Sa isang kisapmata ay lumipas ang kalahating taon. Habang nagsasanay at nagpapalakas sa kanyang katawan, dumaan ang tagsibol, ang maalinsangang panahon nang tag-araw at ang nanunuot na laming sa panahon ng tag-ulan sa buhay ni Linley. Ang punong kahoy ng Poplar sa tabi nang bakanteng lupain kung saan ginawang training field sa Wushan ay lagi nalang nagkakalat ng mga tuyong dahon sa damuhan tuwing iihip ang hangin. Ang mga tuyong dahon ay dahan-dahang nagpagikot-ikot, hanggang sa tinabunan na nito ang buong training ground.Unti-unting lumaganap ang dilim.
Ngayong araw ay kakaiba ang dami ng mga tao sa training field, nasa halos umabot sa tatlong daan.
"Hanggang dito nalang muna tayo sa araw na ito." nakangiting sabi ni Hillman. "Pero bago kayo umalis, batiin muna natin ang grupo ng mga kabataang malapit nang umalis para makipagsapalaran sa army."
Sa pagtatapos ng tag-ulan ay panahon na naman na kumuha ng bagong kaanib ang mga sundalo. Dahil ang buong kontinente ay nasa gitna ng digmaan, lahat ng mga kabataan ay nangarap na maging magiting na mandirigma bilang 'badge of honor'. (Fudge! Di ko alam anong tagalog ng badge of honor!). Normal lang na may mga gustong maging mage, pero ang pagiging isang mage ay sobrang hirap na gawin. Siguro isa kada sampung libo katao ay may pag-asang makapasa sa pamantayan na maging isang mage. Dahil sa masyadong mababang probabilidad, karamihan ay hindi iyon kinokonsidera.
Ang pagiging isang 'warrior' ay mas madali. Sa pagsapit ng edad na desisais, basta nakapasok sila sa 'first-rank warrior', madali na silang makapasok sa army.
"Maraming salamat Uncle Hillman!"
Magalang na yumuko ang may isang daan at dalawampu't-anim na mga kabataan. Iilan sa mga kabataang naroon ay hindi talaga nagpunta doon sa araw na iyon para magsanay. Malalaki na ang mga ito at may sariling ng mga trabaho. Pero dahil simula pagkabata ay si Hillman na ang nagtuturo kaya kinikilalang guro ng mga kabataan si Hillman.
Kaya bago aalis para sumali sa army, nagpunta ang mga ito para magpaalam.
Habang nakatingin sa mga kabinataang puno nang enerhiya, mga sabik na labingpitong taong gulang ay halo-halo ang naramdaman ni Hillman. Iyon ay dahil alam ni Hillman kung gaano kasabik ang mga bata na sumali sa army, pero pagkatapos ng sampung taong pagsisilbi, iilan nalang kaya sa mga ito ang makakauwi ng buhay?
"Sana kahit man lang kalahati sa dalawampu't anim ay makabalik ng buhay," lihim na panalangin ni Hillman.
Tiningnan ni Hillman ang mga bata, saka malinaw ang boses nang magsalita, "Mga bugoy, makinig kayo! Lahat kayo ay mga anak ng Wushan. Ang mga lalaki ng Wushan ay matibay ang dibdib, hinaharap lahat nang pagsubok at walang kinakatakutan. Naintindihan ba ninyo?"
Lahat ng mga kabinataan ay agad na iniliyad ang dibdib at tumayo ng matuwid. Nag-aalab ang mga matang puno ng pag-asam na mamuhay bilang sundalo, at sabay na sumagot. "Oo!"
"Mabuti!" Tumayo din ng tuwid si Hillman. Ang malamig na tinggin nito ay puno ng 'military aura'.
"Bukas kayong lahat ay aalis. Ngayong gabi, maghanda kayong mabuti. Alam ko kung gaano kayo kalakas. Lahat kayo ay madaling makapasok sa army! Nandito lang ako para hintayin ang inyong masayang pagbabalik sa ating bayan!" masayang sabi ni Hillman.
Nagningning ang mga mata ng mga kabataan.
Ang pagbabalik na bitbit ang tagumpay ay ang pangarap ng lahat ng mga kabataan.
"Ngayon umuwi agad kayo at maghanda! Alis!" may bagsik na sabi ni Hillman.
"Yes sir!"
Ang isang daan at dalawampu't anim na mga kabataan ay magalang na sumauludo saka umalis. Sinundan ito ng may halong pagsambang tingin sa natirang may halos dalawang daang mga bata. Bukas ay ang simula ng paglalakbay mga ito.
BINABASA MO ANG
Coiling Dragon Book 1
AdventureWell played!! kaya pasukin na natin ang mundo ng cultivation kung san may pagmamahal na mabubuo, pagpupursigi at paghihiganti na mabubuo...