Nakatingin parin ako sa lalaking nakaupo sa driver seat, p- paanong?
"Seriously? First you're a waiter second a bartender and now a taxi driver? Tell me are you a hardworking man or my stalker? Just tell me nalang if you have a little crush on me" kampante ko pang sabi sa kaniya pero tinawanan lang niya ako, anong nakakatawa duon?
"Unang una nagtratrabaho ako para may makain" natatawang sagot nito sa akin at nakikita ko duon ang dimple niya pag tumatawa I found it cute
What? He's not cute
"Tsaka pangalawa hindi ko type ang kagaya mo para I stalk ko ang baho mo kaya" what he said? Ako mabaho? Pakyu ba siya? Ako mabaho?
"Hoy anong sabi mong lalaki ka?" Bwiset kang kutong lupa bawiin mo ang sinabi mo! Talagang makakapatay ako ng tao ng wala sa oras nento
"Alin sa mga yun? Yung ang baho mo?" Inosenteng sagot pa nito sa akin kaya mas lalong kumukulo ang dugo ko sa kaniya
Dapat pala nag lakad nalang ako! Edi sana wala akong makikilalang kutong lupa ngayon
Hindi ko nalang siya pinansin, bahala siya jan sa buhay niya
"Miss, saan kaba bababa?" Napairap nalang ako sa kawalan, bahala siya jan hindi man lang nag sorry sa akin
Isinandal ko nalang ang ulo ko at pinikit ang mga magaganda kong mga mata, naririnig ko pa ito mag salita pero hindi ko siya pinansin bahala talaga siya jan matutulog nalang ako mas okay pa
"Hoy"
"Hoy babae"
"Gising hindi ka prinsesa"
Sino bang walang utak ang gumigising sa akin? Kitang natutulog yung dyosa tapos gigisingin ampota
"Hoy miss gising hindi kwarto ang sasakyan ko, tsaka wag mong mantyahan ang upuan ng laway mo"
Naimulat ko ang mga mata ko ng marealized kong natulog pala ako sa sasakyan ng kutong lupa
"Mabuti naman at nagising ka pa mahal na prinsesa" sinamaan ko ng tingin ang isang ito at inirapan, nahihilo talaga ako pag nairap ako piste
"Where I am?" Taas kilay kong tanong sa kaniya
Tumingin ako sa bintana ng sasakyan at nakita ko na dito kami nag park sa gilid ng basketball court pero pinapaligiran ng mga building na mag kakatabi parang apartment lang, parang nasa loob lang kami ng mga buildings pero ang creepy tignan
"Nandito ka sa lugar ko, tinatanong kita kanina kung saan ka bababa pero tinulugan mo lang ako" sagot niya bago bumaba sa sasakyan kaya lumabas na din ako
"I don't know where im going, okay?" That was true, I really don't know where im going, gusto ko lang naman gumala eh
"Nag layas kaba? Pero imposible walang mabaho na naglalayas"
I was about to punch him pero naglakad na ito kaya sumunod nalang ako tutal wala rin naman akong mapuntahan
Nakasunod lang ako sa kaniya at nakikita ko ang matipuno niyang likod pag ba hinawakan ko ito matigas? Nag w- work out kaya siya?
"Oh danoy tagay muna" huminto siya ng may tumawag sa kaniya, it's a group of man with a big tummy na naglalasing
"Pass muna ako tatang, baka may hindi ako magandang gawin pag nalasing ako" nagtawanan sila pero wala namang nakakatawa sa sinabi ng kutong lupa na ito
"Sino ba yang kasama mo at ang ganda naman" kahit saan talaga ako pumunta kaagaw pansin ang kagandahan ko, nag flip ako ng hair ko parang sinasabing queen of all goddess ako
YOU ARE READING
Love Is Crime (Petals Series #1)
Teen Fiction"Loving you is a crime" There's a man I love before, but that man is falling in love with my best friend and now that they're married it hurt me a lot But there's a man who entered my world and that man change me, from being warfreak, headache, bein...