Isa pang sulat.

29 7 3
                                    

Andrew,

Ikakasal na daw kayo? Paano na ako? Nakipagbati ka nga pala sa akin kahapon, Ang saya ko nung tumawag ka at sinabi mong gusto mo makipagkita sa akin.

Agad ako nagbihis at naglagay ng pulbura sa aking mukha, Pinili ko ang regalo niyang damit nuong Ikatlong Anibersaryo namin. Ang huling Anibersaryong ating naipagdiwang.

Naalala ko pa lahat ng detalye ng pag-uusap natin. Maligaya kang bumati kasabay ng matamis mong ngiti, Ang ngiting kaytamis..Ang ngiting nakita ko, Nung Sinagot kita.

"Hi Ara! " Una mong pagbati. Eto yung pakiramdam na gusto-gusto ko noon. Ang Kilig.

"H-Hello, Andrew" Hindi ko alam kung bakit pero Hindi ko maipaliwanag. Nakakakaba. Kinakabahan ako.

Hindi ako mapakali, Matagal na panahon na noong huli kitang nakausap.

"Wow. You look Great! Kumusta ka na?" Sabi mo sa akin. That made my heart skip a beat. A compliment. He knows what I need in Times I need one.

"Ok lang naman. Salamat." Ang tipid ko magsalita! Gusto ko isabi lahat sayo!! Gusto ko mahalin mo ulit ako! Nahihiya ako pero pakiramdam kong sasabog na ako. Mahal na Mahal kita! Gusto ko iyon isigaw...

"Naabala ba kita? Pasensya na ha. Gusto kasi kita makita at makausap..Alam mo na..Ilang taon na tayo hindi nagkikita. " Bakit nagagawa niya ito sa akin? Kada salitang lumalabas sa bibig niya mas lalong lumalim ang pagmamahal ko sa kanya.

"Ano ka ba! Hindi naman." Sagot ko sa kanya ng nakangiti. Gusto kong mabihag siya sa alindog ko. Gusto ko siya. Kahit ilang taon pa ang lumipas hindi mamawawala ang pagmamahal at sa bawat araw na lumilipas mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sayo.

"Ahh. Mabuti naman. May favor sana akong hihingin sayo ehh. " Sabi niya sabay kamot ng kanyang batok. Napatawa ako, Anong favor? I would be willing to do anything for you Andrew. Lahat. Kahit hingin mo ang buhay ko. Ibibigay ko.

"Anong favor?" Sabi ko sabay ngiti.

"Uhm. Since diba may pinagsamahan tayo noon.." He paused for a while. Napa-isip ako. This is it. Inisip kong eto na, Makikipag-balikan ka na sakin. "...Gusto ko humingi ng patawad sa lahat ng nagawa ko. You have been a great part of my life, I shared with you the perfect moments..and I will be very happy if you grant me this favor.." Pagpapatuloy niya.

"Ehh. Ano ba kasi yang favor na yan?"

"Gusto kasi ni Stacy na ikaw ang maging bridesmaid. You know, Dahil kung hindi naging tayo noon, Hindi ko rin makikilala si Stacy. Hindi ko makikita ang babaeng mamahalin ko panghabang-buhay" Nadurog pa lalo ang durog kong puso sa sinabi mo. Tuloy pala yung kasal niyo.

"Ahh--Ehh..M-May pupuntahan pa ako, masaya ako na nakita kita muli. Paalam" Paalam ko sa kanya. Hindi ko kayang makita siyang ikasal sa iba, akin lang dapat siya.

Hindi ko nasagot ang alok niya. May idudurog pa ang durog na durog kong puso?

Ang sakit na talaga.

Bumuhos ang mainit na likido galing sa aking mga mata. Inalala ko ang mga panahong masaya pa kami. Mahal ko talaga si Andrew. Ang sakit sakit sakit sakit na isiping ikakasal na talaga siya.

Gusto kong isipin na pakulo lang niya yun, Na gaya ng mga love stories na may plot twist. Na inimbitahan niya ako bilang bridesmaid pero sa totoo ako pala ang bride pero.. Hindi ehh. Napagtanto ko, Sa akin nalang umiikot ang love story namin. Scratch that, Its a one sided love story.

Kaya ipinapangako ko na yun na ang huli naming pagkikita, I can't bare thinking na ikakasal na siya sa iba. I'd rather be a cold lifeless corpse than to be broken hearted. Wait. I am, Matagal na. Matagal nang wasak ang puso ko. I cant bare the pain anymore. Ang sakit na Andrew. Masakit na masaya ka na with her and I'm still living in the past. I feel like im left out, Yung feeling na mahihiya ka na ilabas yung phone mo kasi 3210 Na nokia yung phone mo tapos naka Iphone 5 lahat ng tao sa paligid mo.

Parang ako lang, Gusto kong magmakaawa,Gusto kong maranasan muli ang pagmamahal mo sa akin noon, Pero may Stacy ka na. I was your 3210, At si Stacy ang Iphone 5. You dont want me anymore. You dont need me.

Naisip ko, ipapadala ko ba ang mga sulat ko sayo? 

Wag nalang siguro, Baka makagulo pa ako sa inyo.

Kaya paalam nalang Andrew. Pakiramdam ko mamatay na ako sa sakit. Hindi ko na kaya.

        - Love, Ara -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para kay AndrewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon