2: New boss yet temporary

18 5 0
                                    

Chapter 2: New Boss Yet Temporary





"MA'AM ANAH-"



"Walaa. 'Yaan mo na, kyut ko pa rin."


Balewalang sagot ko at basta-basta na lang kumuha ng mga pagkain. Ako naman kasi ang may-ari ng restaurant na 'to kaya pwede akong kumuha ng mga pagkain dito kung gugustuhin ko.



"Hala si ma'am, kyut daw oh!" Aniya. Kaya mas lalo naman akong napabusangot. Kung sumabay na lang kaya siya sa trip ko, e 'no?



"Wala kang piso sa'kin." Sabi ko na lang at nilagay na sa tray ang mga pagkaing kinuha ko. Hindi ko na rin pinansin pa si Leslie at pinagpatuloy ang pagkuha ng pagkain.



"Hahaha grabe ka ma'am- ay ma'am, tulungan na po kita." Alok ni Leslie kaya hindi na ako nagpumilit pa na kunwari ayaw at binigay ang isang tray na nilagyan ko na ng pagkain.



"Sige, ihatid mo 'yan doon sa mesa nila. Ako na lang dito sa isa." Sabi ko sabay turo dun sa pwesto nila Candice na alam kong naiintindihan naman niya.



Pero dahil pinanganak akong malas o sadyang makasalanan lang itong mga mata ko ay hindi ko maiwasang dumaan ang paningin ko sa table 7. Tsk. 'Lang kwenta.



Oh, tinitingin niya? Gusto ko sana siyang pagtaasan ng kilay at sabihing, "Hi! Ako nga pala yung sinabihan mong papakasalan mo. Pero ito ako, sinayang mo." Charot!



"Ay sige po ma'am, walang problema. In English, no problem. " Napaikot na lang ako ng mata sa tinurang iyon ni Leslie.



Pero bago 'yon, sinabihan ko muna siya ng, "Leslie, you got no jams," sabay walk out at flip hair. Kaya ang ending, inunahan ko na siyang mag-walk out.











KASALUKUYANG nasa loob na ako ng opisina dito sa restaurant na pagmamay-ari ko ngayon. Isang oras na rin ang lumipas simula nung nangyari kanina pero hindi pa rin ako totally makamove on.



Kanina na rin nakauwi sila Candice. Ihahatid ko pa sana sila pagkatapos naming mamasyal pero may sumundo na pala sa kanila.



Kaya ito ako, walang ibang magawa sa buhay kundi ang magpakatiwakal na lang. Charot. Gusto ko pang maranasan na magkaroon ng totoong anak uy. So don't me.


"Ma'am Anah?"



Biglang pasok ni Leslie sa loob mg opisina ko na hindi ko man lang namalayan na kumatok. Kaya muntikan na akong mahulog sa kinauupuan. Aish. Hindi ba uso sa kanya ang kumatok? Knock first before you enter nga diba?



"Hala ma'am, okay lang po ba kayo? Sorry ma'am, nagulat ko pa ata kayo, e." Sabi pa nito sabay lapit sa'kin. Agad naman akong napaayos ng upo at tinaasan siya ng kilay.



"Nagulat mo ata ako ba kamo? Ha? Eh kung ikaw kaya ang gulatin ko tapos tatanungin kita kung okay ka lang ba? Psh. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung basta-basta ka na lang pumasok at hindi man lang kumatok-"



"Ma'am, kumatok po ako. Hindi niyo lang siguro narinig dahil halatang lutang po kayo." Agad naman na nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niyang 'yon. Ako? Lutang?



"Anong lutang ang pinagsasabi mo r'yan? Hindi ba pwedeng nagpapahinga lang tapos baka nakatulog? Kung ano-ano na ang pumapasok dyan sa kukote mo. Baka naman gutom ka lang kaya mabuti pang kumain ka muna." Mahabang sabi ko at marahang inayos ang mga gamit ko kahit na alam kong hindi naman ito ganun kakalat.



The Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon