Battle 4
Rainne’s POV
Guys! Kami Na! Kami Na!
Narinig kong sabi nung ngongo kanina habang pauwi na ako. Hahahaha
After that mini reunion of Ulap and HeroMyLoves, ang gulo na ng buhay ko. Una, laging nakabuntot saakin si Ulap. Pangalawa, hindi ako tinitigilan ni Kaizer. At Pangatlo, ang dami na ng bashers ko! -_- Nakakainis! Panong hindi ako tantanan ng mga tao, yun nga laging bumubuntot sakin si Cloud at Kaizer. Idagdag mo pa na minsan nakakasama ko si Hero dahil kaibigan niya rin si Ulap. Psh
“Bessy, I’m so nagtatampo na :< you don’t have time for me na! L”
“Ha? Anong wala? Ikaw ang walang time para sakin. Lagi mong kasama si Cassy eh. Hmp. Edi kung ganyan, magsama-sama tayo palagi ni Cassy para tatlo na tayo!”pagsusuggest ko ki Xena na nagtatampo na DAW saakin, wherein ako dapat yung magtampo. Iba talaga tong babaeng to. Tsk
“Nice idea. Bessy, I’ll try not to be conyo anymore. I bumped someone yesterday and when he talked to me, he said that I’m such a brat! Grrr what kind of stupid guy is he?!”
Naks. Muunahan pa ata ako ni Xena sa lovelife a. Maasar nga “Wow! Ayos. Luma-love life ka na a.Pag naging kayo, wag mo akong kalilimutan ha? “
“Naman eh! I don’t like him kaya. He’s so arrogant! But handsome”
“Oy I heard it! Yieeee dalaga ka na Xena!” Bwahahaha
“Nooooo! Don’t talk to me. No! No! No!” Ay -_- Abno. Layasan daw ba ako :3
Kaizer’s POV
“Ano, pare? Busted ka no? Hahahaha!”
“Yan kase! Hahahahahaha”
“Betterluck next time dude.”
“Hapy Condolence! Bwahahahaha”
Puro pang-aasar at pang-iinis ang nangyari sakin after nung nangyari sa canteen.
“Mga ulol talaga kayo! Umalis na nga kayo dito sa bahay! Tngna” Bwisit tong mga taong to. Tsk. Mga walang kwentang kaibigan!
Anyways, I’m Kaizer Buenavista. Team Captain ng Blue Slayers. AT Campus Heartthrob ako sa school. Nakakainis yung nangyari saakin sa canteen nung isang araw. Nasaktan ego ko nun ah. Sa dinami-rami ng mga babaeng nagkakandarapa sa isang gwapong tulad ko, bat ba hindi niya ako mapansin?
Matagal ko nang kilala si Lorainne. 1st year high school pa lang kami, kilala ko na siya. Sila ni Xena. Hindi ko alam kung bakit nung una ko siyang nakita noon, nagkacrush na ako sakanya. Siya kasi yung tipo ng babae na super simple. Yun bang walang arte sa katawan. Mula noon, nagpapansin ako sakanya. Pero hindi tumalab. Bat ganun? Yung iba ngang babae eh, napansin ako. Pero isa rin yun sa dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Wala siyang pakialam sa mga gwapong lalaki. Kumbaga, hinahayaan niya lang kami (oo gwapo ako e) Tsk. Kaya naisipan kong magpakilala sakanya nung sa canteen. I don’t know if I acted too rude or what. Basta gusto ko lang siyang maka-close.Pero wala pa rin talaga. Ni hindi niya nga sinabi pangalan niya kahit alam ko na. Tsk. Kaya mas nagkakagusto ako sakanya e! Haha
Prero naiinis ako sa sarili ko. Dapat pala matagal na ako sakanyang lumapit at naglakas ng loob na magpakilala. Dahil balita ko, may lalaking umaaligid sakanya. Laging nakabuntot. Cloud Buenavista daw pangalan. Oo aaminin ko, Gwapo siya. Lamang lang siya sakin ng kalahating ligo. Siya yung lumapit ki Lorainne nung kinausap ko siya. Sabi ng karamihan, masungit daw yun at walang ibang pinapansin na iba bukad kina Lorainne at Xena. Nakakainis. Ang torpe ko talaga. Sana lang talaga wag siya sakin maiinis kung bubuntot din ako sakanya. Sana lang talaga. Gusto ko lang naman mapalapit sa taong matagal ko nang gusto.
