Andrew,
Uhm. Hindi ko alam kung papaano ko ito sisimulan, ngunit hindi ko na magawang ikimkim ang sakit at labis na pagmamahal na aking nadarama para sayo. Hindi ko alam bakit nagsusulat ako ngayon, Kahit gusto kong isabi lahat ng Ito sayo, pero baka umalis ka ulit at Masaktan ako ng Lubusan, Masaya na ako na makita kang masaya kahit sa malayo lang ako nakamasid, At palihim na umiibig sayo.
Haha. Niloloko ko lang ang sarili ko. Hindi, hindi ako masaya na hanggang tingin nalang ako, Hindi ko kayang pakawalan ang mga nararamdaman ko, Pakiramdam ko ikaw lang ang daan para sumaya. Gusto ko umibig at Masuklian ng pag-ibig, Ngunit Ikaw lang ang lalaking nararapat sa akin, Gusto ko mahalin mo rin ako kahit kaunti lang, Gusto ko lumapit sayo pero natatakot ako, Natatakot ako sa posibleng sabihin mo, Natatakot ako na baka lumayo ka na nang lubusan.
Gusto ko ibalik ang nakaraan, Noong mahal mo pa ako. Noong Malaya kong masabi sayo na mahal kita, Naaalala mo pa ba nung sabi mo na pakakasalan mo ako sa lahat ng simbahan? O Yung sabi mo sa akin na ako lang ang mahal mo at ang tanging mamahalin mo. Nanghihinayang ako ngayon. Hindi ko labis matanggap na hindi na iyon mauulit pa.
Nakita ko sa Profile page mo sa Facebook na Kayo na pala nung nililigawan mo, Ang sakit. Mas lalong nabiyak ang puso ko na nakita ang litratong Nakangiti siya habang hinahalikan mo ang noo niya. Ang saya niyong tignan, Nakakainis. Dapat ako yang nasa litratong yan. Hindi siya.
Bin-Blocked mo na pala ako Facebook pagkatapos kong mag comment, Bakit ka nagalit? Sinabi ko naman ang totoo ah? Totoo naman na Hindi kayo bagay. Ako lang ang nararapat sayo.Ako lang.
Marami nang nagsasabi na mag-move on na daw ako.
Ayaw ko, Hanggang ngayon kumakapit parin ako sa pangako mong hindi mo ako iiwan.
Iyon nalang ang natitira sa akin ngayon, Ang mga pangako na iniwan mo sa ire.
Pinasa mo ako. Iniwan mo ako.
Hindi ko magawang magalit sayo, Mas nag-uumapaw ang pagmamahal ko para sayo.
Naiinis rin ako sa sarili ko, Minsan naiisip ko na ang tanga-tanga ko, Malakas ang tama ko sayo.
Please. Akin ka nalang ulit.
Nagsisi ako sa ginawa ko noon. Nagkamali ako. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ko noong mga panahong 'yon. Yung panahong niloko kita.
Sana Hinayaan mo ako magpaliwanag. Hindi naman kita ipinagpalit, Kaibigan ko lang si Aiden, A close friend of my family. It was a misunderstanding. Nakita mo ako noon na hinalikan ang pisngi niya, Hindi ko itatangi iyon, Ngunit wala naman iyong ibig sabihin, Normal lang sa amin ang ganoon Parang kapatid ko na si Aiden. He wanted to make his Ex jealous, Laro lang yun.Ngunit nang dahil sa Prank na yun, I lost you.
Mahal na mahal kita. Hindi ko magawang iwan ka.
Ngunit hindi ako naging tapat sayo, Sabay tayong gumawa ng pangakong magsasama tayo habang-buhay at hindi tayo maglilihim ng kahit ano sa isat-isa.
Naglihim ako. Hindi ko magawang Ipagtapat sa iyo na may lubhang karamdaman ako.
Pero Ikaw lang talaga ang mahal ko.
Nakita kita kinabukasan noong araw na iyon, may kasama at kaakbay kang babae. At Doon mo tinapos ang ating relasyon.
Sinabi mo hindi mo na ako mahal, Iniwan mo ako sa ere.
Pinalayas mo ako, Pinahiya ko ako sa harap ng maraming tao.
At umalis ka.
Alam mo Andrew, Mas masakit pa ang pag-alis mo kaysa sa sakit na nadarama ko dulot ng sakit kong ito.. Pagkatapos ng Isang Taon pumunta kami ng US, Nagpagamot kami. Kahit Isa nang taon ang lumipas mahal parin kita, At Hindi pa nababawasan ang sakit na dulot mo.
Sucessful ang operation, Ligtas na daw ako sabi ng Doctor. Nagpasya kami magpasyal, Pero nakita kita, Kasama mo parin iyong babae na nakita ko noon. Hindi ko magawang lapitan ka. kaya ka pala nawala nandito ka lang pala.
Pasensya na ha nagkalat na yung tinta ng ballpen sa sinusulatan ko, Hindi ko kasi mapigilan ang mga luhang tumutulo galing sa aking mga mata. Nung nakita ko kayo. Hiniling ko sa Panginoon na sana namatay nalang ako. Pero Nabuhay ako, Nabuhayan ako ng Pag-asa. na Baka Mahal mo pa ako.
Ngayon nagbalik ka na sa Pilipinas, Limang taon na ang lumipas. Opisyal na nobya mo ang babaeng 'yon. Masakit. Hindi ko kayang makita kayo. Nasasaktan ako, Ang puso ko.
Kung ang mga luhang ito ang makakapagpagaling sa Labis na Sakit na nadarama ko ngayon, iiyak ako panghabang buhay. Dahil alam kong mamahalin ko siya habang buhay kahit na hindi na niya iniibig pabalik.
Pwede ba nating ibalik ang mga araw noong Mayroon pang Ikaw at Ako? Ang saya nating noon, Malaya, Masaya,Walang Problema, Tanging isang babae at lalaking nagmamahalan ng lubusan. Nami-miss ko 'yong mga sandaling iyon. Ngayon, ang tanging Naiwan ay ang mga Alaala nung tayo pa at ang mga naiisip kong magiging tayo kung Hanggang ngayon Mahal mo parin ako.
Pwede ba kahit Isang Araw lang, ibalik natin lahat ng nakaraan? Kahit isang Libong sulat pa ipadala ko sayo hindi ka na babalik, Gusto kong subukan pero natatakot ako. Kahit Isang Libong Luha pa ang lumabas galing sa mga mata ko wala nang magbabago, Alam ko ito dahil umiiyak ako, pero walang nangyari, Gusto ko makapiling ka ulit. Iniwan mo ang puso ko na basag at Iniwan mo ang mga alaala nguit hindi alaala ang gusto ko..Ikaw lang.
I fall asleep thinking of you. Dreaming of things I wish were true. As I wake I shed a tear, cause I awake with out you here.
Ano kaya ang tingin mo sa akin? Naiisip mo pa ba ako? Makikita pa ba kita? Ang raming tanong na gusto kong itanong sa kanya limang taon na kitang minamasdan sa malayo, Gusto kita kausapin. Gusto mo pa ba ako makita? Siguro hindi. Pinalayas mo nga ako noon diba? Ang sakit. Mahirap nang Huminga. sana pagbigyan mo ako makita ka at makausap para malaman mo ang mga gusto kong sabihin at mga kwentong gusto ko ibahagi sayo. All I want is One Last Good Bye and Kiss my love.
Eight Billion people in the world, and You are The Only Man I want..
Pipilitin kong mag-move-on para sayo. Sana hindi na tayo magkita muli, para tuluyan na kitang makalimutan.
Hanggang ngayon nagmamahal parin ng lubusan sayo,
Ara.