3: Two-faced fiancé

12 5 0
                                    

Chapter 3: Two-faced Fiancée






"MISS? I'M ASKING YOU IF YOU'RE-"



"Danica."




Halos sabay kaming napatingin sa lalaking pumasok. Si Mr. Lee. Palihim naman akong napabuntong hininga at nagpapasalamat dahil nadinig ang sana ko. Akala ko wala na, e. Akala ko end of the world ko na.




"Miss Aguilar,"




Agad akong napaangat ng tingin sabay ayos ng suot ko at inipit ang ilang hibla ng buhok ko na tumakip sa mukha ko.




"S-Sir? Sorry po nalate ako." Pagsasalita ko pa sabay bow ng kunti.




Nang mag-angat ako ng tingin ay hindi na mukha ni Mr. Lee ang bumungad sa'kin. Kundi ang babaeng tinawag ni Mr. Lee na Danica.




"So, you are Miss Aguilar? The secretary of the company? Ikaw pala 'yon. Bakit hindi mo sinabi agad? Edi sana-"




"Danica," putol ni Mr. Lee kay Danica. Napasimangot naman itong umalis sa harapan ko. "Have a seat, Miss Aguilar."




Baling bigla ni Mr. Lee sa'kin kaya agad akong umupo sa harap niya. Ito na ba? Mawawalan na ba ako ng trabaho?



"I'm sorry for that, Miss Aguilar."




Panimula ni Mr. Lee kaya hindi ko maiwasang mas lalong kabahan. Napatungo na lang ako. Handa na rin ang tenga ko sa anumang sasabihin ni Mr. Lee. Sana lang dahan-dahanin niya para naman hindi masyadong masakit.




"Miss Aguilar," napaangat ako ng tingin.


"First of all, I want you to meet Jana Danica Lee, my daughter. And this handsome guy beside me is John Damian Lee, my son. He's your new yet temporary boss. But still, I'm your boss after my business trip in HongKong." Dagdag pa nito.




Marahang napatango-tango naman ako. May business trip nga pala sila sa HongKong together with the other stakeholders of the company. Muntik ko ng makalimutan. Kaya pala agad akong pinabalik ni Mr. Lee dito dahil ngayon na nga pala ang flight niya. Sekretarya ka ba talaga, Anah Margareth Aguilar? Kasi parang hindi, e.





"Mamayang 10 o'clock na po ang flight niyo, Sir. Ihahatid ko pa po ba kayo sa airport o hindi na po?" Tanong ko at hindi na inalintana ang mga pares ng matang matamang nakatingin sa'kin.





"H'wag na, dito ka na lang para mabantayan at maturuan mo si Damian para sa mga dapat niyang gawin dito sa kompanya. Si Danica na lang ang maghahatid sa'kin." Sagot ni Mr.Lee na ikinagulat naman ni Danica.





"What? Dad, why me? I want to know Miss Secretary more." Reklamo pa nito na nakasimangot na. Napatingin naman si Mr. Lee sa anak niya at nagbabanta ang tinging ipinukol dito.




"Danica-"




"Fine. Pero bakit kasi hindi mo sinbi na siya ang secretary mo. Nagkita pa naman kami kahapon. Diba ikaw 'yon? Doon sa BS restaurant?" Otomatikong nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Mr. Lee at kay Danica saka pekeng napatawa.




"A-Ah oo, naroon ako kapag walang pasok sa trabaho." Sagot ko with a half lie. Kahapon lang naman kasi ako napadpad doon ulit.




"Talaga? Doon ka rin ba nagtatraba-"




"Danica." Hindi na natuloy ni Danica ang itatanong na naman sana sa'kin ng biglang sumingit si John.




The Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon