[Cokee's POV]


"UGHHH" Napasapo ako ng ulo. POTANG HANGOVEEEEER!


"MA! GISING NA SI ATE!" Binato ko siya ng unan na siya namang ibinato niya din pabalik sa akin.


Nagtalukbong ako ng kumot. AYOKO NANG MABUHAAAA-- "AWW!" Napahawak ako dun sa pinalo ni mama at inalis yung talakbong ng kumot sa akin.


"Lasinggera! *palo* Kainaman ka, Cokee ha! Kanino ka ba nagmana ha?? Pareho naman kaming hindi nag-iinom ng papa mo--"


"Manloloko naman si-- AW AW AW AW AW!" Hinabol ko ang pagpingot niya sa tenga ko.


"Hindi kita pinalaking ganyan, Cokee ha!" Binitawan niya ang tenga ko at napabuntong hininga. "Mag-almusal ka na at madami ka pang labahin." Sabay labas niya sa kwarto.



"May pasok ako!!" Sigaw ko.



"Walang tulog yun." Napatingin naman ako kay Jestine(younger brother ko; highschool student). "Sa sobrang pag-aalala, akala daw eh patay ka na kasi di ka nagalaw. Maya't- maya tinatapat yung daliri niya sa nostrils mo, checking if nahinga ka pa." Napansin kong mamula-mula din ang tenga niya.



"Kauuwi mo lang din no."


"Oy nauna ako sa'yo no. 12 andito na ko."


"Ako din naman--"


"Ulol. Kani-kanina ka lang 1 or 2 eh."


"What?? Hindi ah--"


"Malalaman mo ba eh gulay ka kanina!?" Napatameme naman ako. Tbh, wala nga akong maalala kung paano ako nakauwi.


"Paano nga ba ako nakauwi, aber??"


"Hinatid ka ng kaklase mo." Huh?


"Patay na sina Vi at Jo kagabi ah. Paano ako ihahatid ng mga yu--"


"Lalaki naghatid sa'yo." Biglang nawala ang hangover ko saglit.


"Pardon--"


"Buhat-buhat ka niya na parang baby. Sweet. Blergh." Napatakip ako ng tenga sa hiya. Shet! Nakakahiya kay Bel!


**


"Ate girl, kanina ka pa. Sino ba kasi yung hinahanap-hanap mo sa paligid? Nasakit lalo ulo ko sa'yo eh. Ugh" tapos ay umubob siya.



"Si Vi, hindi talaga papasok?" Pag-iwas ko sa sinabi niya.


"Oo. Andun pa nga sa amin at nakikipagtalik sa kama ko. Akala ko nga kanina patay na, hindi nagigising eh tapos kahit sipain ko hindi nagalaw eh." Tapos ay tumawa siya. "Bakit ba jan ka sa may kasulok-sulukan ng library ha?"



Coast is clear. Dito muna ako sa library habang naghihintay ng sunod na klase. "Tutulog kasi ako. Hehehehe" pagdadahilan ko at umupo dun sa sahig na natatakpan nung mga patong-patong na libro.


"Siya sige, jan ka na muna at ako'y didiretso na sa PE ko." At umalis na siya.


Umubob ako. Iidlip muna ako, 3 oras pa naman bago yung sunod kong klas--


"Bel, tama na." Napatigil naman ako nang marinig ang pangalan ni Bel. Shet???


"Bakit ba, Elroy? Wala naman akong ginagawa." Hindi ako gumalaw sa kinauuboban ko. Hindi naman siguro nila ako napansin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thank You-zonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon