015. narration

119 5 11
                                    


CHOI BEOMGYU

guLaT kayO 'nO? akALa niy0 pOv nG pATo konG piNsAn. naGkakAmaLi pO kayooooOoooOoo

jOkE, ito na.

Kasalukuyan akong nakatambay dito sa may hagdanan habang pinakikinggan 'yong kanta ng SB19 na Tilaluha. Kunyari nag-e-emote ako, walang basagan ng trip.

"Bakit nga ba? Bakit nga ba? Bakit nga ba mahal kitaaa?" Pagsabay ko sa kanta. "Kung sa puso mo ay mayroon ng ibaaaa~"

Napatigil ako sa pagkanta at tinanggal ang suot kong earphones nang maramdaman kong may kung sinong humampas sa 'kin.

Pag-angat ko ng tingin bumungad sa akin ang patong pagmumukha ng pinsan kong si Choi Yena.

"Problema mo?" Iritado kong tanong sa kanya.

"Ingay mo gago."

"Inggit ka lang kasi panget boses mo." Irap ko sa kanya.

Akmang ihahampas ulit niya sa 'kin 'yong hawak niyang bottled water na wala ng laman ngunit may dumaan na teacher kaya umayos siya ng tayo ay kunyari may ibang ginagawa.

I stuck my tongue out to annoy her. Inirapan niya lang ako. Ediwow.

Magsasalita sana ako nang dumaan sa gilid ko si Yuha. Ah, so baka si Yuha 'yong rason kung bakit umirap si Yena at hindi ako... theory lang naman.

Ang mas nakakagulat ay nang kausapin ni Yuha si Yena. "Yena, are you ready for the debate? I hope you're prepared to lose."

Hindi sumagot si Yena at nanatiling seryosong nakatingin kay Yuha. They're exchanging deadly glares. Kung cartoons lang kami baka may parang lightning na sa kanilang mga mata ngayon.

Ibinaling ni Yuha ang tingin sa 'kin. "Oh, hi there Beomgyu. Nice to see you again, cousin."

I awkwardly smiled. Cousin my ass, eww. Mas tanggap ko pang pinsan si Yena kahit pato siya.

"See you guys around." Sabi niya saka umalis.

"Oh, saan ka pupunta?" Tanong ko kay Yena nang paalis na siya.

"Rooftop." Tipid niyang sagot habang tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Isinalpak ko na lang ulit ang earphones ko sa aking tainga at ipinagpatuloy ang pinapakinggan kong kanta.

"Unti-unting lunurin ang aking nadarama~ oh buhos ng ulan 'wag nang tumila paaaa~" huwag kayo, naabot ko 'yong mga high notes.

"Beomgyu!" Napalingon ako kung saan ko narinig ang boses na tumatawag sa pangalan ko.

Ah, si Mina noona lang pala. "Alam mo ba kung nasaan si Yena?"

"Nagtungo ata sa rooftop." Sagot ko sabay turo sa itaas.

"Oh, okay. Thank you." Ngiti niya bago umalis.

Mabuti pa si Mina noona nagt-thank you. Si Yena biglang nawawala 'yong thank you sa vocabulary niya kapag ako na 'yong kausap.

Napa-unat muna ako bago tumayo at nagtungo sa may locker area para kunin ang ilang mga gamit ko dahil malapit nang magsimula ang susunod kong klase.

Bubuksan ko na sana ang locker ko nang bigla itong isinarado ni Yeonjun na pawis na pawis tapos hinihingal pa na akala mo galing sa isang marathon.

"W-Where's Yena?"

"Sa rooftop, kasama yata si Mina noona. Bakit?" Bigla akong kinutuban.

Inilabas ni Yeonjun ang cellphone niya at may ipinakita sa akin na naging dahilan upang mabitawan ko ang hawak kong notebook.



-

stan talent. stan sb19. aaand thank you guys for your encouraging words :')

pls don't forget to leave a vote and a commeny below. thank you!~

Square Up.Where stories live. Discover now