"TIIISSSSAAAAYYYY!!!!!" Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ng marinig kong ang Malakas na sigaw ng Nanay ko..
'Anak ng- Ano na naman ba?.'
sinipat ko ang wall clock na naksabit sa ding ding ng kwarto ko. Putcha alas siete palang ng umaga ah...
"TIIISSSAAAYYY!!! ANO BA TANGHALI NAAAA!!!!" Tanghali??. Tanghali.. alas siete palang nang umaga. napaka-OA naman...
"TISAY ANO BA!!--"
"OPO PABABA NA PO!!!" Inis din na sigaw ko.
'Letche naman oh!!! . ang Aga aga pa eh.'
Pupungas pungas akong bumangon at lumabas ng Kwarto. Pagbaba ko ay dumiretcho agad ako sa kusina. hinawi ko ang kurtina na nakaharang sa may gawi ko.
"Mats naman.. ang Aga-aga pa eh." reklamo ko agad ng mabungadan ko sila sa hapag kainan na kumpleto. naguumpisa na silang kumain.
Pumunta muna ako sa lababo para mag-hilamos at mag-mumog. Ng matapos ay sumalo na din ako sa kanila. Hinugot ko ang bakanteng upuan at umupo doon.
"Anong tanghali?. Hoy Tricia. Baka nakakalimutan mong may Audition ka pa hmm. at yung ipi-pick up mo pa palang order ko kay Aling simang wag mong kalimutan.." litanya nya habang inilalapag ang sunny side-up na itlog sa mesa.
"Nay naman. ba't hindi nalang si kuya Anthon yung kumuha nun? Ipapa-audition mo nanaman pala ako tapus ipabibilad mo ako sa araw." inis na sabi ko. binalingan naman ng tingin ni Ermats ang bintana nakita ko na naguumpisa ng magpasikat si haring araw.
muli naman nya akong nilingon "Aba.. sa basketball okay lang na mabilad ka?. sa pag-pick up ng inorder ko na para naman sayo ayaw mo?." Sarkastikong aniya. napasimangot naman ako. nakaka-tamad naman kasi eh. ang init init tapus may kalayuan pa yung kila Aling Simang
"E kasi naman nay eh, si kuya Anthon nalang po kasi." Reklamo ko.
"Hindi." tanggi nya
"Si Kuya Andrea nalang."
"Hindi nga pwede, Tricia wag ka ng makulit."
"E bakit?!." nagpapa-padyak na ako sa ilalim ng mesa.
tinatamad kasi akong lumabas. parang mas gusto ko na matulog nalang muna ng matulog. Sobrang inaantok Pa'ko eh. "E si kuya Jhonatan nalang, si Kuya Miggie?. bakit kaylangang ako pa?." Nakabusangot na reklamo ko."Tricia Hah!!. pag sinabi kong ikaw, Ikaw dapat."
"Eh bakit nga?!!"
"Dahil hindi kasing laki ng dib-dib mo yang mga dib-dib ng kuya mo?! ano okay na" Inis na sabi nya. Napa-nga nga naman ako sa sinabi nya. Napahiya ako, Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
mas lalo naman akong namula ng marinig ko ang malakas na hagalpakan ng mga kuya ko.
"Ang kulit mo kasi eh. sinabi ko ng wag ka ng makulit. Gustong gusto mo pa talagang napapahiya ka."
Inis ko namang binalingan ng tingin ang mga kapatid kong wala paring tigil sa pag-tawa. Isa isa ko silang sinaam ng tingin. dinuro ko pa silang lahat. pinapatigil sa pagtawa. nanlumo ako ng lalo pa silang tumawa ng malakas. amputcha dinliaan pa ako.
"Wow bakit Mats?. lumalaki na ba ang dib-dib ng bunso hahaha" pang-aasar ni Kuya Miggie
"Naks, naman may dalaga na talaga tayo.." gatong pa ni kuya Jhonathan.
"Dalagang maton kamo, hahaha." sumali na din si Kuya Anthon sa pang-aasar sa akin
"May dalaga bang malakas pa sa binata Manapak?." Si Kuya Andrea.
BINABASA MO ANG
Boyish Series #1 Hate Or Love
Teen FictionNaniniwala ka ba sa kasabihang The More You Hate The More You Love?. Ako kasi hindi eh. Putcha. ayaw mo nga sa kanya hindi ba?. kaya imposible na sa para sa akin na magustuhan mo sya. tapus mamahalin mo pa?. Ka-bullshitan na yun. PERO.... ANONG GAGA...