CHAPTER 2

4 0 0
                                    

Walang Reaksyon ang mukha kong nakaharap sa Pesteng Pulis na humuli sa akin kanina..

Kasalukuyan kaming magkaharap rito sa prisinto. Pocker Face akong nakatingin sa mukha nyang may bandaid sa may bandang buto ng ilong. Serves Him rigth!!. Pero mukang ginantihan nya ako kanina. anlaki kasi ng galos ko sa pisngi gawa ng pagdamba nya sa akin dahilan para sumubsob ang mukha ko sa magaspang na parte ng lupa..

Naasar ako nang makita kong Ngumisi sya sa akin. Sinipat nya pa ang kabuuhan ko. "Sayang yang Mukha mo. Makinis ka pa naman, Maputi pa" Mapang-asar na aniya. Tinutukoy ang galos ko sa mukha Nangunot ang mga kilay ko ng dahil sa inis. Ngunit agad ding tumaas ang isa ng may Naiisip akong sabihin. Hindi ako nagpatalo. Ngumisi rin ako ng mapang-asar sa kanya

magka-krus ang mga braso kong inipit sa kili-kili ko ang parehong kamay ko, Prente akong Sumandal sa upuan. "Oo nga eh, Parang ikaw.. Sayang yang Ilong mo, Matangos pa naman." Mapang-asar din na sabi ko..

'King Ina mo ah.. Kala mo pagpapatalo ako. Ulul!!.'

Nagsamaan naman kami ng Tingin. Sya rin naman ang unang Bumawi. Tumikhim sya. Pinagsiklop nya ang parehong kamay at ipinatong ang parehas na siko sa table na nakapagitna sa amin.

"So." Umpisa nya "Miss?." iminuestra nya ang parehas na kamay. Nagtatanong patungkol sa pangalan ko.. Pasiring ko naman syang inalisan ng tingin. Tumingin ako sa baba.

"Tricia Mae D. Matulak" Walang ganang pagsabi ko sa aking pangalan.

"Hmm." Tumatango-tangong himig nya "So Tell me Tricia. Anong ginagawa mo doon sa Sabungan."

"Gaya ng ng sinabi ko kanina.. Napadaan lang ako." Wala pa ring ganang saad ko.

"Napadaan?." Sarkastikong pagulit nya sa sinabi ko. "Napadaan sa ganung klaseng Lugar." Hindi na ata mawawala ang pagiging sarkastiko sa kanyang Himig.

Sarkastiko rin naman akong tumawa "Ser. kung ayaw nyong maniwala, Edi wag." inis na sabi ko. "Basta ako totoo ang mga sinasabi ko, napadaan lang ako Dahil may Kinuha akong order sa Kalapit na bahay, kaya ako napadaan doon.. Okay tapus.... Ngayon Naibigay ko na ang Statement na hinihingi nyo, Pwede na ba akong umalis?."

"Hmm.. Parang hindi naman kapani-paniwala yang statement mo eh.. Anong Order ang Kinuha mo Kung ganun?." Tanong nya muli..

Napahugot ako ng malalim na hininga. Dinilaan ko ang ibabang labi ko ng dahil sa inis.. Bakit ba kasi ang dami nyang tanong..

'Tarantadong to!! at Bakit Kaylangan nya pang malaman'

"It's None of you're Buisness Sir. Masyadong Pribado para malaman nyo pa."

"Pribado nga ba? O baka naman nagpapalusot ka lang?." Napakamot na ako sa kilay ng dahil sa inis.

"Pwede ba!!." Inis na sigaw ko "Sinabi na nga na Hindi ako kasama jan sa mga nagsasabong na yan." Nagkanda-lukot lukot ang mukha ko sa ideyang kasama akong nakikisabong sa mga tao doon kanina. Tiyak na papatayin ako ng Ermats ko Kung sakali. "Atchaka sa itsura kong to mukha ba akong nagsasabong?. HUh?!. Nagiisip ka ba." Maangas na sabi ko

Tinaasan nya lamang ako ng kilay. muli nyang itinukod ang mga siko sa Desk. May itinuro sya kung saan. Sinundan ko naman iyon ng tingin.

Laking gulat ko ng makita ko si Clyde at Ren na parehas na nasa kulungan

'Anak ng-- anong ginagawa nila dyan?!.'

Si Clyde ay nakaupo at nakasandal sa pader habang hawak ang dalawang tuhod. Si Ren naman ay nakatunghay na parang tangang nakatingin sa kawalan. Nakapatong ang parehas nyang siko sa Rehas, Nakasandal din ang noo nya sa mga iyon. Mga mukha silang kawawa. Napa-iling na lamang ako

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boyish Series #1 Hate Or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon