Ipinapakilala ka na niya kahit saan at kahit kanino

8 0 0
                                    

Ito na yata ang pinaka nakakakilig na sign na forever mo na ang karelasyon mo ngayon, kapag ipinakikilala ka nya kahit kanino ibig sabihin, proud syang kasama ka, nakaka guwapo o nakakaganda o kaya nakakatngkad...


Kung mare realize mo mahirap ang isusugal ng karelasyon mo dito, kasi alam nyang malalagay ka sa malaking magnifying lense ang kangyang karelasyon at alam nyang hindi lahat papayag o magbibigay ng go signal sa relasyon nyo o kaya magbibigay ng approval ang pamilya o kaya mga kaibigan nya...


Pero pinili nya na malagay sa isang sitwasyon na hindi sya sigurado kung makakakuha nga ng approval rating ang aksyon na ito, lahat isusugal nya dahil nga, forever ka nya...


Sa mga hindi masyadong boto sa 'yo, may pagtatanggol na mangyayari dito dahil nga ang tingin nya sa relasyon nyo ay ito na yun, ito na ang gusto nyang tumagal at humantong ito sa forever...


Kung pamilya ang paguusapan, baka medyo mabait pa o malumanay ang mga tanong na makukuha nya, pero kung sa mismong barkada nya o mga kaibigan nya, mas matindi ang asaran dyan, mas matindi ang alaskahan dyan, at sa mga pagkakaibigan na ganyan, medyo malalim na ang samahan ng mga yan at siguradong sasabihin sa kanya kung ayaw nila sa 'yo o gusto ka nila para sa kaibigan nila...


At eto pa, hindi maiksing oras ang alaskahan o asaran dyan dahil mahaba habang asaran ang makukuha nya sa mga yan, at yan lahat kaya nyang tiisin para lang sa pagmamahal nya sa iyo...


Kung iisipin mo kung ilan ang walang approval dyan, yan ding ilan na yan o ilang beses na yan ang gagawin nyang pagpapaliwanag ang gagawin nya, at lahat ng ito ay ok sa kanya, basta maipakita nya lang sa 'yo na wala syang hindi kayang harapin at marinig para lang sa pagmamahal nya sa 'yo...


Sa pangyayaring ito, ang galawang ito ay may malaking gustong sabihin, parang may malaking dclaration na ginawa, parang ikaw na, ikaw na ang "the one", sa aming mga lalaki big deal ang pagpapakilala ng isang ka relasyon sa aning mga pamilya, sa aming mga kaibigan o barkada, ganun din naman sa mga babae...


Kaya kung ikaw ay nasa ganitong sitwasyon o kaya pinagdaanan mo na ito, dapat may dagdag na tiwala ka na na ibinigay sa karelasyon mo dahil nga ipinagsisigawan na nya sa mundo ang namamagitan sa inyo at parang sinasabi na nya sa buong mundo na wala ng puwang ang iba para pumasok sa puso nya o buhay nya...


Ah basta, maging masaya na lang at maging excited na lang sa mga susunod na kabanata....


Kapag ganitong level na ang iyong relasyon sa kanya, hindi rin ito dahilan para ikaw maging mas mataas da kanya, ipagmalaki pero manatiling humble pa rin para sa kanya, at higit sa lahat ganito na rin ang turing mo sa kanya at ipakilala o I-declare mo rin sa mundo na sya rin ay mahal mo...


Ephesians 4:2: "be completely humble and gentle; be patient, bearing with one another in love."

ANG SENYALES NA FOREVER MO NA SIYAWhere stories live. Discover now