Part I

248 13 9
                                    

Part I

 

West Philippine Sea

7:00 am

Naglalayag ang barkong Gregorio Del Pilar sa tahimik na karagatan ng West Philippine Sea. Sakay ng barko ang mga supplies at isangdaang sundalo na magbabantay sa mga islang inaagaw ng Tsina. May mga sudalo na nagbabantay sa mga nasabing isla pero nagpadala pa rin ang pangulo para sa karagdagang seguridad. Lalo na ngayon kung saan umiinit ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.

Nakasakay din sa barko ang tatlong reporter galing sa tatlong malalaking istastyon ng Pilipinas. Nandito sila para sa exclusive coverage na pagbisita sa base militar ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang isla. Isa sa mga maswerteng reporter ay si Atong Arroyo. Matagal na niyang hinihiling ang break na ito at kagabi ito’y natupad. Tinawagan siya ng kanyang boss para sabihin na siya ang napili na magcover sa isa sa malaking balita ng taon. Hindi alam ni Atong na no choice ang kanyang boss dahil busy lahat ng reporter at siya lang ang available.

“Ito si Atong Arroyo nag-uulat ng live dito sa loob ng Gregorio Del Pilar, West Philippine Sea.”

“And…cut,” sabi ni Danny ang kanyang cameraman.

Kakatapos lang nilang mag-live report sa isang morning show. Medyo kinabahan doon si Atong kasi kahit dalawang taon na siyang reporter minsan lang siyang magreport ng live.

“Mukhang nakaraos ka doon Atong,” sabi ni Danny habang inaayos ang camera.

“Ayos naman ba yung signal? Hindi ba delay?” tanong ni Atong.

“Crystal clear kang napanood sa Pilipinas,” sagot ng cameraman. “Ewan ko lang sa iba diyan.”

Pasimple silang tumingin sa dalawang reporter galing sa ibang istasyon. Sa totoo lang ay parehong mga baguhan rin ang mga kasama ni Atong na reporter galing sa ibang istasyon kaya sa tingin niya ay mas nakakahigit siya kung experience ang pagbabasehan.

“Teka lang parang bumabagal tayo,” sabi ni Atong nang maramdaman niyang bumabagal ang andar ng barko.

“Tama ka, ano kayang meron?” tanong ni Danny.

Sabay silang tumingin sa bintana. Nakita nila ang isang barko na tumigil sa tabi nila. Isang merchant ship ang barko pero hindi sila tiyak kung saan ito galing dahil wala sila nakitang watawat.

May nagsalita sa merchant ship kung saan lenggwaheng ingles ang ginamit. Humihingi sila ng tulong dahil nasira ang makina ng kanilang barko. Pumayag naman ang Gregorio Del Pilar na tulungan sila. Isang tulay ang nilagay para pagdugtunign ang dalawang barko. Humiling din ang kapitan ng merchant ship kung pwede ilipat ang may sakit nilang crew para magamot. Pumayag ulit ang kapitan ng Gregorio Del Pilar.

Nakahiga sa stretcher ang may sakit na crew. Inalalayan ito ng ilang Pilipinong sundalo papunta sa medical ward pero hindi nila alam may dala itong bomba. Malapit na sila sa medical ward na sumabog ang bomba. Nanginig ang buong barko at natumba ang ilang sundalo.

Teritorial ConspiracyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon