CHAPTER 5

7 0 0
                                    

JOSHUA'S POV

Saktong uwian na nung Makita ko sa parking lot si kyla kasama ang mga kaibigan nya. Teka sino yung kausap nya? Si...

"Bro si shenne yun diba?" Itinuro ni france sakin ang babaemg nakatayo sa harap ni kyla. Nakilala sya ni France sa dahil sa nagpatulong ako sakanyang hanapin ang babaeng yan. "Mukhang nag aaway sila."  Itinulak ako ni France palapit kina Kyla.

"Awatin mo nga Josh." Tinapik ako ni aemiel sa balikat ko. Saktong papunta din kami dun.

"Kayo na lang, bakit kasama pa ako?" Sinamaan ko sila ng tingin. Lumapit na kami sa kanila dahil mapilit sa France, hinila nya kami ni Aemiel.

Naririnig na naming ang mga boses nila Lalo pa nung nag salita na si Kyla. "Para tapusin ang sinimulan naten." Nakita ko pang tinarayan ni Kyla si Shenne. Napatingin naman si Shenne sa direksyon namin.

I looked at Shenne and to her friend. Kalamado lang ang mukha ni Shenne pero makikita mo ang inis sa mga mata nya.

"Ikaw lang ang nagsimula." Mataray na sabi ni Shenne. "In the first place ikaw ang nanggulo."

May ganitong sides din pala si Shenne. Gusto ko man syang ilayo kay Kyla ay hindi ko ginawa. Tsaka teka bakit ko ba sya tutulungan eh kagalit ko din sya.

"Omygod. Is that so? Bakit parang nag pi-feeling inosente ka? Dahil ba nandito si Joshua?" Naguguluhan naman ako sa sinasabi nya. Wala naman akong kinalaman sa gulo nila.

Ano namang kinalaman ko dyan sa gulo nyo?

"Anong connect? Pwede ba wag mo akong idamay sa kakitidan ng utak mo." Tinarayan ni Shenne si Kyla tsaka nito hinila sa braso ng kaibigan nya. Papasok na sana sila ng sasakyan ng biglang hilain ni Kyla ang braso ng kaibigan ni Shenne kaya natigil sila sa pag lalakad.

"Joshua ano ka ba? Awatin mo nga sila." Matigas na sabi ni France.

"Away ng babae yan. Hindi tayo dapat makialam." Natigil silang dalawa sa sinabi ko. Tumayo na lang din sila sa tabi ko at hindi na kumibo pa.

"Aatras ka na lang ba?" BIglang ngumisi si Shenne sa sinabi ni Kyla. Inirapan nya ang mga ito.

Palaban..

"Bakit ako aatras may laban ba?" Natatawang sabi ni Shenne. Nakikita ko ang inis sa mukha ni Kyla kaya Lalo pa nyang hinila palapit ang braso ng kaibigan ni Shenne. Nabitawan naman ni Shenne ang braso g kaibigan nya.

"Ang tapang ah? Is that because nandito ang nilalande mo?" Tumingin sakin ang dalawang kasama ni kyla ng sabihin ni abby yun.

"Let her go Kyla." Shenne say it coldy . She's so serious now.

"Fine." Kyla pushed Shenne's bestfriend. Nakita ko naman na nag salubong ang dalawang kilay ni Shenne.

"Kung may problema ka saken, sabihin mo. Wag mong idamay ang kaibigan ko." Hinila ni Shenne sa braso si Kyla. Nakita ko ang panggigigil ni Shenne kay Kyla.

"L-Let me go!" Sigaw ni Kyla.

"Awatin nyo sila." Sabi ko kina France at Aemiel. Kahit anong hila naman ng mga kaibigan ko kay Kyla ay hindi nila ito mailayo kay Shenne dahil sa panggigigil ng hawak sa braso ni Kyla.

"Sa usunod na hawakan nyo pa ang kaibigan ko, sisiguraduhin kong pagsisisihan nyo ang pag hawak na ginawa nyo." Shenne say it seriously. Napaiwas naman ng tingin si Kyla. Napalunok din ako sa sinabi nya. Parang anytime na hawakan pa ulit nina Kyla ang kaibigan nya ay gagawin nya talaga ang sinabi nya.

Itinulak ni Shenne si Kyla sa mga kaibigan ko tasaka naman nya tinulungan tumayo ang kaibigan nya. Tumingin pa sya ng masama sakin bago pumasok sa sasakyan nya.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko ng makalapit ako at inalalayan si Kyla.

"Napaka war freak naman pala ng babaeng yun. Then she's flirting you?" Binitawan ko na si Kyla pero hinawakan nya ang braso ko.

"No. She's not war freak. Siguro dahil may unfinished business kayo kaya ganon ang trato sayo." Natigil kami sa paglalakad tsaka sila tumigin sakin ng may nagtatakang tingin.

Teka ano ba tong pinagsasabi ko? Sh*t

Bulong ko sa isip ko.

"Ah..i mean mukha naman pating mabait yun eh." Tiningnan ko ang mga kaibigan ko na ngayon ay nakatingin sakin ng nakakaasar.

"Parang ang defensive mo naman. HAHAHA. Hindi naman naming hinihingi ang paliwanag mo eh." Nang aasar na sabi ni France. Hindi ko alam kung naasar ako ng kusa o inaasar talaga nila ako.

"Base sa mga sinasabi mo parang magkakilala na kayo?" Tanong ni Kyla sakin. Sinubukan kong alisin ang kamay nya sa braso ko pero ibinabalik nya.

Bigla naman lumapit si Aemiel sakin. Medyo napataw si Kyla sa braso ko kaya lumayo na ako ng kaunti sakanya. Si France naman ay nakaalalay pa din kay kyla.

"Why would I? Nababaliw ka na ba?" Tinapik nya ako sa balikat. Tumingin ako sa likod dahil baka nakadun si Kyla at France.

"Sayang kase ang ganda nya kung aawayin mo lang. Kung ako sayo popormahan ko sya. Biruin mo yun, sya lang yung babaeng kaya kang labanan tsaka hindi madaling nahulog sayo." Ngingisi ngisig sabi ni Aemiel. Hindi ko na lang pinansin ang siani ni Aemiel dahil napaka walang kwenta naman.

Tama naman si Aemiel. Maganda naman talaga si Shenne. May katangkaran, maganda ang mata nya.. teka bakit ko ba iniintindi yun? Eh ano naman kung maganda yun? 

"O ano narealize mo na ba?" Nginisian nya ako ng nakakaloko. "Na tama ang sinasabi ko." Tumawa naman si Aemiel ng sabihin nya yun. Sinamaan ko naman agad sya ng tingin. Hindi ko alam kung nantitrip lang sila ngayon eh.

"Ulol." Iniwan ko naman si Aemiel na tumatawa. Nag pauna na akong sumakay ng sasakyan ko. Hindi na ako nag paalam sa kanila. Magkikita pa naman kami sa village.

*Briizzk*

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Si France ang caller.

"Hello? Bakit umalis ka na agad? Hindi mo kami hinintay." Agad nyang sabi ng masagot ko ang tawag.

"Nag mamadali ako. Sige na, I'll call you later." Pinutol ko na agad ang pag uusap naming. Wala na naming patutunguhan ang pag uusap naming.

Pamilyar sakin ang sasakyang tumigil sa tapat ng isang apartment. Parang Nakita ko na ang sasakyang yun. Hindi ko lang tanda kung saan at kelan. Binagalan ko ang pagmamaneho ko dala ng kuryusidad at Nakita kong bumaba sa sasakyan si Shenne at ang kaibigan nya.

Dyan sya nakatira? Malapit lang samin.

Bulong ko sa isip ko.

"Bobo mo naman Joshua. Eh ano naman ngayon kung dyan sya nakatira?" Sigaw ko sa sarili ko. Pinaandar ko na ang sasakyan ko. Alam kong tatawagan ako nina France at Aemiel kapag nakauwi na sila kaya nag madali akong umuwi ng Bahay.

Bakit palagi na lang sumagi sa isip ko yung babaeng yun? Parang bangungot lang...nakakatakot!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love In TroubleWhere stories live. Discover now