Chapter 6

391 18 3
                                    

A/N:

First of all, I really want to apologize. Three months akong MIA but for a reason naman. Super busy ako sa thesis namin. I was supposed to upload this yesterday pero nagduty ako ng 8 hours at pagdating ko ng bahay K.O. agad ako. Hope you understand. Sa mga nanghingi ng update, here it is! Enjoy :) Btw, I'll be using Maris' POV for quite some time now. Matagal-tagal pa siguro bago magkakaroon ng POV ulit si Dandan. I'll try uploading another chapter this Sunday. Please leave comments. Kahit yun lang :)

--

MARIS

I’m staring at the sea. It’s calm. Not like that day when I watched my mom struggle for her life right in front of my very eyes.

Paano ako nga ba ako nakabalik sa dati? Dr. Romero helped me. He did everything to make me come out of the shell. Nung unang araw na pumasok ako sa opisina ni Dr. Romero ay wala akong alam kung anong ginagawa ko sa harap niya.

For a seven year old girl, ang unang pumasok sa isip ko ay, “Anong ginagawa ko dito?” pero di ako nagtanong. I was a smart girl. I knew I was brought here for a reason.

Nung araw na ‘yon ay tinanong ako ni Dr. Romero ng mga bagay-bagay tungkol sa akin. Kung anong pangalan ko, favorite color, favorite subject, favorite food at marami pang iba. Sinagot ko naman siya nang di nagpapakita ng ekspresyon sa mukha.

Hindi ko rin siya tinitingnan sa mata. Two days later ay tinanong niya na ako kung anong nangyari sa mama ko. Bigla na lang ako nag-break down sa harapan niya. Hanggang nung araw na yun ay di ko pa rin matanggap na wala na siya at parati kong iniisip na kasalanan ko ang lahat.

Nung mga sumunod na araw ay di naging madali para sa amin ni Dr. Romero. Ramdam ko nung mga panahon na yun na nahihirapan na siya pero everytime na pumupunta ako sa opisina niya ay binabati na ako ng matamis niyang ngiti.

Anim na buwan din ang lumipas bago ako nakarecover sa trauma ko. Akala ko nga susuko na sa akin si Dr. Romero pero hindi yun nangyari. Kaya ngayon, di na ako umiiyak pag nakakakita ng dagat. Tanging si Loisa, Kuya Fourth at Fifth ang may alam sa nangyari sa akin.

Isa sila sa mga nandoon para sa akin nung mga panahon na kinailangan ko ng kaibigan at karamay. Elementary pa lang kasi ay classmates na kami ni Loisa. Samantalang sila Manolo, Joshua, Jane at Nicole ay naging barkada naming nung highshool na. Ayoko ding malaman ng barkada ang tungkol sa nangyari dahil ayokong kinakaawaan ako.

Siguro pag nalaman ng mga tao kung anong nangyari ay maaawa din sila sa akin. Na ang brat pala na si Maris ay may pinagdaanang ganito. Pero I could care less, wala sila nung mga panahon na yun para damayan ako kaya wala silang karapatang malaman ang mga bagay na ganito dahil hinusgahan na nila ako agad.

 Alam ko naman sa sarili ko na masaya si Mama kung nasaan man siya ngayon. That thought alone freed me from the darkness.

Pinahid ko ang mga luha kong di ko namalayan na tumulo na pala.

When I turned around, I saw him. Di ko narin siguro namalayan na dumating siya. Di naman siya nang-istorbo.

“I’m sorry.” He had that apologetic face on. Di na lang ako umimik. Baka kung ano pang masasamang salita ang masabi ko sa kanya.

“I know I was wrong. I judged you immediately even though I have no right to do so.” He explained. His deep set eyes are piercing through my soul making me see just how sincere he was.

Chance in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon