Chapter 5

568 30 8
                                    

"Baby Maris say ahhh!"

"Mom! I'm not a baby anymore! I'm already 7." maktol ng syete anyos na batang halatang ayaw na tinatawag siyang 'baby' habang sinusubuan.

Kasalukuyang nasa dining area ng kanilang bahay ang ginang at ang kanyang anak na kumakain ng hapunan. Hindi pa dumating ang asawa ng ginang dahil nasa trabaho pa ito.

Ngumiti lang ang 30 anyos na ginang sa kanyang anak at binaba ang kutsarang may laman na pagkain sa plato. "Awww. You're still gonna be my baby forever even when you're 40."

Napasimangot naman ang bata sa tinuran ng kanyang ina.

"How am I supposed to have a boyfriend when you're treating me like that?" malditang sagot ng bata.

Englishera talaga ang batang ito at di mapagkakaila na maldita dahil sunod sa lahat ng layaw ang bata. Sadyang mahal na mahal siya ng mga magulang dahil nag-iisang anak ito.

“Boyfriend? You’re too young for that.” Napa-iling na lang ang ginang.

“Mama, I’m already seven. Seven is the best age to educate children. I believe I could already fall in love at this age.” Turan naman ng bata.

Napanganga ang ina sa kanyang anak ngunit saglit lang dahil ayaw niyang bigyan ng ideya ang anak na tama ito.

“Baby, believe me when I say you’re too young for that. No boyfriends or else I’ll confiscate all your gadgets.”

Napatayo naman ang batang si Maris sa narinig sa ina. “But Mama! That’s unfair!”

“Hey! What’s this all about? Bakit nagtatantrums ang baby ko?”

Nakapout ang bata habang lumapit sa ama at humalik sa pisngi nito.

“Mom won’t let me have a boyfriend.” Nakacross arms pa ito habang nagsusumbong sa ama nito.

Tumawa lang ang ama sa kasutilan ng anak. “Baby, you’re too young. You’re still gonna finish school. For now, yun muna nag isipin mo okay?”

“But Pa!!!” nagdadabog na turan ni Maris.

“Why don’t you sit down and finish your food. Don’t you want to hear a good news?”

Ngumunguso parin si Maris pero sumunod na sa kanyang ama. Nakangiti lang ang ama na parang sigurado talaga na magbabago ang mood ng kanyang unica hija.

“We’re going to the beach!”

Nagbago naman ang kanina pang nakasimangot na mukha ng bata at napanganga. Nanlaki ang mga mata at tila nagningning ang mga ito na parang nanalo ng premyo.

“Yey! Sandcastle!” pumapalakpak pa ito habang nakangisi ng todo. Di ma-ikubli ang kasiyahan sa balita ng ama.

The mother could only shake her head on her daughter.

--

“Ma! Let’s go!”

Hinihila na ni Maris ang ina papunta sa dalampasigan. Excited na excited na siya na gawin ang kanilang sand castle. Pagdating na pagdating pa lang nila ay nagbihis na siya agad at kinuha na ang mga gamit sa bag upang masimulan na nila ang paggawa nito.

“Where’s Papa?” takang tanong niya ng mapagtantong hindi nakasunod ang ama. Sanay kasi ang bata na sabay silang tatlo sa paggawa ng sand castle.

“He had to take a call while you were changing kanina. Hahabol naman daw siya, Baby.”

“Alright. Let’s go Mama!”

Tumawa na lang ang ginang at nagpahila na sa anak.

Naglakad pa sila ng medyo malayo sa mga tao. Ayaw nila sa maraming tao kasi baka sisirain lang ang gawa nila at biglang magtantrums si Maris. Kaya mas mabuti na lang na lumayo sila.

Chance in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon