"Gelo! Ano na naman bang pumasok sa kukote mo at nakipagbangas ulo ka na naman? Nahihiya na kong pakiusapan ang Dean ng University na iyong pinapasukan. " ang sermon sakin ni mama habang nakapamewang akong nakakikinig."Sobra sobra ng konsumisyon ang dinala mo dun. And you know what? They want to kick you out in their school! Yun na lang ang magagawa nila para hindi matuloy ang kaso na ibibigay sayo ng mga magulang na binugbog mo." napahilamos na lamang ito dahil sa sobrang galit.
"But Mom, I did that because they insulted me!" maarte kong despensa sabay irap dito.
"Jusmiyo bata ka! Kailangan mo pang balian ng buto ang mga yun? Hindi ko na mawari kung bakla ka ba talaga o lalaki. Lagi ka na lang gumagawa ng gulo! " naiinis na sumbat ni Mama.
"Stop being stéréotype Ma! Si Darna kaya ako and walang sino man ang makakapang api sakin. Tsaka sayang ang pag-pasok ko sa martial arts training kung hindi ko gagamitin ang moves ko! Wala din kwenta ang aking mga thropy at pagiging black belter kung idedma ko lang yung mga hayop na lalaki na yun. " ensayrada kong entrada with matching suntok at sipa sa hangin.
Napailing na lamang ito tanda ng pagkatalo. " Paalala ko lang hindi na kita mapagtatakpan sa Papa mo.Tsaka dadating yun ngayon kaya maghanda kana magpaliwanag." pag iimporma ni Mama na may tonong ng pananakot.
"Haaaaa!" overacting kong responde.
"Haaaatdog!" napalingon na lamang ako sa nagsalita at pinukolan ito ng masamang tingin.
"Oh, napaaga ang labas mo bunso? " tanong ni Mama kay Hacy.
" Walang teacher Ma," sagot nito habang nagtatanggal ng butones ng kanyang polo. Tumango na lamang si Mama bilang tugon.
"Baka nagcutting lang yan ma!" sumbat ko.
Napatingin lang sakin si Mama nang nakataas ang kilay. Ngumiti na lamang ako at nag peace sign dito."Ano na namang ganap ngayon Ma? " may panunuya nitong tanong habang nakangisi sa akin.
"Ayun ano pa bang bago gumawa na naman ng gulo yang kapatid mo." napailing na lamang si Mama habang pinaliliwanag ang mga nangyare.
"Saan na naman school magdadala ng kaguluhan si Noah?" tanong nito na nagpairap sa akin.
"Ang Dad mo na lang ang bahala dyan. Magbihis ka na sa taas at maghahanda pa ako ng pagakain." umalis na si Mama at nagpunta sa kusina.
Pinagmasdan ko na lang ang pag alis ni Mama. Malay ko ba na mapapasobra ang aking ginawa. Tsaka hindi naman ako ang nag umpisa ng gulo. Ang pagkakamali ko lang ako ang unang nambugbog. Napatingin ako sa pares ng mata na nakatitig sa akin, nakangisi ito na parang nang iinis.
"Oh! Anong tini-tingin mo dyan?" nilakihan ko ang aking mata habang pabiro itong u-undayan ng suntok.
"Iniisip ko lang kung ano gagawin sayo mamaya ni Papa."natatawa nitong sambit sabay takbo pataas.
Napahilamos na lamang ako at humiga sa sofa. Sobrang nakakapagod, ang productive ko ngayon araw na ito. Napangiti na lamang ako dahil sa kalokohan na ginawa ko. Kaso lagot ako mamaya kay Papa dapat mag isip ako ng magandang paliwanag.
Unti-unti bumagsak ang talukap ng aking mata dahil sa pag iisip. Mamaya na lang ako gagawa ng paliwanag. Humiga ako ng maayos sa sofa at tumulog ng mahimbing na walang bakas ng takot at pag aalala.
-----
"Anong nakick out?""Ayun na ang decision ng University Daddy kaysa ipakulong si Gelo ng mga magulang na nagrereklamo. Its better na ilipat na lang natin Gelo sa ibang school atleast malessen pa yung alalahanin mo kung ilipat sya sa ibang University ." paliwanag ni Mama.
BINABASA MO ANG
TROUBLE IM IN (boyxboy)
RomanceKung saan man may nangyayaring gulo, tandaan mo naduon ako.