Pang-anim.

14 0 0
                                    

Ang saya ko :) Nakita mo ba yung lawak ng ngiti ko? Haha. Nalaman ko kasing hindi mo na hinayaang lumevel-up pa yung friendship niyo ni Siopao. Alam kong masakit yun for you, but still HAPPY pa din ako #Selfish >:) 

Tapos naging close na din tayo kahit papano dahil nagkakatext na din tayo hindi gaya ng dati. Kahit na yung pinag-uusapan lang natin dun ay ang kaibigan ko na si Kulas. Hahahahahaha. Ang pangit mang tingnan atleast nakakapg-usap pa din tayo. Tumagal itong pagtetext natin hanggang summer. Ang saya-saya ko dahil halos araw-araw (ng) bakasyon ay kausap kita. Mula umaga lalo na hanggang gabi. Hindi mo ba alam na sa bawat reply ko ay pinag-iisipan ko talagang mabuti ang irereply para lang tumagal ang usapan natin? Baliw na baliw ako sayo sobra.

-

#ALFH

A Letter For HimWhere stories live. Discover now