Chapter 02

33 6 1
                                    

Chapter 02

Nagkakagulo ang mga tao, panay takbuhan nila para makahingi ng tulong. Habang ang isang bahay ay tinutupok ng apoy,buong bahay ay natupok na ng apoy kasama ng mga nakatira dito walang nakalabas kahit ung isa.

Kung may nakaligtas man sa nangyayaring pagkasunog ng bahay ay ang mga tanong hindi sa mismong bahay naninirahan.r

Natataranta na ang kalapit bahay ng natutupok na bahay. Lahat ay sumisigaw ng 'tulong' mayroon ding naghahakot ng tubig para tumulong sa pagaapula ng aboy.

Mahigit tatlong oras ng natutupok ang bahay ngunit hindi apula kahit pa nagsidatingan na ang mga bumbero ay nahihirapan parin sa pagaapula ng apoy.

Samantala naman ay hindi kalayuan sa bahay na nasusunog ay nakahiga ang batang si Celine sa damuhan, hindi masyadong kita ang kinalalagyan niya kaya walang nakakapansin na andun siya.

Dahil sa ingay na hatid ng pagkakataranta ay nagising ang diwa ni Celine, unti-unti itong nagmulat ng mata. Nagtaka pa ito kung bakit siya naruruon sa damuhan na nakahiga.

Tumayo ito at lumabas dahil nakakarinig ito ng ingay mula sa mga tao. Wala sa sarili itong lumapit sa mga taong nagtatakbuhan, busy na busy sila sa pag aapula ng apoy. Habang si Celine ay nagtataka dahil sa pagkatataranta ng mga kapit bahay nila.

Pinagmasdan ni Celine ang bahay na kinakain ng apoy at duon niya napagtanto na kanila ang bahay na ito.

Takot ang lumukob sa batang Celine. Agad itong tumakbo sa bahay nila ngunit may pumigil sa kaniya sa paglapit. Pilit itong nagpupupumiglas ngunit dahil sa bata pa ito ay wala itong kaya. Tanging nagagawa lang nito ay tumangis dahil sa nangyari sa bahay nila.

"Mommy!!!! Mommy!! Bitiw!!bitiw Sabi!!"  Nagwawala na ito at pilit parin na kumakawala

"Mommy ko!!! M...mommy!!" iyak ito ng iyak habang nakatunghay sa bahay nila.

'kawawa yung bata ito lang ang nakaligtas..'

'oo nga paano na kaya ito?'

'nakakahabag ang pangyayaring 'to ka'y bata pa't agad ng binawian ng magulang..'

Lumipas pa ang oras bago tuluyang naapula ang apoy. Wala parin tigil sa pag iyak si Celine habang nakasubsub sa taong buhat siya, ito rin ang pumigil sa kaniya kanina ng tangkain nitong lumapit sa bahay nila.

"Ang mommy ko ...mom--hik--mmy! ko.." sisinuk sinok ang batang Celine habang tawag ang mommy nito.

Sa murang edad nito ay naintindihan niya ang mga naging bulungan ng mga tao tungkol sa mommy nito. Wala na ang mommy nito pati ang nanay Nelia niya.

"Wala na mommy ko..w--wala na sila Nanay Nelia ko.." mahinang bulong nito.

Walang naiwan sa bahay dahil sa tuluyan itong kinain ng apoy habang wala rin nakaligtas sa mga kasambahay, guard at ang mommy ni Celine pati ang yaya nito na si Nelia.

Walang ibang naiwan kundi ang batang Celine na pagod na pagod sa kakaiyak at pagwawala nito.

Buhat-buhat ito ng isang lalaki na siyang pumigil sa kaniya. Nakatulog na si Celine sa bisig ng lalaki dahil sa pagod. Wala na itong naramdaman ng makatulog ito.

Nagmulat na lang ito ng mata na nasa isang malaking kama ito nakahiga. Inilibot nito ang paningin sa kwarto at kita nito na hindi pamilyar sa kaniya ang kwarto na ito.

Hanggang sa muling bumalik sa isip niya ang nangyari bago ito nakatulog. Tuloy-tuloy ang paghagibis pababa ng luha nito.

Tahimik itong umiiyak habang nakayuko. Kipkip ang bedsheets para hindi umalpas ang iyak niya.

The Fire King's Love (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon