Chapter 6: I Love you berry berry Much

1.7K 70 1
                                    

Xander's POV

Flashback...

" Xander mahal mo na ba sya? "

Mahal ko na nga ba sya? Hindi ko alam pero masaya ako kapag kasama ko sya pero alam ko namang hindi kami pwede hanggat nasa ganito pa kong sitwasyon

" Alam mo namang pagkatapos ng misyon mo ay babalik kana sa katawan mo at mabubuhay na parang walang nangyari makakalimutan mo lahat ng ginawa mo sa misyon mo makakalimutan mo sila "

Alam ko naman yun kaya hanggat kaya ko pa pinipigilan ko ang sarili ko
End of Flashback...

Pero pano ko masasagawa ang misyon ko kung iiwasan kita Yhumi

" Xander! "

" Jecka may kailangan ka? "

" Si Yhumi mahal mo ba sya? "

Napatigil ako sa sinabi ni Jecka

" Kung Oo ipaglaban mo sya ha huwag mong hahayaang masaktan ulit sya ni Gerand alam kong bawal kasi diba ganan ka pero...Pagnakabalik ka na naman sa katawan mo pwede na diba? "

" Jecka "

" I didn't expect na mangyayari to yung nasa reality kayo tapos may Fantasy I guess it was destiny kasi sa dami ng tao bakit si Yhumi pa ang nakakita sayo,At kung nasan ang Body mo nasa hospital na pagmamay-ari nina Yhumi.Xander May tiwala ako sayo na hindi mo sasaktan si Yhumi katulad ng ginawa ni Gerand kaya sana huwag kang matakot "

" Jecka kasi "

" Yhumi starting to like you "

Si Yhumi gusto nya din ako

" And I guess Mahal ka na din nya "

Mahal na ko ni Yhumi pero

" Jecka pagkatapos nito kapag nakabalik na ko makakalimutan ko na kayo pati kayo makakalimutan nyo na din ako "

" Ha? "

" Yun ang Rason Oo Gusto ko na din sya pero magkakasakitan lang kami Jecka "

" Wala bang other way para... "

" Wala "

" No Don't say that Alam kong meron parin if ever na makakalimutan nyo nga ang isa't-isa Xander ang isip nakakalimot pero ang puso hindi "

Ang Isip nakakalimot pero ang Puso hindi.

" Xander the way to your goal is to find a Pure Love a girl that will sacrifice everything for anyone and for you "

Yun ba ang Misyon ko yun ba yung tinutukoy nyo mo na ako dapat ang makaalam

" Jecka I still have 16 days to show to her that I like her "

I'm not doing this just for my task Tama si Jecka kasi ang Isip nakakalimot pero ang Puso hindi pinagtagpo nya kami ni Yhumi that's why I'm holding for a reason kung bakit nangyayari ang lahat ng to

" Susuportahan ko kayo Xander "

" Salamat Jecka "

Nagpaalam na ko kay Jecka at hinanap si Yhumi nakita ko si Yhumi na nakaupo sa isa sa mga bench.Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya

" Xander? "

" Sasama na ko sa Camping "

" Talaga? "

Tumango ako kay Yhumi at ngumiti

" Ah... "

Tumayo na ko at ginulo ang buhok nya

" Tara na "

" San? "

" May papakita ako sayo "

Dinala ko si Yhumi sa Lugar kung saan ako lagi pumupunta noong buhay pa ko,Ito ang favorite place ko hindi ko alam kung bakit may naaalala na ko noong buhay pa ko

" Dito ako madalas pumunta kapag gusto kong mag-isa "

" Ang ganda dito bakit ngayon ko lang nalaman na may ganito palang place "

Ang sayang pagmasdan syang masaya gustong gusto nya talaga yung lugar na to maski ako ang ganda kasi ng ambiance maraming mga puno,mga bulaklak at sariwang hangin

" Ako na nga lang ata ang nakakaalam sa lugar na to "

" Wow so parang ikaw ang may ari nang lugar na to "

" Parang Ganun na nga Oh! Malaglag ka "

Tumutulay kasi sya sa mga sanga ng isang puno na natumba pero nanatiling buhay at maganda

" Feeling ko bata ulit ako kapag ginagawa ko to yung tipong wala kang iniintinding problema yung iiyak ka lang dahil sa mga simpleng bagay like inagawan ka ng laruan o gutom kana ang saya nun diba "

" Oo masaya yun "

" Xander Salamat ha "

" Salamat na naman? Para san? "

" For sharing this place to me "

Inalalayan ko syang umupo sa punong tinutulayan nya

" Simula ngayon hindi nalang ako ang may ari ng lugar na to ikaw narin "

" Talaga? "

" Oo Pwede ka nading pumunta dito kapag gusto mong mapag-isa "

After ng usapan namin nanatili kaming tahimik pinagmamasdan lang ang mga ibon na parang inaawitan kami

" Anong sabi ng Strawberry sa Blueberry? "

" Ha? "

" Answer my question Yhumi "

" Ah ano ba Aha...Bakit ang puro pasa ka? "

" Hahaha "

Havey yung sinagot nya ah

" Ano ba? Bakit mo ko tinatawanan "

" Enggnk!! Mali "

" Di ko alam "

" Ito Ano ang sinabi ni Blueberry sa Strawberry? "

" Bakit ako Blueberry ang name ko Blue ako bakit ikaw Strawberry ang name mo eh hindi ka naman Straw diba dapat Redberry "

" Mali na naman "

" Clue naman "

" Sige Hmmh Yung sinabi nila ay nasa pangalan nila "

" Psh! Ayoko na baka pagtawanan mo na naman ako sa naisip ko Sirit na Ano ba ang tamang sagot? "

" Alam mo ang sinabi nila sa isa't-isa? "

" Ano? "

" I Love you berry berry much "

Sinabi ko yung ng nakatingin sa mata nya at seryoso

" Ah...eh...Kai-langan ko na palang umuwi maggagabi na din kasi baka hinanap na ko sa bahay "

Tumayo na ko at hinawakan ang kamay nya nagulat sya sa ginawa ko pero hindi nya to tinaggal

" Hahatid na kita "

" Ah...Sige "

One Step To Heaven (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon