Pang-walo

12 0 0
                                    

Nasaan ka na? Nung nagpasukan na ay bigla kang nawala ng parang bula. Naiintindihan naman kita lalo na ngayong di na tayo magkakaklase. Pero sana ay magtext ka man sa akin kahit "Hi" lang. Hindi naman mahirap yun diba? Sabagay, sino naman ako diba? Isa lang naman akong assuming na kaibigan Awts </3

Ilang buwan din tayong di nagkakausap at nalulungkot ako dahil dun, lalo na nung nagkwento sa akin si Pizza. Nangyari ito noong pumunta kayo ng Zambales. Inggit na inggit ako habang kinukwento nya yung oras na nakapasan sya sayo at pinapanuod niyo ang mga fireworks. Nakwento niya rin sakin yung mga gabi na nagtatawagan kayong dalawa, halos naging daily routine niyo na nga daw yun eh. Di ko alam kung bakit ako nasasaktan habang naririnig ko yung mga kwento niya. PAKSHET  lang </3

At ang masaklap pa dito, nalaman ko din na hindi mo lang pala s akin unang ginawa yung mga bagay na yun. Nagawa mo na din pala kay Pizza yun. Ang pagtext tuwing gabi, ang pagsabi ng mga kilig messages at wag naman sana pati yung mga salitang nagpakilig sa akin ay nasabi mo na din sa kanya. Dahil kung hindi, hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko.

#ALFH

A Letter For HimOnde histórias criam vida. Descubra agora