Chapter 01

53 6 0
                                    

Chapter 01

"Celine!!! Celine !!! Asan ka bang bata ka?" Sigaw ni Nay Nelia sa batang si Celine na panay hagikgik.

"Celine anak halika ka at hinahanap na tayo ng Mommy mo!" Tawag parin ng matanda sa alaga nitong subrang kulit.

Kanina pa ito naglalaro mag-isa sa ikatlong palapag ng bahay kung saan naroon ang lahat ng mga lumang gamit ng pamilyang Tagulalap.

At ang batang Celine ay palaging nagpupunta sa bahagi ng bahay kung saan wala masyadong nagpupupunta kundi mga kasambahay ng bahay na naghahatid ng mga lumang gamit o mga sira na mga muwebles

Ang hindi malaman ng iba ay kung bakit palaging nagkakampo ang nagiisang anak ng pamilya Tagulalap at tila pa palagi itong masaya kapag naroroon, at ngayong araw ay naisipan nito na maglaro ng taguan.

Kaya lang ay kanina pa ito hinahanap ng tagapangalaga dito ng batang Celine at tila nawili ito kakatago  at ayaw magpakita.

"Celine!! Halika ka na sabi ng Mommy mo!"

"Nay!! Hanapin mo muna ako.." magiliw na sigaw ng batang Celine bago sinundan ng paghagikgik nito.

"Nakung bata ka!! Kukurutin kita sa singit kapag hindi ka pa nagpakita!" Banta ng matanda pero hindi parin siya pinakinggan.

"Nay! Nay hanapin mo ako!!" Sigaw parin ng batang Celine habang panay atras sa mga tambak na gamit. Nakalagay sa nakatambak na muwebles ang lumang kwentas na may hugis puso ang  nakatago sa isang lumang kahon.

"Nay!! Hanapin mo na ako nay!" Panay atras parin ng batang Celine hanggang sa nabunggo ng likod nito ang isang karton na kinalalagyan nito.

Bumagsak ito sa likod ng bata. "Ayy nahulog?"

Pinulot nito ang karton at binuksan." Ano kaya ito?" Puno ng kuryosidad ang bata habang binubuksan ang maliit na karton, at duon nga sa luob ng karton ay nakita niya ang kahon na tila nalipasan na ng panahon pero buo parin ito.

"Wow naman ang ganda..." Bulong ng batang Celine ng makita ang laman ng kahon. "Kanina kaya ito? Ang ganda naman parang kulay dagat ang laman ng bato nito.." puno ng paghanga ang bata habang tinitignan ang kwentas.

"Ipapakita ko ito kay Mommy.." nakangiti ang bata habang tuwang-tuwa

Pero hindi pa man tuluyang nakatayo si Celine sa kaniyang pinagtataguan ay bigla na lang umilaw ang kwentas. Nagtataka naman ang batang Celine sa hawak na kwentas kaya pinakatitigan niya ito, ang hindi nito alam ay unti-unti siyang dinadala ng kwentas sa ibang lugar.

Nagbukas ang lagusan sa Zeller dahil sa kwentas pero dahil walang kamuwang-muwang si Celine ay hindi niya ito napansin.

Ang kaninang pinagtataguan nito na tambak na gamit ay biglang nawala, ang mga gamit na nakakalat ay napalitan ng mga bato at mga bulaklak sa paligid.

"Hala! Asan ako?" Tanong ng batang Celine. Inilibot nito ang paningin at nakita niya ang pag-iba ng paligid. Wala na siya sa tambakan kundi nasa isang silid na ang pader ay gawa sa putik. Ang mga bulaklak ay malusog na nabubuhay na tila ba araw-araw nadidiligan. Ang mga bato na napaligid ay tila gawa pa ng sinaunang tao.

Namamangha si Celine sa nakikita kaya nagpaikot-ikot siya, maligalig niyang pinagmamasdan ang mga bulaklak na dinadapuan ng mga paru-paru.

Tuwang-tuwa ito ng magsiliparan ang mga paru-paru. Hinabol niya pa ito habang tawa ng tawa.

"Hmp! Anu ba yan wala akong nahuli kahit isa!" Maktol ni Celine habang nakasimangot. Nagdadabog itong tinalikuran ang mga bulaklak. Hindi na nito pinansin ang mga nadadaanan panay lang ang dabod nito hanggang sa makita dito mula sa kaniyang harapan ang parang higaan na bato.

Nagmadali niya itong nilapitan dahil sa akala niya ay pwede nitong pagpahingahan ngunit mali ang akala nito dahil sa isang taong ang nakahiga sa malapad na bato.

Sa paligid nito ay puros mga bulaklak, nakaayos pa ito ayon sa kulay nito. Napapalibutan ng mga bulaklak ang lalaki.

Sino ka?" Inosenteng hinaplos ng batang Celine ang mukha ng binata ngunit agad na napalis niya ang kamay dahil sa lamig ng pisnge nito.

'ang lamig niya...' bulong ng bata sa kaniyang isip.

"Saan ba ang lugar na ito? Paano ako napunta dito?" Tanong ni Celine pero wala siyang sagot na natanggap tanging ang malamig na katawan lang ng lalaki na siyang  itinakdang hari pala.

Muling pinaka titigan ni Celine ang lalaking nakahimlay sa tila nagyeyelong kinahihigaan nito. " Ang gwapo naman niya. Sana paglaki ko ay makita ko siya muli at pakasalan ako."

Maligalig na bulong ni Celine habang manghang-mangha sa taglay na kakisigan ng binata.

Pagkatapos na lumabas ang mga katagang iyon sa labi ni Celine ay biglang nagliwanag ang katawan ng binata.

"Hala! Anong nangyayari?" Takang tanong ni Celine.   "Wow parang magic...magic! Wow my fairy!" Bulalas nito ng masilayan ang paglitaw ng isang diwata.


"Ikaw na siyang may dugong bughaw ay ang gigising sa haring isinumpa... Isang mabangis na nilalang para sa malinis na babae na gigising sa bampirang nahihimlay-- sa iyong pagbabalik sa iyong mundo ay dadanasin mo ang mga bagay na makakasakit sayo subalit sa oras na ikaw ay handa na ay babalik ka sa mundong ito para sa hari..."

Hindi na natapos ng diwata ang pagbasa niya sa propesiya dahil sa biglang nanghina ang batang babae nawawalan ito ng lakas dahil na rin sa paglapat ng tanda sa kaniyang likod.

"A..aaahhh! A--aray!"

Hindi nakaya ng batang babae ang hapdi sa kaniyang likod dahilan para mawalan ito ng malay. Sa kaniyang pagpikit ng mata ay nagbukas ang lagusan-- lagusan kung saan hinihigop nito ang maliit na katawan ng batang Celine

Tuluyang nahigop si Celine,ang lagusan naman ay tuluyang nagsara. Habang ang diwata ay lumapit sa itinakdang hari.

Tulad ng nangyari sa bata ay nagkaroon din ng palatandaan ang itinakdang hari, tanda na makikita ng lahat sa oras na magkamalay ito-- Tanda kung saan magiging patunay na pag-aari nila ang isat-isa.

.....Magigising ka sa iyong pagkakahimlay ngunit magdudusa ang babaeng pag-aari ng iyong puso. Kapalit ng paglaya mo sa sumpa ay paghihirap ng batang iyon habang lumalaki...

Tuluyang nilisan ng diwata ang kinahihimlayan ng itinakdang hari ngunit isang pang kataga ang binigkas nito.

"At ang pagdudusa na dadanasin ng batang iyon ay magsisimula sa oras na imulat nito ang kaniyang mga mata..."

The Fire King's Love (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon