawa." Sagot ni Jan.
"Dinadaan niyo pa kasi sa Videoke eh pwede namang mag-aminan ng deretso. Ang kokorni pa ng mga kanta niyo." Sabi ni Nordan.
Tinignan ko si Jena na tumigil sa pagkanta ag namumula.
"Halata naman kayong dalawa eh." Kinuha ni Amber ang songbook at nagpindot sa videoke. "Ayan, magduet na lang kayo! Pagkatapos nitong kantang to sana naman magkaaminan na kayong dalawa. Ang tagal niyo ng may gusto sa isa't isa eh."
"Amber!" Sigaw ni Jena na kinatawa naman ng mga kasama namin.
Napapangiti lang ako sa rekasyon ni Jena. Confirmation na lang ang kulang. Nagumpisa na ang kanta. YOU ARE THE ONE by TONI GONZAGA AND SAM MILBY.
Napapatingin tingin ako sa kanya at nahuhuli ko din syang tumitingin. Nangingiti lang kaming dalawa sa pangangantyaw ng mga kasama namin.
"Nagutom ako dun ahh." Sabi ji Jena ng matapos ang kanta. Tapos naglakad papuna ulit sa buffet table.
"Iwas pusoy ka lang Jena!" Kantyaw ni Mikel na di pinansin ni Jena.
Sinundan ko naman siya sa table at nagkukunwaring kumuha din ng pagkain.
"Kelan pa?" Tanong ko sa kanya.
"K-kelan pa ang a-alin?" Namumula niyang tanong sa akin.
"Kelan mo pa ako gusto?"
"A-ano? Hahaha. Oy Neil ahh kapal mo. Baka ikaw na ang may matagal ng gusto sa akin? Hahahaha."
"From the first time i saw you, i already had a crush on you. Lumalim lang nararamdaman ko sayo nung nakakasama na kita at nakilala ng lubusan." Deretso kong sabi sa kanya. Nakatingin ako sa maaganda niyang mga mata na bumabagay sa namumula niyang mukha ngayon.
"N-neil anong s-sinasabi mo?"
"Isn't obvious? I like you. Do you like me too?"
Napatanga siya sa narinig niya mula sa akin. Maglalakas loob na talaga ako. Kesa naman mahuli pa lahat diba?
"Y-yes?" Natawa ako sa reaction niya. Pulang pula na kasi siya ngayon habang nakaharap sa akin na nakangiti.
"Bakit patanong?"
Palo ang sinagot niya sa akin. "Oo na, gusto na kita."
"Napililitan?"
"Ay ang kulit!" Naiinis na niyang sabi at umirap. "I like you too."
Natuwa ako dun. Sa wakas, nakuha ko din ang confirmation na hinahangad ko. "So tayo na?"
"Feeling! Manligaw ka naman na muna! Gusto ko din naman maranasan ang panunuyo ng isang Neil Eguita no. Galante ka ba?"
Natawa na lang ako. May topak talaga to eh. At isa yun siguro sa charm niya.
"Magiging galante ako para sa iyo kahit na alam mong kuripot ako."
---------------------------------------------
Okay ba? :)
BINABASA MO ANG
VIDEOKE
HumorGusto mo siya, gusto ka niya. Magkakaaminan na nga lang, idadaan pa sa pagkanta. Wasak na videoke, sana kayo ay maging okay! ------------------