MALAYO

12 2 0
                                    

"Malayo"

Malayo
Minsan, tao
Minsan, lugar
Minsan rin ay ikaw

Palagi ko ito itinatanong sa aking sarili
Kung bakit kailangang ipagtagpo
Ang dalawang pusong sa huli rin ay magkakalayo?

Malayo ka na

Andiyan ka, nandito ako
Nandito na umiibig
Pa rin sa iyo
Umiibig kahit alam kong masaya ka na

Masaya
Masaya sa piling nang iba

Para lang tayo naglalalaro nang habul-habulan
Habang hinahabol mo siyaHinahabol rin kita

Hangad ko ang iyongKaligayahan
Panalangin ko ay iyo pa ringAsahan

Ngunit kapag dumating ang araw
Na ika'y iwanHuwag ka nang umasang
Mayroon ka pang babalikan

Dahil ang pusong ito
Ang puso kong ito
Ay labis mo nangNasaktan
Ika'y mananatili na isang ala-ala
Na sana ay matagal ko nangKinalimutan

Malayo
Minsan, tao
Minsan, lugar
Minsan rin a,

IKAW

~CrescentStar143

Wala LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon