"Pakawalan mo ang mga bagay na nakakasakit sa'yo kahit na pinapasaya ka nito.Huwag mong hintayin yung araw na sakit na lang nararamdaman mo at iniwan kana ng kasiyahan mo"
Ito ang quotes na pinanghahawakan ko mula noon hanggang ngayon.
Ako nga pala si Ayumi De Guzman, isang simpleng estudyante sa isang sikat na university. Kasama ko ang aking dalawang kaibigan na si na Kathleen Santos , si kath ay ang pinaka maingay sa aming tatlo, matangkad, maganda,maputi at sexy. Samatalang si Charlie Bautista naman ay agn pinaka matalino sa aming tatlo,matangkad,maputi,matipuno,gwapo at habulin ng mga babae noong high school kami hanggang ngayong college na kami. Ngunit hindi nya ito pinapansin dahil may babae na daw siyang nagugustuhan mula noon pa pero hindi naman nya maamin sa aming dalawa ni kath kung sino yung mystery girl na yon.
Noong high school pa kaming tatlo ay pareho na kaming tatlo ng gustong kurso kaya napagpasiyahan naming mag-aral sa manila at kunin ang Education course dahil mahilig kaming tatlo sa mga bata dahil member kaming tatlo noon sa isang foundation center. Iba din kasi ang pakiramdam kapag nagtuturo kana sa mga bata lalo na kapag itinuturo mo sa kanila ang mga mabubuting asal at mabubuting gawain sa mga ito at nakikita mo namang ina-apply nila ito sa buhay nila.
BINABASA MO ANG
Eternal Love
Teen Fictionito ay kwento ng dalawang magbestfriend, na may lihim na pag mamahal sa isa't-isa.