CHAPTER 4

9 0 0
                                    

SHENNE'S POV

Nakakainis talaga ang isang yun. Mayabang na nga may kasungitan pa pala, Nakakahiya ang pinag-gagawa nya porket campus hear throb kuno daw sya. 

"Look who's here? The bitch." Natigil ako sa paglalakad ng harangin ako ng apat na babae. "How dare you to flirt him? You're just a weird and ugly girl kaya wala kang karapatang lapitan sya at ang mga kaibigan nya." Mataray na sabi ni Kyla, sya ang Campus Queen. Maganda sya at may katangkaran, makinis at may kaputian.

"Excuse me? I'm not a flirt and I don't flirt him--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nag salita sya ulit.

"Lier. My friends saw with Joshua. Magkasama daw kayo sa labas ng room nyo! Hindi ka ba nahihiya? Madaming nakakakita pero pinapakita mo kung gano ka kalande?" Naramdaman ko ang inis ng sabihin nya sakin ang huling linya.

"What if mali yung Nakita ng mga kaibigan mo? Alam ba nila ang buong nangyare? At para sabihin ko sayo hindi ako malande. Wala akong nilalande at mas lalong wala akong nilande." Nilagpasan ko na sila pero hindi pa ako nakakalayo ng may humawak sa braso ko at hilain ako. 

"How dare you? Hindi pa tayo tapos mag usap." Itinulak ako ng mga kasama ni kyla kaya napasandal ako sa pader sa gilid ko. "Wala kang karapatang talikuran ako." 

Inirapan ko naman sya. Wala din namang sense ang mga pinagsasabi nya kaya para san pa ang pag uusapan namin? Alam ko sa sarili ko na wala akong maling ginawa.

"May halaga ba ang sinasabe mo? Kase kung wala hindi na ako mag aaksaya pa ng oras sayo." Mataray na sabi ko. Nilapitan nya ako. Akmang sasampalin nya ako ng mahawakan ko ang kamay nya. "Wag mong subukang ilapat ang mga palad mo sa pisngi ko, dahil baka hindi mo magustuhan ang magiging ganti ko." Matalas ang tingin ko sa mga mata nya. Itinulak ko ng malakas si kyla kaya natumba sya sa sahig.

"How dare you!" Sigaw ni kyla. Hindi ko na sya pinansin pa, nilagpasan ko na sila at mataray na umali. May ilang estudyanteng nanonood samin.

WALA SILANG KARAPATANG SAKTAN AKO dahil unang una HINDI SILA ANG NAG PAPAARAL SAKIN. Ni minsan ay hindi pa ako nagagawang saktan nila mommy para apihin ng kung sino lang.

***

"ano ka ba Shenne. Hindi ka ba natatakot sa mga binabangga mo?" Galit na sabi sakin ni Renna. Pauwi na kami ngayon at balak nyang sa apartment ko matulog.

"Correction. Hindi ko sila binabangga dahil in the first place sila ang unang gumagawa ng gulo." Kalmadong sabi ko. Tama naman ako diba? Dahil hindi ko sila pinakealaman kahit na iang beses. Sila ang kusang bumabangga sakin.

"Ewan ko sayo Shenne ha? Takaw gulo ka talaga. Hindi na ako magtataka kung reresbakan ka nila." Hindi kase mahilig sa away si Renna. Tama ang sinabi nya, takaw gulo talaga ako dahil simula elementary ay may nakakaaway na ako.

"Renna I can fight. Hindi ako nagpapaapi remember? Ayoko ng naaapi." Nakangiting sagot ko sakanya.  Hindi na sya nag salita ulit hanggang makarating kami sa parking lot. 

Lalapit na sana ako sa sasakyan ko ng biglang lumapit sakin si kyla at ang mga kaibigan nya.

"Well well well." Nakataas ang isang kilay na sabi ni kyla. "Oh Renna you're here too." Ngingisi ngising sabi ng bruhang to.

"Why are you here?" Mataray na tanong ko. Alam kong hindi lang dahil sa sasakyan nila, kse kung tutuusin kanina pa silang nakaalis.

"Para tapusin ang sinimulan naten." She rolled her eyes. Napatingin ako sa kaliwa ko at Nakita ko ang grupo nila Joshua na palapit samin.

Oh no.

"Ikaw lang ang nagsimula." Seryosong sabi ko ng makaharap ako kay Kyla. "In the first place ikaw ang nanggulo."

"Omygod. Is that so? Bakit parang nag pi-feeling inosente ka? Dahil ba nandito si Joshua?" Natigilan ako at sandaling tumingin kay Joshua at sa mga kaibigan nya.

"Anong connect? Pwede ba wag mo kong idamay sa kakitidan ng utak mo." Kung mataray sya, mas mataray ako. Hinawakan ko sa braso si Renna tsaka ko sya hinila papasok sa sasakyan ko. Pero biglang hinila ni kyla ang kabilang braso ni Renna kaya napatigil kami sa paglalakad.

"Aatras ka na lang ba?" Natawa naman ako sa sinabi nya. Puro gulo na lang ba ang gusto nito? Sampolan ko kaya?

"Bakit ako aatras? May laban ba?" Nakangisi ko ding sabi. Hinila pa Lalo ni kyla ang braso ni renna kaya nabitawan ko sya. 

"Ang tapang ah? Is that because nandito ang nilalande mo?" Nagsalita ang isa sa mga kasama ni kyla. Nainis ako sa sinabe nya kaya naman umayos ako ng pagkakatayo at tumingin ng deretso sakanya.

"Let her go Kyla." Malamig at seryosong sabi ko. Nkatayo lang si Joshua sa gilid namin kasama ang mga kaibigan nya. Sabagay, bakit nga ba nya ako tutulungan eh mag kaaway din kami.

"Fine." Itinulak ni Kyla si renna kaya natumba to sa lupa.

Aba! Hindi ko mapapalagpas to.

Nilapitan ko sina kyla at ang mga kaibigan nya. Wala akong pakialam kung apat pa sila. Walang pwedeng manakit sa kaibigan ko.

"Kung may problema ka sakin sabihin mo, wag mong idadamay ang kaibigan ko." Hinila ko sa braso si kyla at madiing hinawakan ang braso nito.

"L-Let me go!" Nilapitan kami ng dalawang kaibigan ni Joshua. Hindi ko sila kilala pero pilit nilang hinihila si kyla palayo saken pero dahil mahigpit ang pagkakahawak ko kay kyla ay hindi ni;a ito magawang mailayo sakin.

"Sa susunod na hawakan nyo pa ang kaibigan ko, sisiguraduhin kong pagsisisihan nyo ang paghawak na ginawa nyo." Nag iwas ng tingin si kyla nang pakatitigan ko sya. Itinulak ko sya sa mga kaibigan ni Joshua. Tinulungan kong tumayo si Renna tsaka ko sa pinapasok sa sasakyan ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko. HInawakan ko pa ang dalawang braso nya dahil baka nagalusan sya.

"Shenne hindi mo naman kailangan gawin pa yun." nakasimangot na sabi ni renna.

"Renna parang hindi mo naman ako kilala." Hindi nya pinansin ang sinasabi ko.

"Madame ka lang makakaaway kung papatulan mo sila." Pinaandaar ko na ang sasakyan ko palayo sa parking lot.

"Papatulan ko lang sila kapag naaagrabyado na tayo." Seryosong sabi ko.

"Hindi lang sila ang kagalit mo ngayon sa school. Pano kung dahil dyan sa away mo ay lalong lumaki ang gulo?" Malamig na sabi ni renna.

"Renna hindi ko naman hahayaang humantong sa ganon--" Hindi nya ako pinatapos sa sasabihin ko. 

"Kaya nga wag mo na silang patulan para tumigil na!" Naptingin ako sa kanya ng magtaas sya ng boses. Nakikita ko ang bahid ng inis at pag aalaala sa mga mata nya.

"Hindi ko maipapangako pero susubukan ko." Sagot ko. ILang sandal lang ay nakadating kami sa apartment ko ng hindi nag iimikan.

Hinayaan ko muna si Renna sa kwarto dahil alam kong pagod din sya tulad ko. Simula bukas ay susubukan ko silang wag pansinin pati ang mga gagawin nila. Ayoko din naman na lalong lumala ang away na to kaya hanggat maarai ay hindi ko na lamang sila papansinin.

Sana bumalik na lang sa dati ang lahat. Yung tahimik ang buhay ko, walang gumugulo at nanggugulo. I want a peaceful life.



----------------

At dahil walang pasok ngayon ay susulitin ko ang mga araw na makakapag sulat ako. Hindi ako nakapag update ng story last week dahil sa sobrang busy sa school activities kaya ngayon ako bumabawi.

~kimichiix





Love In TroubleWhere stories live. Discover now