SQ 1 - New Life, New House

27 3 0
                                    

THIRD PERSON POV

Bagong lipat lang ang mag-anak Yul sa Parker Subdivision. Hindi maikakaila na ngayon lang sila makakaranas na tumira sa isang mamahaling subdivision.

"Inay, kay ganda po dito. Pero bakit po tayo lumipat ng tirahan? Ok naman po ang nauna nating tirahan a?" tanong ng dalagitang si Aliah

"Kasi anak ang tatay mo na-promote sa trabaho. At simula ngayon dito na tayo titira, ibinigay ng boss niya itong tirahan natin ngayon. Magsisimula tayo ng panibago at mamumuhay ng masagana" sagot ng kanyang inang si Melanie

"Sabagay ina, pero saan na po ako mag-aaral? Panigurado po mga private school iyong nandito at mahal ang matrikula." pero sa totoo namimis niya ang dati nilang tirahan at ang kanyang eskwelahan sa kanilang probinsya.

"H'wag kang mag-alala anak. Sagot ng boss ng tatay mo ang pagpasok mo sa eskwelahan." galak na tugon ng kanyang ina

Hindi na siya muling nagtanong pa at tinuloy na lang niya ang pag-aayos ng kanilang bahay.

"Anak, mabuti pa ayusin muna ang kwarto mo sa itaas, nasa dulo ng pasilyo iyong sa iyo. Ako nang bahala dito."

"Opo ina."

Nang nakatuntong na siya sa huling baitang ng hagdan ay nakadama siya ng kakaibang pakiramdam. 

Hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang nadama niya at tutuloy-tuloy siyang nagtungo sa kanyang kwarto sa dulo ng pasilyo.

Pagbukas ng magiging silid niya ay namangha siya sa gandang taglay nito.

Maayos at para bang laging nililinis.

Sa lahat ata ng parte ng bahay, ito lang ang pinakamalinis.

Inilapag niya ang kanyang bagahe at sinimulan ng isalansan ang kanyang damit sa walk-in closet.

"Ngayon lang ako magkakaroon ng ganito, dati-rati ay nakikita ko lang ito sa tv ng kapit-bahay." buong galak niyang sabi sa sarili

Habang isinasabit niya ang kanyang magiging uniporme, isang box ang nahagip ng kanyang paningin.

"Naiwan siguro ng may-ari ito." sabi niya sa sarili

Kinuha niya ito at dinala sa upuan para buksan.

"Sobrang ganda naman nito. Sayang at iniwan ng may-ari, malamang napakamahal ng bili dito." sabi sa niya habang hawak ang ilang kagamitan

Isang salamin ang ikinabit niya sa dingding.

At may naiwan pang mamahaling bag, ilang damit, sapatos na pamasok at isang diary.

"Akin na lang lahat ng ito, kaysa naman itapon ko. Pero ano naman kaya ito?" habang hawak ang diary

"Aba! Isang diary pala ito. Mabasa nga ito maya-maya pag natapos na ako. Hindi naman siguro masamang basahin ito, tutal iniwan na ito dito."

Natapos siya sa pag-aayos at naisip niyang basahin ang diary.

----------------------------------------------------------------------------------

                                                                                                                April 03, 2000

Dear Diary,

Ang lungkot ko na naman ngayon. Wala kasi si Mommy at Daddy ngayon sa bahay. Ang tangi kong kasama ay ang mga maids namin. Kailan kaya kami makakapagbonding? Nakakainggit kasi iyong mga batang laging kasama ang kanilang magulang. Pakiramdam ko tuloy, hindi ako mahal ng magulang ko kasi di nila ko masyadong pinapansin pag nasa bahay sila.

Sana mahalin nila ko :(.

                                                                                                Lovelots,

                                                                                                     Lulu

----------------------------------------------------------------------------------

"Kay lungkot naman nung Lulu." malungkot na bulong sa sarili 

Bubuklatin pa niya ulit para mabasa ang kasunod nang ..

"ALIAH! TAYO AY KAKAIN NA. PUMARITO KA NA." sigaw ng kanyang ina

"OPO INAY! PABABA NA PO." at itinabi sa isang drawer ang diary na hawak.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

        ok lang po ba?? T_T sorry talaga first time lang e, pasensya na po kung sabaw T_T

        tumatanggap po ako ng LAIT just comment po .. thanks

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ssh .. Quiet ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon