Ang higanteng nilalang na siyang dahilan ng pagyanig ng mundo ay tumambad.
Natakot sina Linley at ng mga kasama nang makita ang dambuhalang hayop. Mabilis ang reaksyon nina Hillman, Roger at Lorry; agad na tumayo ang tatlo sa harapan ng mga bata at masusing pinagmasdan ang dambuhalang hayop.
“Isang ‘7th-rank magical beast’. Velocidragon!” Hindi maipinta ang mukha ni Hillman, habang sina Lorry at Roger na nasa tabi nito ay pinanghihinaan ng tuhod.
“Sobrang l-la-ki! Ito ba ay isang maalamat na ‘magical beast’?” natigilan si Linley.
Simula ng ipinanganak siya, ang pinakamalaking nilalang na nakita niya ay mga warhorses na paminsan-minsan ay dumadaan sa bayan ng Wushan. Yong mga malalaki at malakas na kabayo ay may taas na 1.8 metro. Pero sa harapan ng dambuhalang hayop, magmukhang unano ito sa harapan ng higante. Sobrang laki ng kaibahan.
Ang hayop na ito ay may taas na dalawang palapag at may dalawampu o tatlumpung haba.
Magical Beast – Velocidragon!
Ang buong katawan ng Velocidragon ay puno ng kasing pula ng apoy na kaliskis, bawat kaliskis ay kumikinang, na parang ginto. Ang kaliskis nito ay nakapakaganda at nakakatakot tingnan. Ang apat na mahabang mga paa na natatabunan ng kaliskis ay nakakapangilabot sa kapal. Hindi halos kayang yakapin ng dalawang katao ang laki. Ang kulay apoy na Velocidragon ay pulang-pula ang buong katawan, maliban sa nakakatakot na kulay itim na mga kuko.
Ang makaliskis na buntot ay halos kasing haba ng kalahating katawan nito. Para iyong latigo, winawalis nito ang lupain. Sa bawat hataw nito ay may malakas na tunog na maririnig galing sa ilalim ng lupa.
“Grrr…”
Umangil ito, may puting usok na sumabog galing sa loob ng ilong ng Velocidragon, na may dalang amoy ng asupre. Ang parang diamanteng mga mata nito na halos kasing laki ng parol ay mas kakaiba, dahil pula din. Ang malaking ulo ng Velocidragon ay lumingon patungo sa direksyon nina Linley at mga bata. Ang malamig nitong tingin ay lalong ikinakatakot ng mga bata, hindi makagalaw ang mga ito.
“Tchh. Tchhh.” Naging tensyonado ang bibig ng Velocidragon, lumabas ang dalawang hanay ng mga malalaking mala- lagaring ipin. Bawat ipin ay puting-puti at sa sinumang makakakita nito ay mapupuno ng takot ang dibdib. Walang sinuman ang may duda sa talas niyon.
Pakiramdam ni Linley ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. Sa mga oras na iyon ay parang bang ang lahat ng ingay ay unti-unting nawala.
“Sobrang nakakatakot. Mayroon kayang tao na kayang talunin ang hayop nagaya nito?” Naninigas sa takot si Linley.
Sa tingin pa lang nitong dambuhalang hayop, pakiramdam ni Linley ay walang makakatalo sa kapangyarihan nito. Naniniwala si Linley na simpleng pagwalis lang ng dambuhalang buntot nito kahit ang matibay na bahay na gawa sa bato sa bayan ng Wushan ay madudurog.
“Ito ba ang bayan ng Wushan?” biglang may malamig na boses na maririnig galing sa itaas ng Velocidragon.
Ang takot na mga bata ay tumingala, namangha. Sa likod ng makaliskis na dambuhalang likod ng Velocidragon ay may mahiwagang lalaking may suot na kulay ubeng roba at nakaupo. Ang Velocidragon ay sobrang laki kaya ang likod nito ay sobrang lapad din. May sapat na espasyo para sa isang tao na tumayo, umupo or kahit na gumulong.
“Lord Magus, ito nga ang bayan ng Wushan. May maitutulong ba kami sa inyo Lord Magus?” umalingawngaw ang boses ni Hillman.
Pagkarinig ng boses ni Hillman, saka lang parang natauhan ang lahat at nakabawi sa pagkagulat at takot. Pero ang kasalukuyang mga naroroon, kasama na sina Roger at Lorry ay hindi gumawa ng kahit konting ingay. Lahat ay nakatayo sa likod ni Hillman at takot na tumingin sa na Velocidragon at sa mahiwagang, nakasuot ng kulay ubeng roba na magus.
BINABASA MO ANG
Coiling Dragon Book 1
AvventuraWell played!! kaya pasukin na natin ang mundo ng cultivation kung san may pagmamahal na mabubuo, pagpupursigi at paghihiganti na mabubuo...