Cloud’s POV
“Ang hangin mo talaga pare kahit kelan.” Ungas talaga tong si Hero. Ako? Mahangin? Sus di ah. Totoo naman na gwapo ako. Honest kasi ako masyado
“Ulul. Tigilan mo’ko. Hahaha!”
“Oy. May gusto ka ba ki Lorainne?” Change topic ah. Speaking of Lorainne, asan na kaya yun? Bigla nalang nawala kanina eh. Nauna na ata siyang kumuha ng gamit niya. Di man lang ako niyaya na samahan siya. Tsk. Di bale alam ko namang si Xena kasama nun.
Vacant kasi namin ngayon. Walang teacher eh, absent. May activity nga lang na iniwan samin kaya pumunta muna ako sa locker room para kunin gamit ko. Sakto naman na nakita ko tong baliw na to.
Sinagot ko yung tanong ni Hero. Good Boy ako kaya dapat marespeto J Ok lang na magsungit. May reasons naman ako. Hahaha “Ako? Sus. Wala! Bestfriend ko lang yun no” Totoo naman talaga. Bestfriend turing ko sakanya
“Ahh nice. Kung ganun, may chance pala ako” Ano? Chance saan? Gusto niya ba si Ulan? Aba aba
“Teka. Hoy Ugok! May gusto ka ki Ulan no? Umamin ka nga! Hoy lumapit ka dito at babangasan kita! Hoy! Dadaan ka muna sa butas ng karayom! Hooooy!” Tngnang Hero. Bastos. Kinakausap eh bigla akong tinalikuran. Di pa sinagot tanong ko! Ice yan.
Hero’s POV
Hi. Hero Mendez at your service ;) Hahaha
Member ako ng Basketball Team. At gwapo ako.
[Ang hahangin ng mga lalaki dito sa story ko. Syet. Hahaha. Gwapo naman kasi talaga sila *U*]
Bago pa matapos ni Cloud yung sasabihin niya, tumalikod na ako at tumakbo. Wala lang. Ayoko lang sagutin tanong niya. Pero sa totoo lang, wala akong gusto ki Lorainne. Nasabi ko lang yung kanina dahil, wala trip ko lang. Hahahaha. Sinubukan ko lang na asarin si Cloud, akala ko kasi may gusto siya ki Lorainne eh. Para kasing aso kung makabuntot. Akala mo naman girlfriend niya yun. Hahaha
Gusto ko si Lorainne bilang kaibigan. No more, No less. May iba akong gusto eh. Kaso di ko alam kung alam niyang may isang Hero Mendez na nage-exist.
Someone’s POV
“Ahh nice. Kung ganun, may chance pala ako”
Pagkarinig ko nun, bigla akong nanlumo. Yung lalaking matagal ko nang gusto, may gusto sa isang tulad ng malanding babaeng yun?! Narinig ko yung pag-uusap nila ni Cloud.
Pupunta kasi dapat ako sa CR. Pero nakita kong magkasama sina Cloud at Hero, kaya I opted to eavesdrop. Pinagpaliban ko na muna ang pagpunta ko sa cr, like duh makakapaghintay ang cr. Di yun aalis dun. Mas importante to kesa dun.
Nakakainis! Ang flirt talaga ng Lorainne Alvarro na yan! Una si Cloud, tapos si Kaizer. Ngayon, pati ba naman si Hero?
Humanda ka sakin. Hindi kita hahayaang makalandi pa ng iba. Humanda ka.
------------------
Omg Omg Omg *inhae* *exhale* Yung episode 12 ng My Lovely Girl <3 Omggg Myungstal <3 Pero huhu ang onti ng moment nila dun *sigh* Kkk share XD
BINABASA MO ANG
Battle for Love
RandomSino ang pipiliin mo? Ang taong gusto mo na gusto ka rin, pero niloko ka. O yung taong dinamayan ka sa oras na walang wala ka? It's hard to decide. It's hard to choose. This is the story of how my battle started. -Lorainne Alvarro