I regret
One-shot story
"Cedric, hoy! Ano bang ginagawa mo diyan?" sigaw sa akin ni Alexandra.
"Ha? Wala-wala. Sige, mauna na kayo sa loob!"
"Hoy dalhin ko na 'tong bag mo ha! Bahala ka diyan!" baling sa akin ni Michael.
"Halika na nga Michael, hinihintay ata nan si Joana." sabay ngiti sa akin ni Julie.
Nga pala, ako si Cedric. Sila nga pala ang tropa ko. Reunion kasi ng highschool friends namin ngayon. Nasa resort kame sa laguna. Malapit lang din naman sa mga bahay namin. Kakarating lang namen dito. Malaki naman 'tong resort, pwede na din. Gusto ko na ngang mamasyal eh.
Pero may inaantay ako at excited ako ngayon dahil makikita ko na ulit siya..
Si Joana, siya ang bestfriend ko... at ang first love ko.
Pero hanggang ngayon, hanggang tingin pa rin ako sa kanya. Kase, natatakot akong sabihin sa kanya. Kasi baka pag sinabi ko sakanya, iwasan na niya ako. Natatakot rin akong mabasted. Natatakot akong masaktan. For short -- duwag ako pagdating sa kanya.
Nung first year highschool naging crush ko na siya hanggang ngayong nakapagtapos na kami ng pag-aaral. Grabe noh. Natiis ko yun? Kaya nga ng maging bestfriend ko naman siya, mas lalo akong na-inlove sa kanya. Grabeng pananahimik yung ginawa ko lalo na nung highschool kame.
Pero ngayon, gusto ko ng sabihin sa kanya. Pero may takot pa din eh.
Kahit nung college kami, magkaiba na kami ng school. Pero kahit ganon tumetyempo ako na makita at makasama siya. Okay lang, malapit lang naman bahay namin sa kanila. Nung mga panahon na yun hindi naman maiiwasan yung mga nanliligaw sa kanya, isang beses nga nagkaboyfriend pa siya! Grabeng sakit naidulot sa akin nun. Pero nagbreak din sila, di ko alam kung matutuwa, magagalit o maawa ba ko sa harap niya.
*Beep beep!
May isang sasakyan na pumarada sa harap, bumaba ang isang babae. Bigla naman akong napangiti sa nakita ko.
"Bye daddy! Text na lang kita. I love you!" sabi niya dun sa nagda-drive.
Hinatid pa pala siya ng daddy niya. Haha. Baby na baby talaga sa kanila eh. Sana maging baby din kita. Makikita mo, pagsisilbihan kita araw-araw. Hahaha.
"Best!!!" sigaw niya habang natakbo. Ang ganda talaga niya, shit! "Hoy best! I miss you!" yinakap niya ako.
"Hahaha. Parang namang last week lang hindi tayo nagkita." kinurot ko ang ilong niya.
"Eh kahit na! Ayaw mo nun? Miss na kita agad! Bahala ka, malay mo isang araw di na kita ma-miss. Ako naman ma-mimiss mo! Sige ka!" sabi niya sabay labas ng dila sa akin.
"Haha. Osige na nga. Oh pa-hug na nga po."
"Wee!" sigaw niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"Ikaw ha, hinintay mo talaga ako!" tinusok-tusok pa niya ang tagiliran ko habang nakangiti ng nang-aasar.
"Gusto mo iwan kita?"
"Ee, wag. Subukan mo lang! Mabigat 'tong dala ko oh!" *pout*
Shit Joana, bakit ka ba ganyan? Mas lalo mo kong pinapabaliw sayo! Pero syempre bilang lalaki, hindi mo ipapahalata yun.
